Chapter 4: Unexpected Love
"Ate, mukhang nasunog ko ata yung itlog."
Ang sabi sa akin ni Janine pagkahain nya ng itlog sa harap ko. Hindi sya sunog, promise. Hilaw sya. Medyo matubig pa nga eh. Gusto ko syang i-confront but it's a nono. Kailangan syempre eh i-motivate mo.
"Actually, hindi sya sunog. Hilaw sya."
Ang kalmado kong sabi habang nakangiti sa kanya. Bumusangot ang mukha ni Janine sa sinabi ko, syempre sad. Araw araw syang nagluluto ng itlog pero kahit ang simpleng pag-differentiate ng sunog sa hilaw ay hindi nya alam.
"Pero improving ka, kaya wag kang malungkot." Ang sabi ko habang nakangiti sa kanya.
Nagtatalon si Janine sa tuwa. Syempre sinabi ko, konting adjust pa sa heat ng apoy at perfect na. Napangiti na lang si Kuya Julius sa akin. The next thing I know, kinakain ko na rin ang hilaw nyang itlog. No choice.
-
Kumakalam ang sikmura ko habang nagjo-jogging ako around our compound. Masarap ang hangin dito sa San Dionisio tuwing pasikat pa lang ang araw, malapit kasi sa dagat kaya malamig at presko. Pero hindi ko sinasabing sariwa, syempre kahit papaano eh polluted na ang hangin dito dahil sa lapit namin sa Manila at sa dami na rin siguro ng sasakyan dito.
It was a calm morning at ang tanging galit lang nung mga oras na iyon ay ang tiyan ko. Halos wala akong nakain. Natakot kasi ako sa hilaw na itlog ni Janine, baka may masamang epekto? Mukhang wala naman, pero nagsisigurado lang.
*THIS GIRL IS ON FIIIIIREEEEEEEEEEE! THIS GIRL IS ON FIIIIREEEEEEEEEEE!!!!*
Halod mabasag ang eardrum ko sa lakas ng ringtone ko. Naka earphone kasi ako. Pinindot ko ang button at saka sinagot ang first caller ko for today.
"Yep?"
"Let's grab a breakfast?" Ang sabi ng lalaki sa kabilang linya. I know this voice at hindi ako pwedeng magkamali.
"No thanks. I'm full."
"Weh? Kahit hindi naman?" Ang pang-aasar nya. Yes, this is Andi bugging me early in the morning. Great start for a weekend. SARCASM.
"Yes."
"Nandito ako ngayon sa San Dionisio. Actually, sa likod mo. And the fact na ang naririnig ko yang growling stomach mo eh, LIAR ka." Ang matawa-tawa nyang sabi. Napaikot ang tingin ko sa paligid, is he stalking me? He's not from San Dionisio, but from Sucat. He must be joking. Pero syempre, aminin, kumakabog si heart.
"Paano mo nalaman? Where exactly are you?!"
"Syempre joke lang yun." Ang tawang tawang sabi nya. "Nandito sa may boundary naglalakad. Seriously, tumama ang hula ko? Hula lang yun eh."
AT PROUD KA PA. WOW.
"Pano ba yan? You can't deny. Let me treat you for a breakfast." Ang cool na sabi nya. Pero syempre, may mission ako. So whatever happens, i have to stick and follow it.
Pero eto ako ngayon sa isang fast food at naghihintay kay Andi. Wala rin akong nagawa kasi ipinantatapat nya yung steak na sinayang ko raw nung huli ko syang tinanggihan. Seriously, nagpaapekto naman ako? Anyways, pagbigyan natin sya.
I was patiently waiting ng dumating sya. Wearing his favorite navy walking shorts at grey hoodie tapos white na sneakers, completed with his trademark smile. Cute. It was my dream breakfast after work out with my lovey dovey.
"Kanina ka pa?" Ang tanong nya habang nagkakamot ng ulo. Umiling lang ako at saka ngumiti.
"Well, um, Anong gusto mong kainin?" Ang tanong nya agad pag upo nya sa tabi ko. Umiling lang ako.
BINABASA MO ANG
[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. Paasa
ChickLitHalos 7 taon na ring inlove si Jill kay Andi. Kabaliwan man kung ituring ng iba, pero sadyang iba talaga ang pag-ibig na mayroon sya para sa lalaking ni hindi nya maintindihan kung gusto o ayaw ba sya. Hanggang sa tuluyan na syang nagising sa katoto...