Chapter 10

250 7 0
                                    

Chapter 10: The Special Gift

"Tara na dali!" Ang natatarantang sigaw ni Bea. Excited na excited na syang magbakasyon. Hay naku, mga loko talaga ito. "Andyan na ako, mabangong dagat!"

Busing-busy ang mga kalalakihan sa pag-aayos ng gamit sa shuttle namin. Pinahiram pa kasi kami ng Kumpanya ng isa pang sasakyang gagamitin para sa outing namin. Syempre, hindi lang naman puro pasarap ang gagawin namin dun. Mag-iinspect din AKO ng resort. Take note yung AKO, kasi ako lang din naman ang gagawa nun. Siguradong walang sasama sa akin, ganyan naman sila.

"Let's go na!" Ang sigaw ni Jeorge. At saka kami nagsakayan sa kanya-kanya naming sasakyang gagamitin. Ang mga boys ay kay Jeorge sasabay samantalang sina Bea at Trixie naman ay sa akin. Company driver yung sa shuttle na babalik din sa Manila pagkatapos kaming ihatid at babalik na lang sa friday para sunduin kami. Namiss ko itong kaming tatlo lang nina Bea at Trixie. WOOH!

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!~ HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!~ HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!~" Ang kanta nina Bea at Trixie sa akin. Birthday ko nga pala ngayon. Muntik ko ng makalimutan sa dami ng inayos ko dito sa office. Paano, ako lahat nag-organize. Magaling lang sila sa batian. Pero, na-appreciate ko pa rin yung bati nila syempre. May magagawa ba ako? Mahal ko itong mga kaibigan ko eh.

"THANK YOU PO!" Ang sabi ko sa kanilang dalawa.

"Anong wish mo?" Ang tanong ni Trixie. Napa-isip ako. Ano nga bang wish ko? HAHA. Bata lang nagawa nun eh.

"Ewan ko. Later ko na lang pag-isipan." Ang sagot ko sa kanya.

"Eh ano naman kayang regalo ni Chekwa sayo?" Ang tanong ni Bea. Ngumiti lang ako.

"WALA!" Ang sigaw ko. "Kahapon pa ako tinatanong nun, sabi ko Kebs na lang." At saka ako tumawa ng malakas. Wag nyo na akong tanungin tungkol kay Andi, PUH-LEASE!

"Asus, Kebs kebs ka dyan. Sabunutan kita eh. PAKIPOT." Ang sabi ni Bea at saka sya tumawa. Ganito talaga kaming tatlo eh. Hay, namiss ko talaga yung kaming tatlong magbe-best friends.

-

Pagkatapos namin mag-check in sa resort, excited na lahat sa rooms. Apat na rooms ang naka-reserve para sa amin. Ako na lang din ang gumawa ng room assignments. Pag-awayan pa nila yun.

"BATO BATO PIK!" Ang sabi ng mga lalaki na nag-aagawan sa solo room. "Tanggal ka na Raphael! Ikaw din Andi!"

"BATO BATO PIK!" Isang round ulit. "WOOOH!" ng sigaw ni Jeorge. Natanggal si Daniel at Troy. Edi si AmBoy ang solo sa kwarto.

"Di bale na! Tabi na lang kami ni Bea!" Ang sigaw ni Troy. Pinalo ko agad sya.

"Kami ni Bea at Trixie ang magkakasama sa kwarto!" Ang sabi ko. Magkakasama kaming tatlo sa kwarto, yung apat na lalaki sa kabila, tapos kay Jeorge yung isang solo room at kay Maika naman pagdating nya bukas yung isa pang room.

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit sa kwarto ay nagsimula na agad ako sa inspection. Bumaba ako sa lobby at hinintay yung owner na magpapakita sa akin ng newly built massage rooms and spa na ako ang nagdesign.

"Uyy." Ang kalabit sa akin ni Daniel. "Sinong hinihintay mo? May katagpo ka ano?" Ang asar nya sa akin. Pinalo ko sya.

"Yung owner. Di ba nga may inspection? Wala ng naka-alala sa kanila. Masyadong happy sa vacation kaya nakalimutan na ang trabaho." Ang sabi ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin. Pa-charming nanaman po sya!

"Samahan kita! Tayong dalawa na lang mag-inspection." Ang sabi nya. Umiling lang ako sa kanya.

"Dun ka na. Mag-enjoy ka na lang. Keri ko na ito, madali lang naman eh. Mamaya dinner na rin." Ang sabi ko sa kanya. Ayaw nya pa rin umalis kahit na tinutulak ko na sya.

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon