Chapter 22

191 9 0
                                    

Chapter 22: All I need is Space

"Ba't mo naman ako naisipang dalawin?" Ang maligalig na tanong ni Bea sa akin habang nagkukwentuhan kami sa bahay nya.

Alas-siete ngayon ng umaga at naisip kobg dumaan sa bahay ni Bea.

Ngiti lang ang tanging naisagot ko sa tanong nya. Hindi ko mahanap ang tamang sagot na sasabihin ko sa kanya. Ayokong malaman nya ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko ngayon. Hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya, kundi wala akong tiwala sa sarili ko.

Takot akong mabago nya ang mga plano ko. Takot akong baka mapakalma nya ako at pigilan sa mga gusto ko. Wala akong tiwala sa sarili ko.

Ang alam ko lang noong mga oras na iyon ay nais ko syang makita at makasama. Kung mag-kataon ay malaki ang magiging atraso ko sa kanya. Naturingan pa akong bestfriend eh mawawala naman ako sa mga importanteng magaganap sa buhay nya. Kaya kahit bago man ako umalis, gusto kong kamustahin sya.

"Namimiss kita." Ang may paglalambing kong sagot.

"Naku Jilliane, tigil-tigilan mo yang kasinungalingan mo. May kailangan ka no?" Ang inis pero nakangiti nyang sagot. Napahagalpak na lang kami ng tawa.

"Kamusta si Kalyo Junior?" Sabay turo ko sa namumukol nyang tiyan.

"Ang panget naman nung Kalyo Junior!" Ang bwiset na sabi nya. "Ibahin mo 'to noh. Di 'to magiging kamukha ni kalyo, swear."

Umusog sya ng upo at iniharap sa akin ang tiyan nya. Maingat kong hinipo ang bata sa loob ng tiyan ni Bea.

"Ang hirap magbuntis, infairness yun ah. Ang complicated. Ang daming bawal, ang daming dapat. Tapos may mga kung anu-ano ka pang nararamdaman na weirdo sa katawan mo." Ang medyo asar nyang kuwento. "Naku ang hirap maglihi, promise. Nakakabaliw kapag wala kang mahanap na ganun. Ang hirap talaga."

"Pero at the end of the day, kapag galing ako ng check-up halimbawa, ang sarap pakinggan ng salitang 'Misis' at 'Nanay'. Yun kasi kalimitan yung tawag sa akin ng mga doctor ar nurse dun sa clinic eh. Ang sarap maging Nanay. Kapag naririnig ko sa doctor na healthy at safe daw yung baby ko, sobrang saya ko talaga. Worth it lahat ng hirap ko."

Bakas na bakas sa mukha ni Bea ang sinseridad sa mga salitang binibitiwan nya. Mahahalata mo kung gaano sya kasaya sa mga kwento nya. Hindi ko mapigilang maantig bilang kaibigan nya. Hindi ko inexpect na maririnig ko ang mga salitang yun mula sa kanya.

"Kaya ako, wala na akong mahihiling pa. Masaya na ako eh. Masaya na kami ni Troy. Kaya if

ever na tatanungin ako kung anong hiling ko, ibibigay ko na lang yun sayo." Nakangiti nya akong hinarap. Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko ito napaghandaan kaya hindi ako nakasagot.

"Eh mukha namang ayos lang si Trixie sa kung anong meron sya sa buhay nya eh. Saka alam kong okay lang yung babaeng yun. Pero ikaw Jill, alam ko kung gaano ka nahihirapan ngayon kahit di mo man sabihin. Kaya ang hiling ko, peace of mind para sayo. Na sana maging okay na ang lahat sa inyo ni Andi."

Ipinangako ko sa sarili ko na huling beses na akong iiyak matapos na pag-uusap namin ni Daniel kagabi. Pero nasira ko lang ang pangako na yun. Heto ako at pasinghot-singhot sa kadramahan ni Bea.

"Yan din ang hiling ko Bea." Ang mga salitang tanging nasabi ko.

-

Ilang oras bago kami umalis ni Mama sa bahay ay naisipan kong humiga at magpahinga muna sa kwarto ko. Mahaba-habang biyahe rin ang papuntang ibang bansa.

Peace of mind. Love yourself.

Di ba yun naman din ang gusto ko? Kaya ko nga naisip na umalis eh. Gusto kong lumayo sa mga bagay na nakakapanakit sa akin. At gusto ko ring lumayo sa mga bagay na dahilan kunh bakit ako nakakasakit ng iba.

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon