Hindi pumayag si kuya Dave na doon kami ni Mon tumira sa bahay namin. Mas gusto ni kuya na magbukod kaming dalawa. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa Makati. Ngayon ko lang nalaman na may bahay na pala itong naipatayo doon. Nagpaalam muna ako kay kuya kung puwedeng kumuha muna ako ng gamit pero naka – ready na pala lahat ang gamit ko. Naihanda na lahat ni kuya.
Wala kaming imikan ni Mon habang nasa biyahe kami. Hindi nagsasalita si Mon at nakatutok lang ang atensyon sa pagmamaneho.
Sa isang exclusive village sa Makati kami pumasok. Nakita ko pang sumaludo ang guard na nakabantay sa gate ng mapadaan ang sasakyan namin. Two blocks from the guard house ay huminto kami sa isang bagong bahay. Ito kaya ang bahay ni Mon? Ang laki kasi. Halatang bagong gawa. Saka kung ito ang bahay niya, doble ito ng bahay namin sa Mandaluyong na pinagtitiyagaan niyang tirahan.
"Come on. I'll show you inside," nakangiti na ngayon si Mon ng bumaling sa akin at bumaba ng sasakyan. Halatang excited siya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse at inalalayan niya ako habang bitbit ang travelling bag ko.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko ang kagandahan noon. Maganda na ito sa labas pero mas maganda sa loob. Nakasunod sa mga modernong bahay ang pagkakayari. Malawak ang bakuran at sa tingin ko, maiikutan ang buong bahay sa lawak noon. Hindi pahuhuli ang bahay ni Mon sa mga naglalakihang bahay sa loob ng village
"This is your house. Pinag – ipunan ko talagang maipagawa ito para iyo. Almost two years na itong tapos pero hindi pa natitirahan. Gusto ko kasing kapag umuwi ako dito, kasama na kita," nakangiting sabi niya sa akin.
Hindi ako kumibo at sinimangutan lang siya. Wala akong pakiealam kung maganda ang bahay na ito. Oo nga at dito ako titira pero para saan naman kung hindi naman ako masaya?
Inihatid niya ako sa isang kuwarto at binuksan iyon. Inilapag niya ang travelling bag ko.
"This will be your room. I'll stay sa kabila," sabi niya.
Hindi ako kumibo. Mabuti naman at naisipan ni Mon na magkabukod kami ng tulugan dahil talagang hindi ako sisiping sa kanya. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang ginawa niya sa akin.
"Magpahinga ka na lang muna. Tawagin na lang kita kapag naka – ready na ang dinner," sabi niya at iniwan na ako.
Tiningnan ko si Mon ng makalabas siya ng kuwarto tapos ay naupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko mapigil ang sarili ko na maluha dahil sa nangyaring ito sa buhay ko. Pakiramdam ko ay ninakawan ako ng kinabukasan dahil sa kagagawan ni Mon na kinampihan naman ng kuya ko.
Tuluyan akong humiga sa kama at umiyak. Wala na akong magagawa. Ito na siguro ang kapalaran ko.
-----------------------------------------------------////
Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang naghihiwa ako ng sibuyas para sa iluluto kong hapunan namin ni Darcy. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na siya at asawa ko pa. Ang dating pinapangarap ko ay nandito na. Totoong – totoo na ito.
I promised myself that I'll do everything to make her happy. I'll give her everything that she wants. Pagsisilbihan ko siya. Lahat ng gusto niya ay gagawin ko na makakapagpasaya sa kanya and I will do everything until she falls inlove with me.
Pero agad ding nawala ang ngiti sa labi ko ng maalala ko ang nangyari kanina. Magagawa kaya talaga ni Darcy iyon? I know she has her morals but I know Mark won't stop unless he gets even with me. And he will use Darcy against me.
BINABASA MO ANG
DAMAGED LOVE
RomanceSantong paspasan. Iyan ang ginawa ni Mon para makuha lang ang pinakamamahal na si Darcy. Alam naman niyang mayroong minamahal na iba ang babae pero pinilit niyang agawin ito kay Mark. Sa sobrang obsesyon niya dito ay talagang gagawin niya ang lah...