Chapter 12: He's Ignored
Halos 1pm na rin nang dumating ako sa office. Tapos na ang lunch break at lahat sila ay busy na sa work. Kanya kanyang ayos na ng mga documents kasi magsisimula nanaman kami sa bagong project after ng inspection. Late ako kasi may dysmenorrhea ako. Putek talaga! alam kung kelan dapat isabay sa init ng ulo ko.
"Ang aga natin ngayon ah!" Ang sigaw ni Troy pagdating ko pa lang.
Nagpantig ang tenga ko. Sinisita ba nya ako? Ako kaya ang BOSS. Sinisita ko ba sya kapag wala sya? Sinisita ko ba sya kapag hindi sya nagtatrabaho? Kapag hindi sya kumikilos dito sa opisina? Tinignan ko lang sya ng matalim.
"GET BACK TO WORK!" Ang sigaw ko sa kanya. Natahimik sila. Dumiretso lang ako sa office ko. Sorry guys, medyo mainit lang talaga ang ulo ko.
Nahiga lang ako sa upuan ko pagkapasok ko. I hate this feeling ever. Oo syempre, ayokong mag menopause, gusto ko pang magkaanak ano. Pero yung pagkakaroon ng super lakas? Ano ito, signal number 4? Ang sakit kaya, only girls can relate.
KNOCK KNOCK
"BUKAS YAN!" Ang sigaw ko.
"Bakit ang init ng ulo mo?"
Napabalikwas ako pagkarinig ko sa boses na yun. Pakiramdam ko eh iniwan na ako ng init ng ulo ko. Gustong magpinta ng mukha ko ng isang malaking ngiti. Pero syempre, may masakit pa rin sa akin kaya hindi ko magawa. Hay naku.
"Meron ka ano?" Ang tanong nya. Opo, si Daniel yan.
Tinignan ko lang sya ng seryoso. Paano nya nalaman? Nakakahiya ba yun kapag sinabi kong yun ang dahilan? Aish, hindi ako sasagot sa mga tanong nya.
"Meron ka nga." Ang sabi nya sabay ngiti. Hala sya, bakit parang may nag-iba sa ngiti nya? Parang mas maaliwalas sya ngayon. Ang bright yang tignan. Nakakahawa! Ay hindi, dapat pala akong magsungit.
"Anong kailangan mo?"
"Ba't seryoso ka? Haha. hindi bagay." Ang sabi lang nya habang ngumingiti-ngiti sa akin. Ngek. "Anyways, dumating na yung Special Order document para sa Inspection this wednesday. Pirma mo na lang ang kulang."
Kinuha ko agad yung papel na hawak nya at saka ko pinirmahan para makalayas na sya sa harap ko. Binabago ng Daniel na ito ang mood ko. Ayoko nga eh! Gusto kong magsungit. Iniabot ko sa kanya yung papel nya at saka sya sinenyasang lumabas na ng office.
Tumawa lang sya.
"Ang cute mo pala kapag nagsusungit." Ang sabi nya. napataas ang kilay ko. "Pero wag din masyado ha? Ngayon lang."
Lumapit sya sa mukha ko. As in yung malapit talaga. Ang lapit lapit super. Nanlaki yung mata ko. Ramdam kong pumunta lahat ng dugo ko sa mukha ko. Gusto kong sumabog sa gulat. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis na nahihirapan na akong huminga. Hindi na normal ang nararamdaman ko.
"Magkaka-wrinkles ka. 25 ka pa lang, sige ka. Papangit ka." Ang sabi nya sabay hipo sa noo ko.
Umalis din kaagad sya sa pagkakalapit nya sa akin. Ngumiti sya at saka lumabas ng office. Pero walang nagbago sa akin. Natulala ako at nanigas sa ginawa nya. Ang hirap huminga. Daniel, ano bang meron ka? Ang landi mo naman eh!
Makalipas ang ilang minuto, lumabas ako ng office. Humupa na ang init ng ulo ko. Lumabas ako para kumuha ng maiinom at para na rin sana kausapin sila, mga napag-initan ko kanina. Ang awkward. Lahat sila nakatingin sa akin ng seryoso. Para bang nag-aabang ng gagawin ko. Halata yung takot sa mukha nila. Guys, easy. Hindi ko kayo aawayin ngayon.
Napatingin ako sa bandang kaliwa. Nakatingin din si Daniel sa akin, tapos bigla syang ngumiti ng ngiting aso, yung nakakaloko. Para syang baliw, pero ang cute. Ngumisi lang ako at saka sya inirapan.
BINABASA MO ANG
[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. Paasa
ChickLitHalos 7 taon na ring inlove si Jill kay Andi. Kabaliwan man kung ituring ng iba, pero sadyang iba talaga ang pag-ibig na mayroon sya para sa lalaking ni hindi nya maintindihan kung gusto o ayaw ba sya. Hanggang sa tuluyan na syang nagising sa katoto...