Epilogue

203 5 4
                                    

Epilogue

Have you ever love someone wholeheartedly? How was the feeling? How about loving someone unrequitedly? Have you experienced it? Maybe yes, maybe no. But at the end of the day, it will all boil down to a one common denominator.

How much are you willing to be hurt inorder to know if its true love.

Ilang segundo rin siguro kaming nanatili ni Andi sa aming mga pwesto. Takot gumawa ng unang hakbang. Pareho nagtatantsahan, parehong naghihintayan. This is so us.

"Andi." I whispered, trying to initiate a conversation.

Napaiktad ako ng bigla syang tumingin ng diretso sa mga mata ko. Kinakausap ako ng mga iyon. Ni pagkurap ay di ko magawa. Para bang nahulog ako sa malalim nyang tingin. Slowly, nagsimula ng mamuo ang mga luha ko. Nagtatangkang bumagsak, nagtatangkang kumawala mula sa mga mata ko. Ayokong umiyak.

Pilit kong binasa ang mga nais nyang iparating. Bakit ba palagi kaming ganito? Bakit ba hindi kami magkaroon ng maayos na usapan? Walang halong takot, kasinungalingan o di kasiguraduhan. Bakit palagi na lang kaming ganito? Bakit di namin masabi ang totoo?

Bumagsak ang mga luha sa mga mata nya. Something rare. Pilit nyang pinapatahan ang sarili ngunit sa tuwing gagawin nya iyon eh lalo lang iyon tumutulo.

Hindi ko mahanap ang mga tamang salita. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Naguguluhan ako, at gusto ko ng mga sagot sa tanong ko. Alam kong yun din ang gusto nyang mangyari. Gusto rin nyang masagot ang mga tanong ko at gusto rin nya ng sagot sa mga tanong nya.

Sandali ko pa syang pinanood habang umiiyak sya. Kasabay noon ang pagdurog ng puso ko.

"Why.." Ang mga salitang tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ito isang tanong kundi isang uri ng salita ng panghihinayang. Kinalma ko muna ang sarili ko. "Bakit kaya tayo umabot pa sa puntong ito?"

Nanginginig ang mga laman ko. Halos sumabog ang ulo ko. Pigil na pigil ko ang mga luha ko. Kailangan kong maging malakas.

"I love you." Ang halos pabulong na nyang sambit.

Hindi iyon ang nais kong marinig. Agad kong tinakpan ang mukha ko. Here we go again.

"I love you Jill. Yun lang ang alam ko." Ang pilit nyang pagtahan sa sarili. Nakakabinging mga hikbi. Hindi ko makuhang tumingin sa kanya. Just for this time, ayokong umikot ikot lang. Gusto ko ng diretsong tanong at sagot. Pero mukhang mahihirapan akong makuha ang gusto ko.

"Love.." I whispered. "..is such a shit."

Tinitigan ko ang lalo pang natutunaw na si Andi. Hindi ito ang tipikal na sya. Gusto ko syang yakapin at pakalmahin, something na sa tingin ko eh ginagawa ko na dapat ngayon kung tanga lang ako. Pero pinigil ko ang sarili ko. Ayokong lumubog muli.

"Sapat na rason ba ang love para manakit? Manloko? Magpaasa?" Tanong ko sa kanya. Halos wala kang maririnig sa kanya kundi ang pag-iyak nya. May nga dumadaan sa tabi namin ang tumitingin at nakiki-osyoso sa usapan namin. This is the worse case scenario: Ang gumawa kami ng eksena dito. But it's very unavoidable. "Kung yan lang din yung love, ayoko nang magmahal."

"Mahal din kita Andi. Pero bakit ganun? Bakit tayo umabot dito? Bakit ang gulo nito?" Halos sumabog ang mga ugat ko sa sapilitan kong pagpigil sa mga luha ko. Hindi ko alam kung matatawag pa bang katapangan itong ginagawa ko o kahangalan.

"I'm.. sorry." There. He said it.

Lumabas na lahat ng luhang pinigil ko. ANAK NG ISDANG PINIRITO SA KAWALI naman! Akala ko ubos na ang luha ko sa dami ng naiyak ko, pero unlimited ata ang supply ko. Tumagos hanggang kaloob-looban ko yung salita nya. Oo, hindi ito marahil ang kaisa-isang beses na humingi ng tawad si Andi sa akin, pero itong sorry na ito ngayon? Ito na ata ang pinakamasakit sa lahat.

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon