Chapter 13: The Unexpected Shoulder To Lean On
Hindi gumagana ng maayos ang utak ko. Barabara na ang pagmamaneho ko. Ni hindi ko kayang itama ang speed limit ko. Mahalaga ang bawat oras sa ngayon. Panay lang ang labas ng malalamig na pawis mula sa noo ko. Mas malakas pa sa paputok ang pagdagundong ng puso ko. Nawawala na ako sa katinuan sa nararamdaman ko ngayong takot. Paulit ulit lang ang dasal ko sa aking utak Kuya, Please be okay.
Pagdating ko sa ospital kaagad na hinanap ko ang Emergency Room. Tuloy tuloy lang ang takbo ko, wala akong pakialam sa mga nababangga ko. Sa mga oras na yun, ramdam ko ng papalapit na ako kay Kuya, kaya hindi ko na makontrol pa ang emosyon ko. Nasaan ka na ba Kuya?
Pakiramdam ko, may tumatawag sa pangalan ko. Pero masyado akong banggag at patuloy lang ako sa pagtakbo. Hanggang sa kusa akong dinala ng mga paa ko sa Kuya ko.
Nilapitan agad ako ni Janine pagdating ko sa Emergency Room. Namumugto na ang mata nya sa kakaiyak. Halos wala na rin syang boses. Niyakap nya ako. Pero sa mga orad na iyon, wala kay Janine ang attensyon ko. Nasaan na si Kuya? Kailangan ko syang makita.
"Ate, nasa Operating Room na si Kuya mga 30 minutes ago pa. Ate kritikal daw sya sabi ng mga doktor. May possibility daw ng Internal Bleeding, ate ano yun?" Ang tanong sa akin ni Janine. Iyak pa rin sya ng iyak. Kahit ako ay hindi ko na rin napigil pa ang luha ko.
Nagpunta kami ni Janine sa Operating Room at kaagad kaming sinalubong ng doktor. Ipinaliwanag nya sa amin ang ginagawa nila kay Kuya. Kung ano ang kondisyon nya sa ngayon. Wala akong maintindihan sa mga terminong ginagamit nya. Isa lang ang alam ko, na delikado ang lagay ni Kuya at importante ang bawat segundo sa ginagawa nila.
Nagmakaawa si Janine sa doktor na iligtas si Kuya. Napaupo na lang ako sa upuan na naroon. Si Kuya. Si Kuya. Anong nangyari kay Kuya Julius? Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko kayang kumilos. Hindi ko maisip kung bakit nangyayari ang mga ito. Bakit sa amin? Ano bang ginawa naming masama?
Nakarinig ako ng mabibigat sa hakbang at malalalim na paghinga. Ipinikit ko ang mata ko at saka tumingin sa kanya. Si Andi.
"Jill, ano nangyari?" Ang hingal na hingal na tanong nya. Bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha nya. Napahagulgol na lang ako ng makita ko sya.
"Si Kuya." Ang iyak ko.
-
"Sa ngayon, hindi pa namin masasabi kung ligtas na sya. Kailangan pa namin syang obserbahan para sa mga maari pang mangyari." Ang sabi ng doktor. Pinipilit nyang ipaintindi sa amin kung anong kundisyon ni Kuya pero hindi ako nakikinig. Nasa harapan ko si Kuya ngayon pero hindi ko man lang sya magawang lapitan o hawakan.
Naoaraming nakakabit na kung ano-ano sa katawan nya. Tapos may nakapasok pang malaking tubo sa bibig nya. Hindi ba masakit yun? Paano kung nahihirapan na si Kuya? Please Kuya, Lumaban ka para sa amin ni Janine.
"Salamat po. Gawin nyo po ang lahat para kay Kuya." Ang sabi ni Andi sa Doktor.
Lumapit sya sa akin at saka nya bahagyang tinapik-tapik ang balikat ko. "Magiging okay din si Kuya Julius. Magtiwala ka sa kanya. Mahal na mahal nya kayo at hindi nya hahayaang mag-alala kayo sa kanya."
"Bakit si Kuya pa? Ang bait bait kaya nya. Ang dami namang iba dyan eh. Yung iba nga nagnanakaw, pumapatay tapos kumakalat kalat pa rin. Bakit si Kuya pa? Wala naman syang ginagawang masama sa iba eh." Ang tanong ko kay Andi. Tinitigan lang nya ako at saka nya ako niyakap ng mahigpit na mahigpit. Lalo akong napaiyak sa ginawa nya.
"Tama na yan. Magiging okay si Kuya Julius." Ang sabi nya at saka nya niyakap din si Janine na umiiyak sa gilid. "Kaya nya yan. Kaya nyo yan. Magdasal lang kayo."
BINABASA MO ANG
[ON-GOING HEAVY REVISION] The 7 Steps Away From Mr. Paasa
ChickLitHalos 7 taon na ring inlove si Jill kay Andi. Kabaliwan man kung ituring ng iba, pero sadyang iba talaga ang pag-ibig na mayroon sya para sa lalaking ni hindi nya maintindihan kung gusto o ayaw ba sya. Hanggang sa tuluyan na syang nagising sa katoto...