Chapter 18

263 8 0
                                    

Chapter 18: The End Of A One-sided Love.

Kinahapunan, nagulantang ako ng biglang dumating si Andi sa office. Akala ko ba naka-leave sya? Okay na eh. Bakit bumalik pa sya? Okay, fine. Namiss ko sya, konti lang. Pero mas komportable kasi kapag wala sya.

"Oh, bumalik na pala si Boss eh!" Ang sita ko pagdating pa lang nya. "Akala ko, pang habang buhay na leave mo. Aaprubahan ko na sana." Inis pa rin ako sa ginawa nya. Ako ang boss nya, pero ako ang huling nakaalam na magle-leave pala sya. Lokohan lang? Badtrip talaga ako sa taong ito eh.

"Sorry, Jill."

Sorry? Pfft. As if may magagawa ang sorry mo.

"Next time, kung magle-leave ka, ipaalam mo sa akin. Hindi ako display dito na dinadaan-daanan lang." Ang masungit kong sabi. Haha. Dyan ako magaling. Sa pagsusuplada, sa pagtataray at pagsusungit. Bravo!

Pero mukhang badmood sya eh. What happened? Maya maya pa eh, nakita kong tinawag ni Daniel si Andi papunta sa rooftop bago mag-uwian. Bakit kaya? Sinundan ko sila at nakinig sa usapan. Hindi po ako chismosa. Sadyang curious lang. Aalis din ako kapag nalaman ko na ang pag-uusapan nila. Boys talk, bihira mangyari. Once in a blue moon lang ako makaka-witness nito. Hayaan nyo na ako.

"Ba't ka nag-leave?" Ang tanong ni Daniel kay Andi.

"Hindi ko trip pumasok." Ang cold na sabi ni Andi.

Hindi trip?! TRIP TRIP LANG BA ANG TRABAHO? Grabe ah! Naku, humanda ka sa akin Andrew. Hindi ka pa nga good shot eh dumadagdag pa yung reason mo? Humanda ka lang talaga sa akin. Teka muna Jill! Ano daw?

"Nakita mo ba yung nangyari nung friday?" Ang tanong ni Daniel. Tinitigan lang sya ni Andi. "Yung sa amin ni Ji-"

"Nakita ko." Ang sabi ni Andi.

"Ah.." Ang sabi ni Daniel. "Okay lang bang ligawan ko sya?"

Tumitig ng mabuti si Andi kay Daniel. "Hindi mo ako kailangang tanungin."

"Kaibigan ka nya. At pakiramdam ko eh, kailangan kong hingiin ang pagpayag mo. Di ba close kayo?" Ang sabi ni Daniel sabay ngiti ng malaki sa kanya.

"Magkaibigan kami, pero wala ako sa posisyon." Ang sagot kaagad ni Andi.

"Anong wala sa posisyon?" Ang natatawang tanong ni Daniel. "Natanong ko na rin noon sina Trixie eh, okay lang naman daw, basta malinis ang intensyon ko. At dahil nga sa ikaw ang pinaka-close nya sa mga lalaki, bestfriend ba? Dapat kitang tanungin. Malay ko ba kung ayaw mo sa amin."

"Wala akong pakialam kung malinis ang intensyon mo o hindi. Buhay ni Jill yan. Pag-aawayan lang namin kapag nakialam ako." Ang medyo galit na sagot ni Andi. "Hindi naman importante ang opinyon ko sa kanya eh. Kung pumayag man ako o tumutol, may magagawa ba? Wala naman syang pakialam sa akin eh, bakit ako makikialam sa kanya?"

"Ano bang nangyayari sayo?" Ang naguguluhang tanong ni Daniel.

"Wala." Ang natatawang sagot ni Andi. "Ganito talaga kami. Noon pwede mo pa kaming tawaging close, pero ngayon? Malabo. Umiiwas sya, at hindi ko alam ang dahilan. Galit sya, ng hindi ko man lang alam kung bakit. Palagi syang masungit, galit, inis, asar. Kulang na lang isumpa nya ako. Kung ayaw na nya akong kaibigan, ayoko na rin sa kanya. Ganun lang yun."

"Grabe ka naman." Ang sabi ni Daniel sabay suntok ng mahina sa braso, yung pabiro. "Hindi ganun si Jill, suplada lang talaga yun. Pero sa totoo lang, hindi naman sya ganun."

"Akala ko rin noon." Ang sabi ni Andi habang umiiling-iling. "Sadyang bato lang yan, ulo hanggang paa. Walang pakialam sa paligid. Ayoko na nga rin minsan kausapin yun eh." Sabay hagalpak ng tawa.

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon