----------------------------------------------------------------////May liwanag na ng magising ako kinabukasan. Hindi pa agad ako nakakilos kasi nakapulupot pa ang braso ni Mon sa katawan ko. Napangiti ako at tiningnan ang singsing na ibinigay niya sa akin. Ang ganda. Pero mas kinikilig ako sa paraan ng proposal niya. Nabigla ako ng sobra kagabi. Walang kaplano – plano pero talagang na – surprise ako.
I looked at Mon beside me at napakagat – labi ako. He is so georgous. He is so neat. He is so masculine. Parang lahat na ng magagandang katangian nasa kanya. Ganito yata ang inlove. Wala akong makitang kapintasan kahit isa sa kanya.
Napahinga ako ng malalim ng marinig kong nagba – vibrate ang telepono ko sa bedside table. Someone is calling me. Ang aga namang istorbo. Kakainis.
Painis kong dinampot ang telepono at tiningnan kung sino ang tumatawag.
It's Mark again.
Hanggang kailan ba niya ako kukulitin? Masaya na ako kaya tigilan na niya ako. Ayoko ng magulo ang buhay namin Mon. This life with him is already perfect for me.
Hindi ko na iyon sinagot at pinabayaan ko na lang na tumawag siya ng tumawag. Naka – silent mode naman ang telepono ko.
After several calls na hindi ko sinasagot, text message naman ang nareceive ko.
HunnyMark: Please Darcy. Please. I want to talk and see you.. I'll be at Sofitel around 12noon. Please be there.
I took a deep breath and placed my phone on the bedside table again. I need to move. Maaga pa akong kailangan na nasa shop dahil may mga kukuning paninda si Juliet.
I slowly removed Mon's arm that's embracing. Ayokong maistorbo ang pagtulog niya. Dire – diretso ako sa banyo para mag shower.
----------------------------------------///
It's already past six in the morning. But feeling ko hindi rin ako masyadong nakatulog. After we made love, Darcy slept soundly in my arms at dinama ko lang ang init ng katawan niya sa tabi ko. Maya – maya lang ay gumagalaw na siya and I pretended to be asleep.
I felt a kiss on my forehead and she removed my arms that wrapping her body. I made sure that she is inside the bathroom when I opened my eyes.
I looked at her cellphone that is resting on the bedside table. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang may nag - uudyok sa akin na tingnan iyon. Shit. Ito na naman akong si gago. I know someone called her kanina but she didn't answer. Tiningnan ko ang nakasarang pinto ng banyo at naririnig ko pa ang lagaslas ng tubig mula sa shower.
Damn it. Bahala na.
That's what I thought and I grabbed her cellphone and opened it.
Hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang dapat kong maramdaman ng makita ko ang missed calls ni Mark lalo na ng makita ko ang message niya kay Darcy na gusto niyang makipagkita sa asawa ko.
Pero ang mas nagpasakit ng kalooban ko ay ng makita ko ang reply niya.
OK.
Iyon ang nabasa ko.
Two letters. Just a fucking OK pero daig pa noon ang pinakamatalim na kutsilyo na sumaksak sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
DAMAGED LOVE
RomanceSantong paspasan. Iyan ang ginawa ni Mon para makuha lang ang pinakamamahal na si Darcy. Alam naman niyang mayroong minamahal na iba ang babae pero pinilit niyang agawin ito kay Mark. Sa sobrang obsesyon niya dito ay talagang gagawin niya ang lah...