Chapter 19: The Knight In Shining Armor On Disguise
Hindi pa rin tumitila ang ulan. Palakas lang sya ng palakas. Nakakabingi ang mga hikbi na lumalabas sa bibig ko. Halos 30 minuto na rin ako dito sa loob ng sasakyan ko, pero hindi pa rin nauubos ang luha ko. Nakatulala lang ako sa hindi mabilang na patak ng ulan sa bintana ng kotse ko. Malamig. Napaka-lamig.
"Lakasan mo pa. Para hindi ko na marinig ang paghikbi ko." Ang pakiusap ko sa buhos ng ulan. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at pinakinggan ang bawat patak nito.
Narinig kong bumukas ang pinto sa passenger seat ng sasakyan ko. Minulat ko ang mata ko at saka ko nilingon ang nagbukas.
"Jill, okay na. Halika na." Ang nakangiting sabi ni Daniel.
Basang basa sya sa ulan. Iniabot nya ang kamay nya sa akin habang tuloy tuloy lang ang pagpapakita nya ng malaki nyang ngiti. Bumuhos muli ang luha ko. Agad kong kinuha ang kamay nya at niyakap sya. Nadinig ng Diyos ang panalangin ko. Dumating na ang taong makakaintindi sa akin. Si Daniel, si Daniel. Nagpapasalamat ako sayo.
"Tama na. Okay na. Wag ka ng umiyak." Ang bulong nya sa akin. Tumango ako at saka nya pinunasan ang basang basa kong mukha. "Hinihintay ka na nila."
Nakatingin ang lahat sa amin ni Daniel habang naglalakad kami sa lobby. Pakiramdam ko, kakainin nila ako gamit ang mga tingin nila. Kumapit ako ng mahikpit sa braso ni Daniel. Hinawakan nya ang kamay ko at saka ipinatong ang isa nyang braso sa balikat ko. Yakap yakap lang nya ako hanggang pagsakay namin ng elevator.
Nangingig ako sa harap ng pintuan ng opisina. Kaya ko ba silang harapin? Bukas na lang kaya? Nahihiya pa rin ako sa mga nagawa ko. Ayoko na. Nagbabanta nanaman ang mga luha sa mata ko. Ano ba naman yan.
"Wag kang matakot. Kasama mo ako." Ang sabi sa akin ni Daniel. Pinunasan nya ang mga luha ko. "Hindi kita iiwanan."
Tumango lang ako. Binuksan ni Daniel ang pinto.
"Jilliane!" Ang sigaw agad ni Jeorge pagkakita nya sa akin. Hinubad nya ang jacket nya at ipinatong sa akin. "Alalang-alala na kami sayo."
Tumakbo si Bea at niyakap ako. "Sorry na! Bruha ka kasi eh. Nagbigla lang din ako. Alam mo naman yung bibig ko eh, hindi ko makontrol minsan. Pagpasensyahan mo na ako, mainitin lang din ang ulo ko nitong mga nakaraang araw. Pregnancy signs."
Iyak lang sya ng iyak. Lumapit na rin si Troy at pinakalma ang girlfriend nyang humahagulgol. "Uy, wag kang masyadong umiyak."
"Pasensya ka na Jill. Hindi ko talaga meant yung mga yun. Kung meron ditong dapat na nakakaintindi sayo, dapat kami yun. Kasi una pa lang kami na yung naka-witness ng lahat ng pinagdaanan mo. Yung lahat ng disappointments at hardships na dinanas mo dahil sa unrequited love mo. Sorry talaga Jill." Ang iyak ni Bea.
"We're sorry Jill. As friends, dapat kami yung gumawa ng way para kahit papaano ay mabawasan yung tension sa inyo ni Andi. But instead, nagsawalang bahala kami." Ang sabi ni Trixie na yumakap din sa akin.
"Alam mo naman yung si Andi eh, misteryoso talaga sya. Hayaan mo na yun." Ang sabi ni Raphael.
"Sorry din." Ang iyak ko sa kanila. "Masyado na akong kinain ng feelings ko. Nakalimutan ko na yung tayo. Yung friendship natin. I'm sorry kung may mga times na napag-iinitan ko kayo. Kung minsan para akong menopausal kung magsungit at magtaray. Pasensya na."
At saka kami nagyakapan. Madrama man sa iba, pero sa amin, isa itong unforgettable experience. Isang moment na panghabang buhay naming maaalala. Mahal na mahal ko talaga itong mga ito.
Tinignan ko si Daniel na noo'y nakangiti sa akin. Hinawakan nya ako sa balikat at saka ako bumulong ng, 'Thank you'. Tumango lang sya.
-
BINABASA MO ANG
[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. Paasa
ChickLitHalos 7 taon na ring inlove si Jill kay Andi. Kabaliwan man kung ituring ng iba, pero sadyang iba talaga ang pag-ibig na mayroon sya para sa lalaking ni hindi nya maintindihan kung gusto o ayaw ba sya. Hanggang sa tuluyan na syang nagising sa katoto...