I am married

7.9K 275 20
                                    

       

Maaga akong pumasok sa hospital kinabukasan after ng dinner namin.  Natatawa pa rin ako kasi hanggang pag – uwi inis na inis si Darcy sa pangyayari kay Joanne.  I know she is somewhat jealous dahil talagang hindi niya ako kinakausap.  But I told her, Joanne is nothing in my life at siya lang ang mahal ko.  Well, parang mas naging okay naman ang nangyari kasi ng nakalimutan ko siyang bigyan ng goodnight kiss sa noo, siya pa ang pumunta sa kuwarto at hinalikan ako sa pisngi.  Goodnight kiss daw.  Hindi nga ako halos nakatulog sa sobrang saya.

            Naipagpasalamat ko at wala naman masyadong pasyente sa ER ngayong umaga kaya hindi pa kami toxic.  Ma – e – enjoy ko ng husto ang ipinabaon na almusal sa akin ni Darcy.

            Nagulat nga ako kanina kasi ng gumising ako ng four am ay gising na rin siya at nasa kusina.  Naunahan niya ako kasi ako ang magluluto dapat ng breakfast niya.  Pero ang sabi niya, she is preparing for my breakfast na puwede kong baunin.  She made me a tuna sandwich and may yogurt pa na kasama.

            "Mukhang naglalambing ang misis mo sa iyo, ah.  First time na may pabaon.  Patikim naman," narinig kong bati ng kasamahan kong si Josh.  Naabutan niya kasi akong kumakain sa locker.

            Iniabot ko sa kanya ang kalahati ng sandwich.

            "Teka.  Hindi ba ako aantukin dito?  Baka kasi naglilihi ang asawa mo at para sa iyo lang ito.  Mahirap na.  Hanggang mamaya pa duty ko," natatang biro nito.

            Nawala ang ngiti sa labi ko.  Paano maglilihi si Darcy eh, hindi naman kami nagtatabi sa pagtulog.  Ipinangako ko na iyon sa kanya.  Hinding – hindi ko na gagawin ang bagay na iyon kung ayaw niya.

            "Mon, may naghahanap sa iyo sa labas," narinig kong sabi ng isang kasamahan ko.

            "Sino daw?" wala naman akong inaasahang kakilala na dadaan dito.

            "Janine daw.  Kaibigan daw ng asawa mo," sagot niya at iniwan na ako.

            Janine?  Ano namang kailangan sa akin ng babaeng iyon?  Kukulitin pa rin ba niya ako? 

            I saw her standing outside the ER.  Mukhang naiinip na.  Lumapad ang ngiti niya ng makita ko.

            "You need something?" alanganing tanong ko.

            "Hi, Mon.  Naistorbo ba kita?  Nalaman ko kasi from Darcy that you work here.  Nagbakasakali lang ako na makita kita.  Hinatid ko lang kasi ang mom ko sa taas kasi check up niya then nakita kitang papasok kanina," sabi niya sa akin.

            Napa – ah lang ako.  So Darcy is telling her friend where she can find me.  Napailing ako.  Talagang bang ipinapamigay ako ng asawa ko?

            "You want to eat breakfast?  Hindi pa kasi ako kumakain since last night.  If you still have time.  My treat," ngiting – ngiting sabi niya.

            Napatingin ako sa relo at nakita kong I still have an hour before my shift kaya pumayag na ako.  And maybe this is my chance to know something about Darcy and about Mark.  Janine is Darcy's friend since high school kaya alam ko din na maraming alam ang babaeng ito tungkol sa asawa ko.

            "So, how are you and Darcy?" narinig kong tanong niya ng makarating kami sa cafeteria ng hospital.

            "We're fine.  We're good," sagot ko at sinabayan ko ng pilit na ngiti.

            Napatango – tango lang siya na parang hindi kumbinsido sa sagot ko.

            "Oh yeah?  If that's what you're going to tell me.  Iba kasi ang chismis na nakarating sa akin, eh.  But never mind.  Is Mark still calling her?" tanong pa niya.

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon