Chapter 14: The Misconceptions Of Me
Friday ng umaga ng muling bumalik si Andi sa ospital. Napakarami nyang dalang mga.pagkain at prutas para sa amin at kay Kuya. Magdamag syang hindi bumalik pero magdamag din nya kaming binulabog ni Janine sa mga text at tawag nya. Kay Janine sya kumo-contact kasi hindi pa nya alam na may bago na akong phone at may bago na rin akong number.
"Ang dami naman nyan, Andi. Gusto mo ata akong magtagal dito eh." Ang biro ni Kuya sa kanya.
Medyo magaling na si Kuya, nakakapagsalita na sya ng pakaunti kaunti. Nakakain na rin sya ng kahit papaano. Pero hanggang ngayon eh hindi pa advisable sa kanya ang pagtayo o paglakad, kahit pag-upo eh bawal. Recory nanaman si Kuya kaya hindi na ako masyadong nag-aalala. Thank God that he's okay, kasi kung hindi, wala na siguro ako sa katinuan ngayon.
"Hindi naman sa ganun, Kuya. Sadyang binubusog ko lang kayo dito, para may lakas ka, at may lakas silang magbantay." Ang nakangiting sagot ni Andi sa kanya.
Napangiti na lang ako.
After all, kaibigan ko pa rin si Andi. At syempre concern sya sa kaibiga nya. Ganun naman talaga di ba? OKAY FINE! I'm brainwashing myself. Hindi ko rin naman mapigil mag-assume eh. Kaya eto ako ngayon, I'm trying to convince myself that he's just concerned, as a friend.
"Ayaw mo pa ba umuwi, Jill? Dalawang araw ka na dito. Magpahinga ka muna." Ang tanong sa akin ni Daniel. Sya ang kasama ko dito magbantay magdamag kagabi.
"No thanks. Keri ko pa. Ikaw na lang ang umuwi." Ang sabi ko kay Daniel. Nginitian lang nya ako. Yung charming nyang ngiti. Hay naku Daniel. Bakit ba ang hilig mong sumagot ng ngiti?
"Umuwi ka na muna, Daniel. Ako na muna ang sasama kay Jill." Ang sabat ni Andi sa amin. Uyy, pinapaalis ba nya si Daniel para ma-solo ako? NO! Assumera.
"Okay lang ako. Dito na muna ako." Ang seryosong sagot ni Daniel.
"Ihatid mo na lang si Janine at umuwi para magpahinga. Magdamag ka pang walang tulog. Sige na, ako ng bahala kay Jill at Kuya Julius." Ang mayabang naman na sagot ni Andi sa kanya. Nagkakasamaan na sila ng tingin kaya pumagitan na ako.
"Ay naku!" Ang sigaw ko. "Umuwi ka na muna Daniel at magpahinga. Bumalik ka na lang bukas. Tawagan mo ako ha?" Ang sabi ko kay Daniel. Bumalik yung ngiti nya sa mukha.
"Sabi mo eh." Ang sabi ni Daniel sa akin.
"Teka, teka." Ang singit ulit ni Andi. "May bago ka na.bang cellphone? Wala pa akong number mo. Hindi mo pa ako nabibigyan."
Nagkatinginan kami ni Daniel.
"Wala pa akong phone. Ang ibig kong sabihin, skype!" Ang natataranta kong sagot sabay turo sa laptop ko sa gilid. "Ano ka ba, wala pa akong phone. Bakit naman kita pagdadamutan ng number? Ikaw pa?"
Ako na po si Sinungaling. Tumango na lang si Andi. Pinauwi ko na si Janine kasama si Daniel. "Kuya, bye po. Pagaling ka." Ang bati ni Daniel kay Kuya Julius bago lumabas ng pinto.
Hinawakan ni Daniel ang kamay ko at saka ngumiti ng charming. "Ikaw naman. Ingat ha? Magpahinga ka mamaya." Ang bilin nya at saka nya biglang hinalikan yung kamay ko at saka tumawa ng nakakaloko.
Hinampas ko sya.
"Suplada!" Ang pabirong sigaw nya. Dumila lang ako sa kanya. At saka na sila tuluyang umalis. Naiwan kaming tatlo nina Kuya Julius na noo'y nagpapahinga na at si Andi.
Nakaupo sya sa upuang katabi ko. "Kayo na ba ni Daniel?" Ang tanong nya.
Nanlaki ang mata ko. HUWAT? "Hindi ah! Ang bilis naman!"
BINABASA MO ANG
[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. Paasa
ChickLitHalos 7 taon na ring inlove si Jill kay Andi. Kabaliwan man kung ituring ng iba, pero sadyang iba talaga ang pag-ibig na mayroon sya para sa lalaking ni hindi nya maintindihan kung gusto o ayaw ba sya. Hanggang sa tuluyan na syang nagising sa katoto...