Chapter 2

448 6 0
                                    

Chapter 2: The Solution?

/Flashback

3rd yeat, 2nd sem - last day

"Jilliane!!!" sigaw ni Andi.

Malayo pa lang kitang kita ko na sya. Kumaway ako sa kanya at lalo pa syang nagmadali sa pagtakbo. Ilang gabi ko rin nirehearse 'tong araw na 'to, sana walang palpak na maganap. Tanggapin man nya o hindi, atleast I tried, di ba?

Anong meron?

Ngayon lang naman ang araw kung kelan ko aaminin kay Andrew Santiago ang feelings ko para sa kanya, finally! 1st year pa 'to nasa loob ko, ang hirap hirap itago. And since next sem eh 4th year na kami, why not give it a try? I mean, nakaipon na ako ng lakas ng loob at kapal ng mukha, so why not go and confess? Mahirap at baka maunahan di ba?

And besides, I have been dreaming about 'Summer Love Vacation' ever since elementary. Yun bang tipong pupunta kayo sa beach with your boyfie, hiking, swimming, volleyball, and stuff? Kung papalarain *cross fingers*, matutupad ko yun sa wakas!

Teka muna, ang layo na ng imagination ko. Eto na pala si Andi sa harap ko at hingal na hingal. Ang hot ng pawis nya. Shet na malagkit!

"Sorry ha? Natagalan lang ako dun sa dinaanan ko bago pumunta dito. Pasensya ka na talaga kung ang tagal ko." he said as he catches his breath.

There he goes again, flashing his trademark smile. Gah! Hindi pa ba sya napapagod sa ngiting 'to? How does he manage to do this perfectly wver single time? Yung ngiti nyang nagpapaliit ng mata nya, ang cute!

"Kanina ka pa ba?" he asked.

I gave him my trademark, ngiting aso - the Jilliane Lim version"Kakadating ko lang din."

Echusera!

Halos 45 minutes na nga ako dito. Naninigas na ako aa kaba, di ako makaupo, di rin makatayo, lakad lang ako ng.lakad. Mahgash! But since nginitian mo naman ako, patatawarin na kita. Hihihi. Landi.

"Ano nga bang dahilan at nakipag-kita ka dito?" he started. OMG! This is it. This is so it. Kalma ka lang, Jill. You got this.

"Hmmm." I started, "May sasabihin sana ako sayo."

He looked at me, puzzled. "Seryoso?" then he smirked. "May sasabihin din ako sayo! Sakto pala!"

Kinain ko lahat ng kapal ng mukha at lakas ng loob na inipon ko. Ako na ngayon ang kinakain ng kaba. Fudge. Paano ko nga ba 'to ni-rehearse kagabi? Saan ako magsisimula?

"Okay ka lang, Jill?" he asked worriedly.

Saka ko lang napansin na namamawis na ako ng malamig. Not now, not now - I chanted.in my head. "Oo naman." I tried assuring him. "Gusto mo ikaw muna mauna magsabi nung sasabihin mo?"

He tried hiding his smile. Kinikilig ba 'to?

"You sure?" he asked. Tumango lang ako. "Well, I don't know how to say this properly, but,"

"But?"

"Urg. This is hard. Ang hirap pala mag contain ng feelings." he smiled as he bursts his smile. "Yung feeling na kinikilig? Ang hirap pala itago."

...

Wait, is this about..

"Okay, alam mo naman siguro kung gaano kita pinagkakatiwalaan di ba?" he asked me. I unconsciously nodded, still puzzled on what he is trying to say. "And you also know na ikaw ang pinaka-close, pinaka-paborito at pinaka-special para sa akin sa barkada, di ba?"

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon