Elaine's POV
"Let's welcome your new classmate, class! Elaine Hernandez." wika ni Miss Ava class adviser namin sa Third year year college level. Nasa classroom na ako, katabi ko si Honey. At dahil new ako, siya ang nag pick ng chair para sakin.
"Elaine, please introduce yourself" saka ako tinawag at tumayo mula sa pagkakaupo sa katabing upoan ni Honey.
"Hello! I'm Elaine Hernandez, hope to get along with you all!" na may kasamang ngiti ay kumaway din ako at yumukod bilang respeto sa lahat. Halos lahat ng mga kaklase ko ay ngumiti din pabalik sakin. Well, hindi naman pala masama ang ganito.
Nagsimula na nga ang klase for second semester. Oo, second sem ko trip lumipat talaga. Bakit? Wala lang, gusto ko lang. Tiyaka, gusto ko grumaduate dito. E.H.U is one among those top suggested schools, dahil sa ganda ng serbisyo nito. Gone with the Hanz's thingy, hindi na siya ang dahilan. Wala namang bago, after ng introduction, sinundan kaagad ng lessons and discussions.
Recess came at kasama ko pa rin si Honey, papunta kami ngayon sa canteen. Subalit kakalabas lang namin ng elevator nang, makita ko ang panget niyang mukha. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "What are you doing here?" maldita kong tanong
Nagkamot naman siya ng ulo at humalukipkip. "Sabay na tayong mag breakfast" aniya. Umismid ako. Sabay iwas tingin.
"Kasama ko si Honey, hindi kita gusto makasabay!" sabi ko at hinawakan na si Honey sa elbow niya at dadalhin na sana paalis dun kase nakaharang din kami sa daanan.
"Hala, oi! Elaine? Iiwan nalang ba natin yung kaibigan mo dun?" dumikit ako sa kanya at niyakap ang braso niya, which was na ikinagulat siguro ni Honey. Not minding her question.
"Ayos lang 'yun, kaya na niya ang sari--Ahhhh!!! Put me down!" naputol ang pagsasalita ko nang bigla nalang may sumako sakin.
"Sorry about her stubbornness, kid. Mahiram ko na muna siya" sabi ni Hanz at walang kahiya-hiyang sinako ako palabas ng building.
"Put me down!"
"No!"
"Ano ba Hanz?! Ibaba mo ako!" pinagagahampas ko na rin yung likuran niya. Sa kaingayan ko ay halos ng mga mata ay nakatuon sakin. May iba pa na nagtatawanan, dahilan para matutop ko ang dila ko. Shit naman! Angganda ng bungad ng unang araw ko sa school! Woah! Kahihiyan kaagad! Grabe! pag mock ko sa sarili ko.
"Sige, magsisigaw ka lang Elaine. Ikaw naman mapapahiya!" at ang gago! Iniinis pa talaga ako lalo. Napatiim bagang ako, sabay hampas at kagat sa balikat niya. "Ahhhh-awww, kinagat ako ng damuhog na brat!" pagsisisigaw nito. Hindi ko din napansin na napatawa na din pala ako sa reaksyon niya. Kahit kailan talaga, ay pareho kaming walanghiya.
Hindi man kami same ng department, makapal pa rin talaga ang mukha nitong magpunta. Napapailing nalang ako, at hinayaan na siyang dalhin ako sa kung saan. Nagpapabigat pa kamo ako. Pero napapitlag ako nang maalala na nakapalda pala ako. "Hoy! Yung likuran ko jerk!" sumunod pa ang pag init ng mga pisngi ko.
"Walang makakakita brat! Tinakpan ko na! Ang ingay mo!" reklamo niya na ikina-roll eyes ko nalang in a 360 degress angle motion.
Dinala niya ako sa gilid ng building namin. Wala naman masyadong tao at may mga benches din. Hindi rin mainit. "Aww! Ang sakit ng puwet ko, bwesit ka talaga!" sigaw ko sa kanya nang padabog niya akong ibinaba sa bench. Parang bigas lang.
"Ang bigat mo eh!" sabi niya at umupo na sa may giliran ko.
"Wala naman kaseng nagsabi sayo na buhatin mo ako!" angil ko pabalik sa kanya. Totoo naman kase, siya lang 'tong mapilit at gumagawa agad ng aksyon na hindi ko expected. Palagi naman! Simula pa nung high school nag iba na siya.
"Ayaw mo nun?" tumawa pa talaga siya, "May bumuhat sayo, kahit ang bigat bigat mo. Para ka na ngang baboy eh, nasa 60 kilos ka siguro." umawang ang bibig ko pati yata kaluluwa ko ay humiwalay sa katawan ko dahil sa pinagagasasabi niya.
"Sa sexy kong 'to? Baboy? Bulag ka siguro noh!" kung makababoy siya akala mo naman talaga baboy ang katawan ko. Pinagkrus ko ang mga braso ko at steady na tumingin sa kung saan. Basta hindi siya ang tiningnan.
"Hindi nga, pero ang timbang mo, nakakabigti ng buto!" Reklamo niya, sino ba naman kase ang may sabi na buhatin niya ako? Sa pagkakaaalala ko, siya mismo ang nag decide na buhatin ako. Grabe lang talaga siya sa baboy.
"Wow ha! Nasaan nga 'yung nabali?" sarkastiko kong tanong sa kanya sabay check ng mga braso at balikat niya. "Wala naman ah! Isa ka lang ulirang sinungaling! Gusto mo lang akong maasar eh!" totoo naman eh! Lahat ng banat niya, may halong biro. Minsan tuloy naco-conscious ako sa sarili ko. Yung ibang biro niya, nakakapang insulto na. Siya naman walang pakealam, kaya nakakagalit talaga
Malakas siyang napahalakhak, sabay akbay sakin. "Kailan ba ako nagsinungaling? Sige nga!" Wow, naging clingy pa ang mukong.
Napa-pout nalang ako. Kase nga kilala siyang honest sa bahay namin. Hindi raw nagsisinungaling, eh anlakas niyang magsinungaling. Umuklo pa siya, para lang matingnan ang ekspresyon na meron ako sa mukha. Ako Naman ang panay iwas. "Tigilan mo nga ako, pork and beans!"
Sumipol ang malabiro niyang hiyaw. "Ayun oh! Nang-aasar na siya pabalik!"
"Abnormal ka na!" Asik ko sa kanya.
Hinawakan pa niya kamo yung magkabila kong balikat at pinaharap ako sa kanya. Ayaw ko pa rin siyang tingnan sa mata. Malay ko ba, ayaw ko lang tumingin dun. Para kaseng nanghihigop eh! "Bati na tayo noh? Elaine, sorry na... bati na tayo okay?" baliw talaga, tatanong tapos, hihingi ng tawad. Napabuntong hininga nalang ako.
"Oo na! Bitaw, ang touchy mo!" sabi ko na halakhak lang ang naging sagot niya. Akala mo naman kung wala siyang kasalanan sakin nung huli. He just act natural on his own.
Tumayo siya matapos nun, "Dito ka lang, huwag ka aalis kung ayaw mong isako kita ulit. Babalik ako agad. After 10 minutes" hindi pa ako hinayaan na magtanong kung saan siya pupunta. At basta-basta nalang siyang umalis. Humaharurot paalis, papasok ulit sa building. Napahalukipkip nalang din ako dito sa kinauupoan ko.
Lumipas na ang limang minuto, wala pa din siya. Pinagagaloko-loko ba niya ako? Pinagkrus ko ang aking mga hita, kasabay ng pagtingin ko sa relos. Three minutes nalang, wala pa din siya. Aalis na kaya ako? Kaso sabi niya maghintay diba? Yaan na nga lang!
Eksaktong 10 minutes ay dumating siya. Napaangat ang kilay ko sa kanya nang mamataan kung ano ang dala niya. "Galing ka bang canteen?"
"Hindi ba obvious?" hinihingal niyang sagot. "Grabe antaas ng linya. Buti nalang may mga pabebe girls doon, hinayaan akong makasingit!" ako naman ang napangiwi sa sinabi niya.
"Gross!"
"Ju-judge mo pa ako eh! Heto! Kumain ka na, at baka ako pa ang makatay ng tatay mo pag nalaman niyang hindi ka nag agahan." napabungisngis ako sa sinabi niya. As always, takot talaga siya sa daddy ko. Especially, kung about sakin ang usapan. Siya ba naman ang tumatayo kong kuya, slash protector, guwardya at ama! Hahaha! Joke lang 'yun. Palagi kaseng wala sila daddy at mommy kaya si Hanz ang kasama ko lage.
Nagkabati na kami, pinatawad ko na rin siya. Inaasar ko na nga din pabalik. Masaya ang recess time ko, hindi naman boring. Dahil kasama ko siya. Hindi na rin masama. Sana bukas ulit.
To be continued...
BINABASA MO ANG
SINFUL AFFINITY (completed)
RomanceThey said, love is a gift. What if, you fell in love to the person you aren't supposed to be in love because it's wrong to love them? Ano ang gagawin mo sa bagay na yan, kung hulog na hulog ka na sa taong mali kung ibigin? ******** Si Hanz at si...