Chapter 9

299 6 0
                                    

Chapter 9: You are such a LIAR

Monday ng umaga. Maaga dumating ang lahat dahil sa flag ceremony, kaya sabay sabay kaming nag-almusal. Ang topic ng usapan? Edi syempre yung vacation namin sa Wednesday. Hindi naman sila excited.

"At syempre, dinner tayo pagdating pa lang dun. Birthday ni Ms. Jilliane Lim, 25." Ang sabi ni Trixie.

"Ano bang balak mo? May party o program pa ba? Pa Drinks ka naman!" Ang sigaw ni Troy. Nagsalubong ang kilay ko. Drinks ulit? Kakainom lang namin nung friday.

"Wala na! Dinner lang okay na ako." Ang sabi ko sa kanila habang nakangiti.

"Ikaw, okay na dun, eh kami, hindi. Syempre dapat may inuman." Ang sabi ni Troy at saka naghiyawan ang iba. "Edi ikaw na mag-birthday!" Ang bara ko sa kanya. Sabay sabay kaming nagtawanan.

"Eh si Don Romantiko alyas Andi Satiago?" Ang tanong ni Jeorge at saka nagtinginan lahat kay Andi. "Birthday mo naman ang Friday, before tayo umuwi, anong balak mo?"

"Lunch na lang, tulad nung kay Jill." Ang sabi nya habang malaki ang ngiti nya. Malamang nakangiti na sya, nagkita na ba naman sila ni Maika my loves nya. Tumingin sya sa akin. Tinitigan ko sya at saka umiwas ng tingin.

"Korni nyo! Magsama na lang kayo." Ang sabi ni Trixie sabay tayo sa upuan at naglikpit ng mga plato. "Basta ihanda nyo na gamit nyo at baka may makalimutan pa."

"Swimwears! Woooooh!!" Ang sabay na sigaw ni Jeorge at Troy at saka sila tumayo at nagsayaw ng pang hawaiian dance. Mga sira talaga utak ng mga ito.

Bago ako pumasok ng office, hinabol ako ni Andi.

"Malapit na birthday mo, ano gusto mong regalo?" Ang bulong nya sa akin. Ayaw nya atang may makarinig kaya nya sa akin ito sinabi privately at hindi sa harap ng barkada.

"Wag mo na akong pag-aksayahan at pag-abalahan pa. Kebs na noh!" Ang sabi ko at saka ako pumasok ng office kahit na alam kong may sasabihin pa dapat sya.

Opo, nagtatampo pa rin ako sa kanya. Masama ang loob ko, kahit na hindi nya alam. Masakit kaya yung nangyari nung friday. And in addition, I'm doing step 3, He's not special, so he's not worth of my time and saliva. Ayokong mag-aksaya dahil lang sa kanya.

Maya-maya pa'y kumatok at pumasok si Daniel sa kwarto ko. Nagpapirma sya ng ilang documents at vouchers na ipapa-receive naman nya sa ibang department. Sa totoo lang, ang sipag din nitong si Daniel eh, hindi naman nya trabaho ito kundi trabaho ng mga Junior at Senior Designers.

"Nasan yung mga dapat na nagawa nito?" Ang tanong ko sa kanya habang napirma. Nginitian lang nya ako. Charming. Pero hindi ba naman sya loko na isagot sa boss na nagtatanong eh ngiti?

"Hayaan mo na. Wala din naman akong ginagawa." Ang sabi nya. "Gusto rin kitang makita."

Napangiti ako. He got me there. Loko talaga to! Pinalo ko yung ballpen sa kanya. "Mukha mo! Dun ka nga, landi nito eh!" Ang pabirong sabi ko. Nakakatawa talaga itong si Daniel. "Suplada!" Ang biro pa nya. Kinurot ko sya sa braso.

Palabas na sya ng office ko ng lumingon ulit sya, "Anong mga type mong genre?" Ang tanong nya.

Napa-isip ako. Type ko eh yung mga kanta ni Alicia Keys eh, pero syempre dapat iba na. Ano nga ba?

"Acoustic? Yung mga calm tapos gitara lang?" Ang sagot ko sa kanya. Ngumiti sya. Ayan nanaman po sya, pa charming.

"Pareho tayo." Ang sagot nya at saka sya tuluyang lumabas ng office. Nagsalubong na lang ang kilay ko. Ano yun? Haha. Iba rin takbo ng utak ni Papa D eh.

-

Lunch time, naghuhugas ako ng plato sa kusina. Paano, parang mga baboy eh. Pagka-kain eh tulog agad. Baka naman magkasakit sila sa ginagawa nila.

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon