Trailer

617 63 14
                                    

"Hanz! Ano na ang gagawin natin? Alam na nila daddy ang tungkol satin! Malamang pauwi na 'yun ngayon!" hindi mapakali sa kanyang kinatatayoan si Elaine habang nasa sala sila ng condo ni Hanz. Ang kanyang kasintahan. Panay lakad roon at dito ang ginagawa niya.

"Nagiisip ako, Elaine! Will you please calm down?!" bulyaw pabalik ni Hanz kay Elaine, habang kagaya niya itong hindi mapakali sa kinauupoan na couch habang ang mga kamay ay nakatiklop sa ibaba ng chin nito. Nagiisip.

"How will I calm down?! Mapapatay tayo panigurado!" bulalas ni Elaine, halos maiyak na at panay padyak sa kinatatayoan.

Napapikit sa kanyang mata si Hanz, "Elaine, magtanan tayo..." biglang sabi nito sa kasintahan na ikinagulat ni Elaine ng husto. Laglag ang panga at namimilog ang kanyang mga mata.

"Magtanan?! Ma re-resolba ba ang problema natin kung mag tanan Tayo?! It's not, Hanz!" halos napuno na ng sigawan nila ang silid, dahil lang sa nasabing problema. Alam nila pareho na hindi sila pwede. Pero masisisi niyo ba sila kung dahil lang sa ipinagbabawal na pagibig ay nalaglag sila sa situwasyon nila ngayon? Pagibig na nakakabaliw, na magawa kang maipagmaneho sa maling tao. Na kahit mismo ang isipan ay hindi makakapigil.

Marahas na napatayo si Hanz, nauubosan na rin ng pasensya at ideya kung ano ang dapat. Ano nga ba ang dapat? Kung sa umpisa pa lang ay hindi na dapat? "Then, ano ang gusto mong mangyari?! Maghiwalay tayo? Ganun ba Elaine?!" Isang butil ng luha ang kumawala sa kanan niyang mata, habang ang tibok ng kanyang puso ay parang nakiki-karera.

Doon napipilan si Elaine, dahilan para mag iwas siya ng tingin. "Wala akong sinasabing ganyan Hanz! Mahal kita--"

"Oo nga sinasabi mong mahal mo ako! Pero kung makapag-react ka riyan sa suhestiyon ko ay parang isa akong kadiri na dumi para pandirian mo! You know what, kung ayaw mong sumama sakin, sige! Hintayin natin sila dito at hayaan natin silang paglayuin tayong dalawa!" sa sobrang galit ay hindi na alam ni Hanz ang kanyang sinasabi, ngunit lingid sa kaalaman nilang dalawa na may punto si Hanz, dahilan para bigla nalang naglabasan ang mala-agos ng tubig sa poso na pinipigilan niyang luha kanina. Nanginginig pati ang kanyang mga labi. Naninikio ang kanyang dibdib, dahilan kung bakit nahihirapan din siyang huminga.

Ang marinig si Hanz na magsabi ng ganoon salita ay parang kinarayom ang kanyang puso. Masakit, sobra. Pero masisisi niya ba ito? Gusto lang din naman nito na magkasama sila, pero siya itong nagharumintado.

Napa-alerto si Hanz nang makita ang kasintahan na umiyak. Parang natanggalan ng turnilyo sa ulo at na-realize ang naidulot sa taong mahal. Dahil sa situwasyon nila ay hindi niya sinasadyang masigawan ito. Nanlumo siya, at natunaw kaagad ang galit na namuo sa puso niya, "I did not mean it, I'm sorry, mahal..." dinaluhan niya kaagad ito ng yakap at hinalik-halikan ang noo. Wiping her tears.

"M-Mahal din n-naman kita H-Hanz, at natatakot din akong m-malayo sayo..." wika ni Elaine sa kasinatahan. Patuloy pa rin na naglaglagan ang mga luha, at nahihirapan na bigkasin ang mga salita. Kasalukoyan silang nagyayakapan at dinadaluhan ang isa't-isa para pahupain ang mga hinaing.

"Kahit sino man ang humadlang sa pagmamahalan nating dalawa ay handa kong harapin at kalabanin. Para lang sayo, mahal... Kahit na pati ang mundo ay maging kalaban ko sa hinaharap, ay susuongin ko, manatili ka lang sa tabi ko, Elaine. Dahil sa oras na iwanan mo ko ay siyang ikakamatay ko rin. Kaya Elaine, sumama ka na sakin at magpakalayo-layo na tayo!" Makahulogan at buong puso na sambit ni Hanz kay Elaine at puno ng pagmamahal na hinagkan sa noo ang kasintahan. Pinakatitigan pagkatapos.

"Sasama ako sayo, Hanz. Mahal din kita at gayon din ako sayo." She said, meaningfully.

Humiwalay sa yakap si Hanz at hinawakan sa kamay si Elaine at patakbo na tinahak ang daanan papunta sa pintuan. Nakapag desisyon na silang dalawa. Magpakalayo-layo na sila at manatiling magkakasama. Kahit mali man o tama. Hindi nila makayanan na malayo pang muli. Minsanan na silang nagkalayo at maaring ikadurog iyon ng kani-kanilang mga puso. Na siyang kanila na iniiwasan ngayon.

SINFUL AFFINITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon