Chapter 1

523 7 0
                                    

CHAPTER 1: HE'S A PLAYER

"Andi," ang tawag ko sa noo'y kakatapos lang na kumain na si Andi. "Pasuyo naman please? Kailangan daw ni Mr. Rivera 'tong previous designs for reference. Okay lang padala sa 2nd floor?"

Agad na tumayo si Andi, "Yes Ma'am!" tapos kinuha ang dalawang folder sa kamay ko. "Basta ikaw. Ang lakas mo kaya sa'kin."

Nginitian ko sya at binigyan din nya ako ng trademark nyang ngiti, yung cute na ngiti na nagpapaliit sa mata nya, bago sya tuluyang umalis ng office. Gosh. How can he be this cute?

"Ang landi!" Kurot ni Bea sa tagiliran ko. "Ang sweet ng dessert mo, noh?"

Namula ata ako dun sa sinabi ni Bea. Hala! Bakit ba kinikilig ako sa walang kwentang bagay? Nginitian ka lang nya, Jilliane! Wag kang feelingera dyan. I shrugged off those thoughts away from my head. Nasa trabaho ka kaya! Umayos ka nga. No, no. May kasalanan pa sayo si Andi kagabi.

"Coffee break naman tayo." Troy said. That did it, agad na nawala yung kilig ko at napalitan ng kabwisitan. Kakakain pa lang namin ah? Break ulit?

"Eh bakit nga di ka magkape ng nerbyosin ka naman sa sinasabi mo?" Dahan-dahan pang nilingon ko si Kalyo. "Break ulit? Pagdating mo kaninang umaga breakfast muna sabi mo, tapos after few minutes sabi mo tutulog ka lang saglit na inabot naman ng 2 oras. Eto nga't di pa tayo tapos maglikpit ng pinagkainan, break ulit? Ba't di ka na kaya tuluyang mag-break?!"

Nagpantig talaga yung tenga ko dun sa sinabi ni Troy. Tumataas na naman tuloy yung Angry Meter ko. URG.

"Oh ano? Sopla ka dyan sa mga hirit mo." pang-aasar pa ni Jeorge kay Kalyo na busy sa pagkakamot ng tiyan. "Mamaya mabe-break na yang neck mo."

Sinamaan ko agad ng tingin si Troy kasi alam kong may follow up pangungulit pa yung hirit nya. Na-spoil ko kasi 'tong mga loko-lokong 'to eh, ayan tuloy winawala na lang yung trabaho. Hayayayays!

Tinignan ako ni Troy gamit ang nakakainis nyang 'Please-ilang minutes-lang-naman' look. Tinignan ko rin sya gamit ang 'Pakakainin-kita-ng-tasa-kapag-di-mo-ako-tinigilan' look. Maya-maya pa, napagod din sya.

"Ang sungit naman nito agad!" sabi ni Troy. "Magme-menopause ka na ano?"

Yan! Dyan magaling si Troy. Kapag natalo mo, aasarin ka na. Menopausal? HELLO! As in HELLO na may wave pa! 24 lang ako at matagal pa akong ma-menopause! Pero mukhang mapapaaga nga ata yun kasi matutuyuan ako ng dugo sa kakulitan ni Kalyo. "Excuse me?!"

"Dadaan ka?" Inosenteng tanong ni Kalyo. "Kaya ka NBSB eh. Tatanda kang dalaga kapag laging nakasinghal ka."

Oh my gosh. He just touched the untouchable topic about me being an NBSB. Fudge. Pero guys, di kami nag-aaway ha, normal lang yang ganyang usapan.

"Pinaasa na naman kasi yan kagabi ni Boy tuldok." nakahalum-babang sabi ni Raphael habang nagla-lay-out ng design sa computer.

"Ah! Kasalan pala ni polkadot eh!" Sigaw ni Troy sabay ngiti ng nakaka-gago. Si Polkadot ay si Andi. Baket? Kasi mahilig syang mag-suot ng polkadot boxers. Paano namin nalaman?

/Flashback

Swimming class.

"'Nak ng tokwa yang Physics! Dinudugo utak ko." Sigaw ni Kalyo habang nagsa-sapatos. Kakatapos lang ng swimming class namin at tapos na lahat kaming maligo, kasalukuyan lang nag-aayos ng uniform namin.

"Palaging dinudugo utak mo, pre, kahit hindi Physics." pambabara ni Jeorge. "Ano bang bago?"

Natawa kaming lahat habang nagpapaluan sina Jeorge at Troy.

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon