Chapter 20

222 7 1
                                    

Chapter 20: Drunk Love Confession

"Sya nga pala, Daniel. May gusto akong itanong sayo." Ang pagsisimula ko sa kanya. Lumingon sya sa akin at ngumiti. "Saan mo nalaman yung 7 steps ko? Yung kay Andi?"

"Nabangit kasi sa akin ni Bea at Trixie kahapon. Nagtataka lang ako kasi wala naman akong ibang sinabihan." Ang dugtong ko.

Napakamot sya ng ulo. "Ang totoo nyan, aksidente ko lang nalaman."

"Noon pa yun, noong bago pa lang ako sa team. Aksidente kong nakita sa desktop mo. Kaya madali ko agad nalaman na nay something kayo ni Andi. Sorry." Ang nakangiti nyang sagot.

Natawa ako. "Don't be. Hindi na naman yun secret pa."

Inihatid ako ni Daniel sa bahay at nandito kami ngayon sa harap ng gate namin. Naging sobrang saya ng araw na ito. Panandalian kong nakalimutan ang mga problema ko, at gumaan ang pakiramdam ko.

"Ano na nga palang balak mo?" Ang tanong ni Daniel. "Yung sa inyo ni Andi?"

I honestly don't know.

"Hindi ko rin alam, pero ang tanging gusto ko lang ay wag ng palakihin pa ang lahat. Syempre expected na ang iwasan. Wala naman kaming magagawa dun. Sa office, same group of friends. Mahirap sya. Pero medyo madali na ngayon, kasi naiintindihan na nya lahat." Ang sagot ko sa kanya. Isang bahagi pa lang yan ng kwento sa totoo lang. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam.kung paano itutuloy ang halos ilang araw ko pang pamamalagi sa opisina.

"Well, just always know na kahit anong mangyari, nandito oang ako para back-up-an ka." Ang sabi nya sabay pat sa ulo ko. "Hindi mo naman siguro iniisip na iwan.lahat ito di ba?"

Natigilan ako.

"Hindi mo naman siguro iniisip na pabayaan na lang di ba?" Ang naniniguradong tanong nya muli.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero pinilit kong maglabas ng ngiti sa aking mga labi, at kampantehin sya sa isang simpleng tango.

"Maayos din lahat ito. Hindi siguro sa ngayon, pero hindi ba mas madali na ngayon? Alam nyo na kung saan nanggagaling ang problema. Mas madali ng ayusin at ibalik yung pagkakaibigan nyo. Just be dtrong." Ang paliwanag pa nya.

"Wag kang mag-alala, Daniel." Ang tanging naisagot ko.

"I should better be going. Medyo gabi na rin eh. Goodnight." Ang sabi nya sabay yakap sa akin. "Bawal absent bukas. Maraming napurnadang papel dahil sa paglalakwatsa natin kanina. We should work."

At saka sya kumindat at tumalikod. "Goodnight! Thank you!" Ang kaway ko. Pinanood kong maglaho sa dilim ang kanyang anino.

"Sana hindi totoo yung sinabi mo sa kanya kanina."

Nagulat ako at napalingon. Si Kuya. Kanina pa ba sya nakikinig sa usapan namin ni Daniel? Mga lalaki talaga, mga chismos. Tss.

"Pasok na ako sa loob Kuya." Ang iwas ko sa tanong nya at saka ako naglakad paalis sa harap nya.

"Sa maintindihan mo ang ginagawa namin, Jilliane. Ayaw ka lang namin masaktan. Binibigyan ka lang namin ng paraan para makalimot at maka-move on." Ang seryosong sabi nya sa akin. Natigilan akong sandali.

"Pero sa huli, sayo pa rin ang desisyon kung anong gusto mong gawin." Ang dagdag pa nya.

"Wag kang mag-alala, Kuya. Tama kayo ni Mama. Sasama ako sa kanya sa US, at magbabagong buhay."

Yes, pumapayag na ako. I'm leaving. Ayaw kong sabihin sa mga kaibigan ko ang desisyon ko, yun ay dahil sa takot akobg mapigilan. Takot akong baka magbago ang isip ko. Hindi ko alam kung ito ang tamang gawin, pero sumusugal ako. Hinahayaan ko na, na ang tadhana ang.magdesisyon ng mga susunod na mangyayari. Sya ang bahala sa kung ano man ang maging resulta ng pag-alis ko.

[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon