PT. 16

107 37 2
                                    

Sa pagbaba ng bangka ay mabilis na umakto si Hanz para alalayan ang dalaga, natatakot na maulit ang nangyari kanina. Kahit medyo naiilang si Elaine ay wala siyang iba na ginawa kundi ang magpatianod nalang sa ritmo ng binata, para makaiwas sa scene na maaaring maganap, lalo na't kasama nila ang magulang niya. 

"Wahh! Boracay really is a beauty!" She complimented as she let herself turn around several times, with spread her arms, letting her dress sway with the air. 

Sa nakitang kasiyahan mula sa anak ay, hindi mapigilan ng mag-asawang Hernandez na huwag mapatawa. "That's enough, anak. Kailangan na natin magpunta sa hotel." Malambing na sabi ng kanyang ina sa kanya. Tumigil siya at ngumiti rito. 

Sa pagkakataong 'yun ay ang pagtingin ni Lucas ay parang bubbles na mahina ang paglayag sa ere. Kung maganda man ang lugar, wala ng mas igaganda sa nakikita niya ngayon. This is crazy. Wika niya sa sarili at nagpigil ng ngiti sa pamamagitan ng iilang pag-iling, pag kagat sa pang ibaba niyang labi at pag yuko at taas ng noo. Glancing Elaine. 

"Your mom's right Elaine, you have plenty of time to have fun. But before that, magpunta muna tayo sa hotel." Pag sang-ayon ng kanyang ama sa ina niya na ikinabagsak ng mga balikat niya, ngunit ngumisi-ngisi pa rin naman. Sa ganoong huwisyo ay hindi niya mapigilang hindi maglambing sa mga magulang, umuklo siya para yakapin ang mga magulang. 

Pero sa pagyakap niya ay siyang pagtagpo ng mga mata nila ng binata. It surprises him, nginitian siya ni Hanz at para maitago ang kaunting ilang, ay nginitian niya rin ito pabalik. Mas gumuwapo ang lalake sa paningin niya, lalo na't nakangiti. Kahit may dalang maraming bagahe at kawawang tingnan ay napakakisig pa rin nitong pag masdan. Ilang segundo silang ganun, nakayakap man siya sa mga magulang, ang atensyon ay nasa binata. Napaka mapanlinlang ba naman ng momento para sa kanilang apat?

At dahil malapit lang naman ang Hotel na pag stayhan nila sa loob ng dalawang araw, ay nilakad na nila ang distansiya. There are certain assistants naman na nag boluntaryo sa kanila na alalayan sila, kaya't nakahinga rin si Hanz. No, nakahinga sa paningin ni Elaine. Ngayon ay kitang-kita na niya ang kabuoan nito. Hindi kagaya kanina na may maraming dala na bagahe. 

"Mom, anong room kukunin po natin?" Tanong niya sa ina nang makarating sila sa lobby. 

"Actually, anak. Nakapagpa-reserve na ako ng kukunin natin kuwarto. 

"Talaga? Sa online ka kumuha?" 

Napatawa ang ina, "Ano ka ba, high-tech na ang panahon ngayon, its just a one call away reservation. Marami naman sa online. Dapat alam mo 'yan." Anito na ikinanguso niya. Paano niya naman malalaman, kung taong bahay lang siya? Minsanan nga lang siyang nakakalabas. Gusto niyang umapila, pero naisip niyang huwag nalang. Bakasyon niya 'to, dapat relax niya din ang sarili niya. 

Pagkarating sa designated floor ng kuwarto na napili ng kanyang mga magulang ay disappointed siya sa narinig. 

"We got two rooms nalang anak, dahil bilang lang ang exclusive suit nila dito. I will be with your dad, and don't worry, dalawa naman ang bed sa room niyo ni Hanz."

"Pero--" 

Wala na nga atang mas titindi sa kamalasan na natanggap niya sa araw na ito. Nanadya na ba talaga ang panahon sa kanya? Pati ba naman mga magulang ay walang patawad at dinamay pa? Kung nasa isang cartoon network lang siya noh, malamang iilang bloke na ng hollow blocks ang nagdagsaan sa ulonan niya. Because that's what exactly she felt right now. Ang inaakala niyang masayang bakasyon ay nalusaw, paasa talaga ang tadhana, alam na nga nitong iniiwasan niya si Hanz, pinaglalapit naman sila. 

"Bakit? Di'ba nakagawian niyo naman na magkasama sa iisang kuwarto? Akala ko ba same pa rin ngayon?" Palipat-lipat ang tingin ng kanyang ina at ama sa kanilang dalawa. Tama ito, sa mga bakasyon kapag nagkasama silang dalawa ay siya pa mismo ang magpumilit na mag stay sa isang kuwarto kasama ni Hanz, dahil nga close siya dito. Na siyang pinayagan naman ng kani-kanilang mga magulang. Walang kaso sa mga magulang ang kalapitan nilanag dalawa, at pinagkatiwalaan naman nito ang binatilyo. Kaya sa bakasyon nila ngayon ay hindi na nag-abala pang nagtanong ang ginang at nagpa book kaagad.

SINFUL AFFINITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon