Chapter 7

271 6 0
                                    

Chapter 7: Is he jealous?

“Lunch break!”

Ang tuwang tuwang sigaw ng mga kaibigan ko pagsapit ng orasan sa 12. Animo’y mga asong nakawala sa kulungan. Ay naku, ang mga ito talaga, parang mga bata. Walang pinagbago.

“Tara, tara!” Ang sigaw ni Jeorge.

“Saan kayo pupunta?” Ang tanong ko sa kanila habang sabay sabay silang nagtayuan. Hawak hawak ko noon ang maliit kong bag at papunta ako sa loob ng kusina.

“Lunch!” Ang sigaw ni Troy. “Kain ulit tayo sa labas.”

Napatawa ako sa sinabi nya. Nawili naman ata sila. Well, malas nila, I can’t join them. Akala ko kasi eh dito sila kakain ng lunch sa office kaya nagbaon ako ng pagkain. Wala ata akong kasabay, wala ring manlilibre sa kanila.

“Sorry.” Ang sabi ko. “May baon akong lunch eh.” Ang dagdag ko, sabay angat ng bag na hawak ko.

“WOW! May baon. Elementary?” Ang bara ni Troy. At saka sila nagtawanan.

“Wag ka ngang KJ, Halika na. Wala ka rin naming kasama mag-lunch dito.” Ang sabi ni Jeorge.

“Ako, may baon din.” Ang sabi ni Daniel. Yes! May kasama ako. Akala ko eh, alone ako dito sa office. Buti na lang eh, may makakasabay akong kumain ng lunch. Abot tenga ang tawa ng tumakbo ako palapit kay Daniel.

“Yehey!” Ang sabi ko sabay hila kay Daniel papunta sa kusina.

“Enjoy your date!” Ang sigaw ni Troy.

“Enjoy na lang kayo!” Ang sagot ko. Well, you can’t blame me, it’s a perfect time para syempre makilala ko ang bago naming teammate. Madami akong gusting i-kwento!

“Eh, kung dito na lang kaya din ako mag-lunch?” Ang tanong ni Andi. Natahimik ang lahat kahit ako? HUH?

“Bakit ka naman dito maglu-lunch? May baon ka ba?” Ang tanong ni Trixie.

“Wala.” Ang malungkot nyang sabi. “But I can share!” Ang sabi nya sabay tingin sa amin ni Daniel sa kusina.

“Joking? Kanila yan eh. Wag mo na silang guluhin o magpaka-KJ pa. Tara na!” Ang sabi ni Jeorge, at saka nya hinila si Andi palabas ng office. And I was left alone with Daniel.

-

“Gosh. Hindi ko alam na nandun ka rin pala sa Summit nun!” Ang tuwang-tuwang tanong ko kay Daniel.

Halos isang oras na rin kaming nagku-kwentuhan. Busog na busog kami sa lunch, at ngayon eh ini-enjoy naming ang hot chocolate drink na ginawa ni Daniel. Sobrang sarap nyang kausap, hindi kami nagkakaubusan ng topic. Well, hindi sya madaldal, pero hindi ko rin ma-explain. Nage-enjoy akong kausap sya. Matipid kasi syang magsalita pero charismatic. Lalo na kapag ngumiti sya, parang batang hindi makabasag pinggan. He’s amazing.

“Suplada ka nga nun eh. Hindi mo man lang ako pinansin kahit na galling tayo sa iisang company.” Ang nakangiti nyang sabi.

“Ay naku, pagpasensyahan. Medyo suplada kasi ako sa mga hindi ko kakilala eh. Pero kapag in-approach mo naman ako, namamansin naman ako.” Ang sabi ko at saka kami nagtawanan.

Nagulat kaming dalawa ng biglang dumating si Andi saa office. Wala syang kasama, sya lang. Mukhang maiinit pa nga ang ulo eh. I wonder what happened. Mukha syang irritated.

“You okay?” Ang tanong ko sa kanya at saka kami lumapit ni Daniel sa kanya. “Nasaan sila?”

“Nauna na ako.” Ang sabi nya.

“Bakit? Ano nangyari?” Ang tanong ko.

“Wala.” Ang tanging sagot nya.

“Sure ka?” Ang tanong ko ulit sa kanya. Tinignan nya ako at saka sya tumingin sa tasang hawak ko. Pagkatapos, tumingin sya kay Daniel at sa tasang hawak rin nya. Tapos tinignan nya ulit ako.

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon