Chapter 21

260 7 3
                                    

Chapter 21: Please

"Pagkatapos ng Graduation, may importante akong sasabihin sayo."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa bulong ni Andi. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito, ang alam ko lang ay may kung ano akong kutob sa 'importante' nyang sasabihin. Good vibes.

"Kalokohan mo nanaman ata yan eh!" Ang kurot ko sa braso nya.

He chuckled while looking at me. Pagkatapos nun ay nginitian lang nya ako ng nakakaloko. Yung paborito kong ngiti sa buong mundo, kung saan maaari mong kalimutan lahat ng sakit at problema na meron ka. Yung ngiti nyang malaki na kung saan ay nawawala yung naliit nyang mata. Cute. Super Cute.

"Seryoso 'to. At kahit kelan, hindi pwedeng maging biro ang bagay na 'to."

Tinapik nya ang cap ko sa ulo at saka tumakbo palayo. Kitang-kita ang paglapat ng hangin sa itim nyang toga habang mabilis syang naglaho sa harap ko. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang event na pinakahintay-hintay naming mangyari. After all the hardwork, finally. It's Graduation.

Parang halos 2 linggo lang ang nakakalipas ng masayang binalita sa akin ni Andi na break na sila ni Maika. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang saya-saya nyang naghiwalay na sila, gayong ang alam ko eh mahal na mahal ni Andi si Maika. Malaya na raw syang sundin ang totoong gusto ng puso nya. Weird. Hindi ba si Maika ang gusto ng puso nya? May iba pa ba?

Baka.. ANG KAPAL MO TALAGA JILLIANE LIM.

"I now pronounce you, Graduates." Ang proud na proud na sabi ng aming School President. Never kong inexpect na ang mga salitang yun ay makakapagbigay na aking ng kasiyahang hindi ko maipaliwanag. Nag-uumapaw ang kasiyahan ko ngayon. Everything was just perfect.

Sabay-sabay naming ihinagis ang aming mga itim na cap at nagpalakpakan. Tumakbo agad kami para yumakap sa aming pamilya. Hindi ko mapigil ang luha ko sa ngiti pa lang ni Mama at Papa. Kahit si Kuyang ubod ng sungit ay nakangiti rin sa akin. My ever supportive family.

"Oh kita mo naman Janine, si Ate Jilliane mo nakatapos ng kolehiyo ng walang boyfriend." Ang pagyayabang ni Papa kay Janine. Nakita kong nag-pout si Janine at pinalo ng mahina si Papa sa braso.

"Kaya ko din yan Pa!" Ang nahihiyang sagot nya habang nakangiti. Nagtawanan lahat kami.

"Pwedeng-pwede ka ng mag boyfriend, anak. Lalo na kung si Andi." Ang pang-aasar pa ni Mama. Pinagkakantsawan pa nila ako.

"Ma naman!" Ang kunwaring nahihiyang sagot ko. Chos! "Syempre magma-Masteral muna ako. Sayang."

Speaking of Andrew, may sasabihin nga pala sya sa akib di ba? Agad akong nagpaalam sa pamilya ko para hanapin si Andi. Nakita ko syang nakatayo sa baba ng hagdanan ng stage. Kagat-kagat nya ang lower lip nya at mukhang hindi sya mapakali habang palinga-linga sa paligid.

"Manong Andi!" Ang sigaw ko.

Nginitian nya agad ako pagkakita nya agad sa akin. Tumakbo sya palapit at saka nya ako niyakap ng sobrang higpit. Shocks! Ang cheesy. OMG. Kinikilig ako to the bone!

"Congrats. With latin names ka pa, Jilliane Lim. I'm very proud of you." Ang bulong nya at saka sya bumitaw sa yakap. Gumanti ako ng isang nahihiyang ngiti. Sa loob ko lang eh parang bagong taon. May sumasabog sa dibdib ko.

"Congrats din sayo." Ang sabi ko habang pasimpleng inaayos ang bangs ko. "Ano nga pala yung sasabihin mo?"

Huminga sya ng malalim at saka ako nginitian. Shoot! Ayan nanaman po yung ngiti nya. Pinapaliit nanaman nya yung mata nyang maliit. Ang CUTE!!!

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon