Chapter 6: Everything Points To Him
"At yun yung design sana na balak ko."
Ang sabi ko sa kanilang lahat pagkatapos kong i-discuss yung design na balak ko para sa latest project namin, pumayag naman lahat sila. Nasa conference room kami ngayon at pinag-uusapan ang aming proect syempre, with the new member na.
"I agree po sa design. Mas magiging komportable ang mga tao dahil sa extra space na idudulot nung pino-propose nyong design." Ang sabi ni Daniel. "Kaso, paano kung hindi naman pala kaya ng space nung design? What if hindi pala kakayanin ng Ospital ang ganun kalaking adjustments?"
"Good question, Mr. Daniel." Ang confident kong sabi. "That is the reason why kaya rin tayo nasa meeting na ito. Since, payag naman kayo sa design ko, I'll assign someone para sa inspection na mangyayari sa ospital na yun, next next week."
"Next next week pa?" Ang tanong ni Jeorge.
"Yes." Ang sabi ko. "Remember the Batangas Resort Project natin last 6 months? Tapos na sya last week pa. At hinihintay tayo dun para sa final inspection which will happen next week. At dahil nga sa natuwa yung owner ng resort, he gave us a 3 day stay sa resort nya. In other words, vacation?"
Nakita ko yung pagbabago ng mga mukha nila. Kanina, bored na bored na sila sa meeting, tapos biglang nagliwanag ang paningin nila. I know this will happen, kaya tinanggap ko na rin yung alok nung owner. Hindi ko na rin matandaan kung kelan pa yung huling bakasyon ko, pwede na rin siguro pampa-bawas stress.
"YUN NAMAN!" Ang sigaw ni Troy. "Pwedeng sumama si Bea di ba?"
I nod. Syempre naman. Nagtatalon sila sa tuwa. Mga isip bata talaga itong mga ito, basta gimikan at galaan, game na game.
"Sakto eh, birthday ni Jill at Andi next week." Ang sabi ni Jeorge. Ngumiti na lang ako. Oo nga pala. Magkasunod lang ang birthday namin eh.
"Mangyayari lang yung vacation, in one condition." Ang sabi ko. Nakita ko yung mga mukha nilang nag-expect.
"Kahit anong condition pa yan." Ang sabi ni Jeorge. Ngumiti ako.
"Gusto ko ng volunteer para sa inspection sa ospital dun sa Cavite." Naglaho yung mga ngiti nila sa muha pagkasabi ko nun. Nakita ko pa nga yung ibang nagbulungan. Gusto nilang magsaya, aba eh dpat may kapalit na trabaho. Dapat balance lagi. "Any volunteers?"
Naghikab sila isa-isa. Lumipas ang halos limang minuto pero walang nagtaas ng kamay. Ano ba yan? Walang may gustong mag-trabaho? As if namang maiiwan sila dun for a week. Wala pa ngang isang araw yun eh. Hours lang, tapos tinatamad pa? Don't tell me na ang ending nito eh, ako nanaman ang mag-iinspect sa huli? SERIOUSLY.
"Ako!" Ang sigaw ni Daniel habang nagtaas ng kamay. "I volunteer."
"Yun naman! buti pa si Daniel hindi KJ!" Ang sabi ni Troy sabay hampas ng mahina sa balikat ni Daniel. Tuwang tuwa lahat sila sa ginawa ni Daniel, more like Hero-of-the-day ang turing nila sa kanya.
"Thank you Dani-" Ang sabi ko, pero hindi pa man ako tapos, may sumingit na.
"Ako na lang!" Ang sigaw ni Andi mula sa likod. Natahimik ang lahat. Hindi rin nila alam kung bakit. "Ako na lang ang pupunta. Medyo familiar ako sa Cavite kasi malapit lang naman ang Sucat dun. Ako na lang." Ang paliwanag nya.
Seriously? Ngayon lang sya nag-volunteer para sa isang gawain. Ganun ba nya kagusto yung vacation na sinasabi ko? As in?
"BASTA AKO NA! Hindi na kayo nahiya. Yung bagong member pa pinagta-trabaho nyo. Ako na lang." Ang dagdag pa nya. Nagbulungan ang team. Ano bang bago kay Andi ngayon bukod sa itsura nya? Hmm. Something's fishy.
BINABASA MO ANG
[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. Paasa
ChickLitHalos 7 taon na ring inlove si Jill kay Andi. Kabaliwan man kung ituring ng iba, pero sadyang iba talaga ang pag-ibig na mayroon sya para sa lalaking ni hindi nya maintindihan kung gusto o ayaw ba sya. Hanggang sa tuluyan na syang nagising sa katoto...