Chapter 16

259 13 3
                                    

Chapter 16: Paasa Level: Andrew Santiago

Mainit ang buong katawan ko. Mabigat ang pakiramdam ko at hindi ako komportable sa paligid. Masakit ang ulo ko at hindi ko maintindihan kung bakit mabigat din ang mga mata ko. May sakit ata ako.

Gusto kong matulog na lang sa bahay pero marami rin akong trabahong naiwan. Ilan na rin ang absents na nagawa ko last week and I can't afford to add another one. Hindi naman ata ito malala. Isa lang siguro itong sakit ng ulo.

"Jillianne, kanino ko ba ipapa-receive itong mga Vauchers?" Ang tanong sa akin ni Trixie, umiikot ba sya? Bakit sya nagiging dalawa si Trixie? OMG I'm hallucinating.

"Dalhin mo sa HR Department." Ang sagot ko sa kanya. Paglabas nya ng kwarto ko, napahiga ako sa bigat ng pakiramdam ko. Ano bang nangyayari sa akin? Stk. Wrong timing naman at palabas na rin si Kuya sa ospital bukas.

KNOCK KNOCK

Kahit ayaw ko mang tumayo, pinilit kong bumangon at harapin ang sino mang kumakatok sa pintuan ng opisina ko.

"Jill. May conference sa taas, meeting. Paalala ko lang na magsisimula na sya in 5 minutes." Ang sabi ni Daniel na sumilip lang sa pintuan. Nginitian ko lang sya. Pumasok na sya sa kwarto ko. Hinawakan nya ako sa noo.

"Ang taas ng lagnat mo!" Ang sabi nya sa akin. "Wag ka na lang kaya umattend at umuwi ka na lang muna?"

Umiling ako.

"Kaya ko naman. Developmental meeting yun eh. Kailangan kong pumunta dun." Ang sagot ko sa kanya. Nag-aalala yung mukha nya.

"Kung may karapatan lang ako pakialaman ka, hindi na kita papaakyatin dun at pauuwi na lang kita." Ang sabi nya sa akin. Nginitian ko lang ulit sya. "Magpapaakyat na lang ako ng tao dun para samahan ka."

Tumango ako at saka sumakay sa elevator.

"Wait!" Ang sigaw ng isang lalaki bago magsara ang elevator. Ipinasok nya ang kamay nya. "Thank you!" Ang sabi nya. Nagbago ang mukha nya pagkakita sa akin.

Si Andi.

Tahimik ang elevator. Walang nagsasalita pagkatapos ng nangyari kagabi. Ang awkward. Wala rin naman ako sa mood na makipagplastikan at ayusin ang mood. Ganun din ata sya.

"Jill.."

Nagbukas ang elevator at saka ako lumabas. Ayokong pakinggan ang sasabihin nya. Wala akong pakialam sa kanya.

At lahat ay naging itim.

-

Napakaliwanag. Nakakasilaw na liwanag. Gumaan na ang pakiramdam ko, nabawasan ang sakit ng ulo ko. Nasaan ako? Anong nangyari? Bahagya akong bumangon para makita ko ng maayos ang paligid.

"Jillianne, wag ka munang bumangon." Ang sabi ng isang lalaki habang hawak hawak ang braso ko.

"Nasaan ako?" Ang tanong ko kay Andi.

"Nawalan ka kasi ng malay paglabas mo ng 11th floor." Ang sagot nya sa akin. "Dinala agad kita sa Clinic. Inaapoy ka na ng lagnat, pumasok ka pa. Baliw ka ba?"

Nakatingin lang ako sa kanya. Pinapagalitan ba nya ako?

Tumahimik sya. Nahiga na lang ulit ako. Umakyat daw si Daniel, sya na lang ang umattend ng developmental meeting. Ano ba yan, pinapasa ko pa yung trabahong dapat eh akin.

"Yung kagabi." Ang simula nya. Naalala ko yung nangyari kagabi.

And without me knowing the reason why, HE KISSED ME ON MY LIPS.

Gently, Passionately and Deeply.

His lips are so soft and sweet. He goes deeply and deeply, more passionately than earlier. As if he doesn't want to let go of me. He pulled me more closer. He cupped my face and goes more gently onto my lower lip. Grabe.

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon