Chapter 3: The First Step
Lunes ng umaga, maganda ang gising ko. Ilang araw na rin akong good vibes, siguro kasi eh hindi pa ako pumapasok sa office, hindi ko pa nakikita yung pagmumukha nung polkadot na 'yon. At the same time, medyo excited at medyo kinakabahan din ako. Today is the beginning - My 7 Steps away from Mr. Paasa.
I have read almost all the feedbacks dun sa website and I was left speechless. I haven't recall a negative one, puro positive! Kaya good vibes talaga yung mahority ng bararamdaman ko. They said, each step requires a week or less for the adjustment period, and hindi mo rin pwedeng tignan ang next step. Just focus on your current step, then kapag tingin mong okay ka na, next naman. Until the 7th, which they said is the hardest at hindi kaya ng isang linggo.
Basically, confident naman ako. Aba, dalawang araw ko ring pinaghandaan 'to. Sana magwork 'to. Sana.
"Good morning!" Isabog ang good vibes everywhere!
Kitang kita ko kung pano sila natigilan sa sigaw ko. Wut? Bawal na ba akong magkalat ng gv? Halos wala silang imik at nakatulala lang sa presensya ko. Infairness, lakas makaimbyerna nito bes.
Moving on, kumpleto na sila maliban kay unmentionable one. So dahil nga wala pa sya, sulitin ko muna 'to, kasi siguradong higop nya lahat ng good vibes ko mamaya. Casual kain kain tapos chitchat ganon, normal na normal lahat. All is well, Jill. All is well.
"Late na ba ako? May pagkain pa?"
...
...
Ayan na, dumating na.
Nagtayuan silang lahat ng makita nila ang almusal na take out ni Andi. Makikita mo yung excitement sa mukha nila, parang ngayon na lang ulit makakakain after ilang years. Parang mga asong nagsunuran sa amo. At infairness din kay Kuya mo, mukhang super good mood at super saya din nya ngayon. Well, ano pa bang masasabi ko? Inlove ang lolo eh. Mamatay ka sana sa sobrang inlove. Bitter.
"Let's eat!" Ang sigaw nya.
Inabutan nya ang lahat ng tig-isang paperbag na may breakfast sa loob at saka coffee. Shet na malagkit, tapsilog!!! Ang bango sobra. Tapos naglakad sya palapit sa akin at saka iniabot ang isang naiibang paperbag sa akin. Mary Grace. Huhuhu. Kahit kakakain ko lang ay nabuhay ang Digestive system ko. Gusto kong maglaway sa pagkain na naaamoy ko.
"Syempre, special yung sayo Ms. Lim. Galing pa sa favorite restaurant mo."
Ang laki ng ngiti nya. Nawala nanaman yung mata nya. Cute.
But i don't care. I should not care.
Ignore, ignore.
And yes, that's Step 1: Avoid and Ignore him.
Nagwink pa sya habang nakangiti. Yung puso kong tanga, ito nanaman! Bakit ba ganyan ka? Di ba nag-usap na tayo? Di ba sinabihan na kita? Bakit ba di ka nakikinig. May mission tayo eh, makisama ka naman please.
Sumenyas pa sya na kunin ko na yung paperbag nung tinitigan ko sya. Napapalunok na lang ako. Daig pa kasi nya ang edorser kung makangiti. Yung mga commercial model na hanep ngumiti sa camera, uber magpa-cute. Arg! ang hirap tanggihan.
Lahat nakaabang sa reaksyon ko, tatanggapin ba o hindi? Makikita mo na rin sa mukha ni Andi ang oagtataka kung bakit ang tagal ng response ko. Tumingin ako kina Bea at Trixie para sumenyas ng tulong kaso wala eh, di nila gets. Sobrang gusto ko nang kunin yung inaabot nya tapos mag pig-out sa isang corner, kaso kapag ginawa ko yon, AKCBSJDBSKXBDKXNND. I have to make this stop.
"Kakakain ko lang eh." Tipid kong sagot with matching smile effect pa para mas convincing. Napa-'huh?' yung mukha ni Andi, nahihiwagaan sa reaksyon ko. "Busog na ako."
BINABASA MO ANG
[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. Paasa
ChickLitHalos 7 taon na ring inlove si Jill kay Andi. Kabaliwan man kung ituring ng iba, pero sadyang iba talaga ang pag-ibig na mayroon sya para sa lalaking ni hindi nya maintindihan kung gusto o ayaw ba sya. Hanggang sa tuluyan na syang nagising sa katoto...