Chapter 15

290 11 5
                                    

Chapter 15: Truth hurts

Monday na ng tanghali ng pumasok ako. Madami akong inasikaso kay Kuya sa ospital. Ang dami kong nilakad na kung ano-anong insurance tapos nag file din ako ng leave para dun sa 2 araw kong absent. Stress. Pero okay lang kasi pabuti ng pabuti na ang lagay ni Kuya. Hindi na kami nagsampa pa ng reklamo sa pulis. Bukod sa kulang ang witnesses, mas mahihirapan lang kami. Ipagpapasa-Diyos na lang namin sya.

"Good afternoon!" Ang bati agad sa akin ni Daniel pagpasok ko ng office. "Kumain ka na ba ng lunch? Kain ka muna."

Ngumiti ako sa at umiling. Nagkakainan sila sa kusina. Umupo lang ako sa tabi ni Daniel para makipagkwentuhan sa kanila.

"Kamusta na si Kuya Julius?" Ang tanong ni Raphael.

Nginitian ko sya. "Okay na sya actually. Kaso mga thursday or saturday pa daw sya pwedeng lumabas sa ospital."

"Maghahatid ako pauwi." Ang sabat ni Daniel. Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Yes!"

"Naku kayo ha! Simula pa noong una parang hindi na kayo mapaghiwalay ah! Baka sumunod ka nyan kay Bea, Jill?" Ang asar sa amin ni Jeorge. Nagsalubong ang kilay ko at saka kami nagkatinginan ni Daniel.

Tumawa kaming sabay. "No way!"

"Seriously, gusto nyo ba ang isa't isa?" Ang tanong sa amin ni Trixie. Eh ba't nyo ba ako inuusisa? Grabe naman itong mga ito makatanong. Wagas.

"Ako, honestly, I do like her." Ang mabilis na sagot ni Daniel. Napatingin ako sa kanya. Hala! Lalo pang pinalala ni Daniel eh. Baliw talaga itong lalaking ito.

"Yiiieeeee!" Ang sabay sabay nilang sigaw.

"Eh ikaw Jill?" Ang tanong ni Troy sa akin. "Gusto mo.rin ba si Daniel?"

"Naku pwede ba! Ginagawa nyo kaming teenager!" Ang namumula kong sabi. OA din naman kasi silang makatanong. Grabe ah! Nakakahiya kaya. Kakadating ko lang tapos ganito na agad? Hala ka.

"Uyy, change topic!" Ang asar pa nila lalo.

"Ay naku! Tigilan nyo ako." Ang sabi ko sa kanila sabay tayo sa upuan. Papunta na sana ako sa kwarto ko ng makasalubong ko si Andi.

"Ba't aalis ka? Hindi mo ba sasagutin yung tanong nila?" Ang seryoso nyang sabi. Medyo iba yung tono ng boses nya kaya hindi ko alam kung nagbibiro sya o sarcastic na.

"Ay naku, pabayaan nyo nga ako. Yang mga gusto gustong yan, pang high school lang yan eh!" Ang sabi ko sa kanilang lahat. Wala ng nang-asar o tumawa pa. Nakakatakot kasi yung tingin ni Andi.

Dinaanan ko lang si Andi. Kunwari eh hindi ko sya nakita. Anong problema ng Mamang itong? Bakit ba high blood sya ang aga aga?

"Eh ako, gusto mo ba ako?" Ang sigaw nya.

Natigilan ako sa sinabi nya. Ano daw yun? Nagkamali ba ang ng rinig? O sadyang yun yung tinanong nya? Nanlamig ako, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon. Hindi ako nakakilos.

"A.. Ano?" Ang nangingig na sagot ko.

"Gusto mo ba ako?" Inulit nya ulit yung tanong. Nanghihina ako. Anong dapat kong isagot? Yung totoo o yung gusto ko? Bakit ba naman nya kasi tinatanong.

"Sye.. Syempre naman.. ..Hindi." Ang sabi ko.

GRABE! Ang bigat ng loob ko. Ano ba itong nangyayari? Anong bang nangyayari kay Andi para itanong nya yun ng biglaan? My gosh.

"Paano kung magkagusto ako sayo? Anong gagawin mo?" Ang seryoso nyang tanong. Tumingin ako kina Jeorge para humingi ng tulong. Tulungan nyo ako naman ako.

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon