A must read chapter!
-Miss A
Naging magulo para sa pamilyang Chen ang nangyaring paglitaw ng mga ebidensyang na dating nakabaon na sinundan rin ng agaran na pagkawala ni Mr. Qi ang in-law ng mga Chen na napangasawa ng yumaong Chen noon. Naging kuwestiyonable ang biglaang pagkawala nito sa mismong kalagitnaan ng imbestigasyon. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari dito, sumunod rin ang sunod-sunod na problemang umatake sa mismong kompanya nito at nasa kalagitnaan na rin ito ng crisis. Napakabilis ng nangyari and not even a single member from the decent Chen can identify kung saan nagmula ang problema.
Pero hindi na 'yun ang mahalaga kay Honey, dahil ang mas importante hindi na matutuloy ang nakaplanong kasalanan na inilalaan ng pamilya niya para dito.
"Salamat Hanz ah?" kasalukoyan silang nasa kotse, papunta pa lang sila sa planta nang lumabas ang mga ebidensya na inilalaan niya. Ngunit hindi lang ang ebidensyang hawak niya ang lumabas, meron pang iba na nagmula sa isang hindi nagpapakilalang tao na kagaya niyang nagtatago lang sa anino. Pero lahat ng iyon ay napatunayan at naipatapon sa kahihiyan ang mga Chen.
"Nah, it's a tie for the both of us. Tinulongan mo rin naman ako dati kay Elaine. I thought of giving the favor back to you. And if you need some help, I can pull the strings for you to go through." Hanz said, assuring her with his colorful words.
Honey might be happy, but the absence of the person she loves made her feel lacking. Hindi nga matutuloy ang kasalan, naiwala niya naman si Zen. Kahit gusto man niyang magbunyi sa naganap, hindi niya pa rin magagawa dahil alam niyang hindi siya magiging kompleto na masaya.
Ngumiti siya kay Hanz, para itago ang inaaalala. But even though she tried to hide the sadness behind her sweet smiles... Hanz can still name it. "Speaking of which, may balita ka na ba kay Elaine?"
"She's in Paris." Sabi niya at wala nang iba pang dinugtong. Hindi niya lang gusto ang maging malungkot sa harap ni Honey lalo na't hindi pa natatapos ang laro niya.
"Geez, nasa Paris lang pala siya. Bakit hindi man lang siya tumawag sa'kin at malapit na ring magdadalawang taon ahh..." tunog nagtatampo si Honey na ikinatawa lang ni Hanz.
"Bakit? Miss mo na ang kaibigan mo?" tanong niya.
Umirap si Honey, "Hindi ba obvious?"
Napahalakhak si Hanz, "Wala na akong sinabi." At eksaktong nakarating naman sila sa planta. Ngunit bago pa man sila makalabas ng kotse, isang mensahe ang dumating kay Hanz, para siya'y mataranta at inatake ng pag aalala.
"Anong nangyari?" napansin naman ni Honey ang naging reaksyon niya.
Makahulogan na tiningnan ni Hanz si Honey, tiyaka walang pasabi na minamanaheo pabalik ang kotse. "Wait up, anong nangyari?"
Hanz was furious, and it was because of his relatives chasing Elaine to Paris. Dinala ni Hanz si Honey sa bahay niya at kinuha ang mga dokumento na pinadala sa kanya ni Zero at itinabi matapos 'yun basahin.
"Hanz, bakit tayo nandito?" nag aalala na si Honey kay Hanz dahil kanina pa ito hindi kumikibo. And it doesn't feel like na may gagawin itong masama sa kanya kaya nagiging kampante siya kasama ito at kahit na isinama siya sa mismong pamamahay nito.
Hanz was in a hurry, naiwan si Honey sa sala. Bumalik din siya kaagad dala ang mga kailangan niyang kunin. Mabilis siyang naglakad pababa sa hagdanan, "Honey, can you do something for me? It's urgent and please situate that this file will reach the Collins."
"Collins? You mean, sa pamilya ni Skye?" shock was visible from Honey's face.
Tumango si Hanz at iminuwestra kay Honey ang dokumento na nais niyang ipapahatid. "Siguradohin mong babasahin nila ito. Huwag kang aalis hangga't hindi nila ito pinagtutonan ng pansin."
BINABASA MO ANG
SINFUL AFFINITY (completed)
RomansaThey said, love is a gift. What if, you fell in love to the person you aren't supposed to be in love because it's wrong to love them? Ano ang gagawin mo sa bagay na yan, kung hulog na hulog ka na sa taong mali kung ibigin? ******** Si Hanz at si...