Chapter 8

293 6 0
                                    

Chapter 8: No, He's Definitely Not.

Friday, malapit ng mag 5pm, ibig sabihin eh uwian na. At dahil nga friday, expected ko ng may gimik nanaman. Syempre, ipe-persuade nila akong sumama kasi may bago kaming member ng team. Sabi pa nila eh, pupunta raw si Bea. WTH. Ito talagang si Troy eh, sinasama pa ang buntis na girlfriend sa gimik, dapat eh pahinga muna sya sa bahay. Kaya inaprubahan ko ang leave nya eh. Wala naman akong magagawa doon dahil sa yun ang gusto nila, whatever. Basta't siguraduhin lang nyang magiging okay ang baby nila kundi ikakaskas ko ang mukha nyang mukhang kalyo sa nagbabagang uling.

Dala namin ang kotse ko at kotse ni Jeorge. Coding kasi si Raphael kaya hindi na nya dinala ang kanya. Kasama ni Jeorge si Trixie, Troy, Bea at Raphael. Sa akin naman sumabay si Daniel at Andi. Ang awkward nga eh, hindi ko alam kung bakit. Ilang kami magsalita. Ito kasing si Daniel, kung ano-ano ang pinapasok sa utak ko. Pero syempre, hindi naman pwedeng ganun lang kami, kahit papaano eh nagkukwentuhan naman.

"Balak ko ng bumili ng sasakyan eh, after ng pagpapagawa ko sa bahay ko." Ang sabi ni Daniel. Nakwento kasi nya yung tungkol sa mga naipundar na nya dahil sa pagtatrabaho nya.

"Ako eh, inuna ko muna ang sasakyan bago ko pinaayos yung bahay namin. Mas madali kasi eh, atleast, may way of transportation na ako ng hindi commute." Ang sabi ko kay Daniel na katabi ko. Ngumiti sya sa akin. Charming. Napaka charming ng lalaking ito. Hindi ko mapigilang mapasmile din dahil sa kanya.

Umubo si Andi sa likuran. Oops. Nakalimutan kong nandyan pala si Mr. Paasa.

"Malapit na ba tayo?" Ang medyo galit nyang tanong. Tumingin ako sa Rear View mirror sa likod. Hindi maganda ang pinta ng mukha nya, mula pa yun nung Tuesday. Napapaisip tuloy ako kung may sense nga ba yung sinabi sa akin ni Daniel na nagseselos si Andi sa amin.

"Actually, nandito na tayo eh." Ang sabi ko kay Andi habang nagpa-park ng sasakyan. Nauna na sina Jeorge sa amin, hinihintay na ata nila kami sa loob kasi nakita ko na yung sasakyan nya sa labas eh.

Pagkapatay na pagkapatay ko pa lang ng makina ng sasakyan eh, dali-daling bumaba si Andi ng sasakyan at saka isinarado ng malakas, yung padabog? Parang diring diri, HOY! Malinis kaya ang sasakyan ko. Baka nga mas malinis pa yun sa kanya eh. Arte much, edi mag commute sya kung may problema sya sa akin. Biro lang. Assuming mode lang po. Assuming na nag-iinarte sya dahil sa akin. Dahil nagseselos sya.

Siniko ako ni Daniel bago sya bumaba. "Sabi sa'yo eh." Ang bulong nya sa akin. Pinalo ko sya ng mahina. Baliw talaga to. Wish ko nga eh yun talaga. Tumawa na lang kaming dalawa.

-

"Spin again! Spin again!"

Hyped na hyped ang lahat after hours of drinks and loads of foods. Mga PG talaga sa alak at pagkain. Pero syempre, hindi ako uminom. Juice at pulutan lang, buhay na ako. Yes, we're playing Spin the bottle and whoever man ang matapatan, it's either truth or consequence ang pagpipilian. Like, Si Jeorge, he choses consequence and he had to ask some random girl dito sa bar for a number. Luckily, he did get a number dahil sa kagwapuhan nya. Kung hindi eh, he will be paying the bill. His money sa wallet will say bye bye na.

The bottle goes spinning again.

Slowly, the bottle started to stop. And points Daniel.

"DANIEL!!!!!" Ang sigaw nilang lahat. Excited siguro sila kasi mapagti-tripan nila ang bagong ito. Mukha namang game na game sya. He choses consequence same as Jeorge. Hmm. Let's see, kung hanggang saan ba ang kaya nya.

"Let's see, ano bang maganda?" Ang sabi ng namumulang si Trixie dahil sa kalasingan. Minsan lang yan maging madaldal. At yung minsan na yun ay kapag lasing sya.

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon