Chapter 5

344 7 0
  • Dedicated kay Papa D
                                    

Chapter 5: Love me or Hate me

Monday ng tanghali, kakaalis lang ni Bea at Troy sa office pagkatapos nilang mag-file ng maternity leave ni Bea at ipaliwanag sa barkada ang relasyon nila. Syempre malungkot na masaya ang opisina. Wala namang nagtampo sa ginawa nilang pagtatago kasi lahat excited na sa baby. At dahil doon, bakante ang Assistant Chief Design Officer na pwesto ni Bea. Walang may gustong ma-promote. Matrabaho daw eh. Mga batugan talaga.

"Bukas, kailangan ko na yung master list ng lahat ng possible na pumalit kay Bea ha? Hindi tayo pwedeng mabakante ng posisyon. Kakatanggap ko lang nung friday ng isang project. And we need the Assistant Design Officer ASAP." Ang utos ko kay Trixie.

Sumasakit ang ulo ko. Monday pa lang eh tambak na ang trabaho. Hindi ko ito ituturing na malas dahil lang sa nawalan ako ng Assistant. NO. Blessing ang bata, and it will forever remain that way. Anyway, papasok na ako nun ng kwarto ko ng tumatakbong lumapit si Andi sa akin, may dalang tasa ng kape.

"Coffee? Specially for you." Ang sabi nya. Iniabot nya sa akin ang tasa, "Pampabawas stress. Baka pumangit ka." Ang dagdag nya. Sinabi na yun with a wide smile na naglalaho yung mata nyang maliit.

NOT CUTE. He looks awful. Annoying. Bakit kailangan pa nyang paliitin yung maliit na nga nyang mata? MALIIT NA NGA EH. Kung di nya mapigil yung pagliit ng maliit nyang mata, edi wag syang ngumiti. Mas naii-stress ako kesa kanina. ANNOYING TALAGA.

Kinuha ko ang tasa at saka sya inirapan. Yes, I'm doing my second step. I have to see everything in a different way. At yung smile na yun ang pinaka-mahirap. GOSH. As in mukhang dun kasi sa smile na yun ako na-inlove eh. I have to work it out.

"Ikaw ang pangit." Ang sabi ko sa kanya.

Gulat ang reaksyon nya. I mean, oo, aso't pusa kami sometimes, pero ito ata ang first time ko syang sinabihang pangit. AND I'M PROUD OF IT. It's starting. It's already starting.

"Ako? Pangit ako?" Ang sabi nya sabay tawa. 'You're the first one to tell me that."

"Well, masanay ka na. Honesty is the best policy. At honest ako, kaya magsasabi ako ng totoo." Ang sabi ko sabay pamewang sa harap nya. Tumaas lang ang kilay nya.

"Aber? Anong pangit sa akin, sige nga?" Ang mayabang nyang tanong. Natahimik buong opisina at nakinig na lang sa aming sagutan.

Ano nga bang pangit kay Andi? He's so handsome, cute, charming, appealing, lovable and attractive all rolled into one. Anong pangit sa kanya? "LAHAT. Yang mata mong maliit, yang malaki mong tawa, yang maputi mong kulay, yang mahaba mong buhok, yang maikling balbas mo, yang height mo, yang pabango mo, yang pananamit mo. EVERYTHING PISSES ME OFF."

"Ouch." Ang tanging sagot nya. "I think nag overboard ka na ng kaunti dun."

Natahimik ako. DID I? Naging seryoso yung mukha nya. I didn't expect na masakit pala yung lalabas sa bibig ko. They all just went out of control. And honestly speaking, lahat ng nabangit ko, yun lahat ang gusto ko sa kanya. Did I said too much? Nasaktan ko ba sya? Ngumiti sya sa akin at saka umalis. Nakanganga lang lahat sa akin. EMBARASSED AKO. Pumasok na lang ako sa kwarto ko.

*KNOCK KNOCK*

Tulala ako sa nangyari. Hindi naman mukhang ganun ka-seryoso, pero hindi mo ako masisi, nabigla lang din ata ako. "Pasok!" Ang sigaw ko.

"Friend, ano yun?" Ang sabi ni Trixie pagpasok nya. Nakatingin lang ako sa kanya.

"May mali ba? Sinusunod ko lang yung steps." Ang nag-aalalang sabi ko. Nag make-face si Trixie sa akin.

"Alam mo, hindi ko alam kung ano yang step mong yan ano, pero hindi parang masyado naman yung mga sinabi mo?" Ang sabi nya sabay upo sa harap ko. "Hindi ba parang ininsulto mo naman sya?"

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon