Prologue

2.1K 11 0
  • Dedicated kay Mr. Paasa
                                    

This story is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the author's imagination and are used fictiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Copyright © 2013 by DubuSGirl

All rights reserved. No part of this story may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission in writing from the author, except a reviewer, who may quote brief passages in a review.

To Mr. Paasa, you know who you are. I'll keep the nice memories and trash the bad ones. Let's remain friends :))

CHECK OUT THE TRAILER ON THE RIGHT SIDE >>

-

Prologue

"Jill!"

Napabalikwas ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bumilis ang tibok ng puso ko, halos malaglag na nga sya mula sa dibdib ko. Nagliwanag ang kapaligiran, nakakasilaw ang dala nitong kaningningan.

"Tulala ka na naman dyan!"

Ang sigaw nya sabay ngiti ng nakakaloko. Gwapo. Sobrang Gwapo. Yun lang ang masasabi ko. Naubusan ako ng salitang masasabi, natulala na lang ako sa kanya. Lumapit sya sa akin at saka tumabi sa kinauupuan ko. Tinabig nya ng bahagya ang balikat ko.

"Nakabalik ka na ba sa sarili mo?"

Natuyo ang lalamunan ko at tangin isang simpleng tango lang ang naisagot ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nagkakaganito kay Andi. Halos pitong taon na rin ang nakalilipas simula noong una kong naramdaman ito. Itong kakaiba at pambihirang nararamdaman ng puso ko. Mahal ko nga ata talaga sya.

/Flashback

"Kumain ka na ba ng lunch?" Ang tanong sa aking ni Bea, ang kaibigan ko. Maliit at medyo maputi si Bea. Maingay,maingay, maingay at balahura - ganyan ko sya i-describe. Walang makakatalo sa taray at ingay nito, kaya nga ata kami naging mag-bestfriend dahil sa kaingayan nya.

"Yep." Ang isinagot ko habang busy ako sa kakaregister ng unlimited text ko sa aking network. Pambihira. Pang-100 text ko na ata, eh ayaw pa rin ma-register. Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit kailangan ko pang mag-register gayong wala naman akong ite-text. Natural na siguro sa akin ang pagsasayang ng load sa kakahintay sa expiration ng unli ko. Weird.

"Sayang!" Ang sigaw nya sa tenga ko, halatang sinasadya nyang lakasan ang boses nya. "Sasabayan pa naman daw sana tayong mag-lunch ng mga pogi nating mga bagong classmates." Ang dagdag nya.

Itinigil ko ang pagtetext.

"Sino? Si Troy? Gwapo ba yun sayo? Kamukha nga nun yung kalyo ko sa paa." Ang asar kong sabi.

Kababata namin sya ni Bea si Troy. Maingay, magulo, mapang-asar, makulit, hyper, at makulit - di sapat ang isang makulit para kay Troy. Sya madalas ang pasimuno ng mga kalokohan at mga gimik sa kung saan-saan. Matangkad sya at medyo maitim. Mahaba at magulo palagi ang buhok nito, minsan ku-kwestyunin mo na nga kung naliligo ba 'to araw-araw. Bagong transfer nga lang sya sa school namin matapos nyang palitan ang course nyang IT para sa Architecture. At oo, totoong kamukha nya ang kalyo ko, walang biro.

"Excluding Troy. Yung tropa nya!" Ang galit na sagot ni Bea. "Tingin mo ba naga-gwapuhan ako dun sa mukhang salagubang na yun?!" Halata ang pandidiri sa mukha ni Bea.

"Aba malay ko, ikaw nga itong may crush dun nung elementary tayo." Ang bara ko sa kanya. Nakita ko syang kinilabutan sa sinabi ko at napa 'Oh-my-G-that-was-so-kadiri' look sa akin. No jokes, totoong nagka-gusto si Bea kay Troy dati. Ewan ko lang ngayon.

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon