SIMULA

403 61 7
                                    

Elaine's POV

"Hanz! Hanz!" tinawag ko si Hanz habang patakbo na papasok sa kanilang bakuran. Anyways, I'm Elaine Hernandez, beautiful and young! Charr! I'm just eighteen. Uhm, no! Mag twenty na pala. Feeling eighteen pa rin talaga ako pasensya na.

"Ano yun, Elaine? Tiyaka bakit ka ba tumatakbo?" As usual ang guwapo talaga ni Hnaz, nakahubad-baro ang mokong habang naglilinis ng kaniyang kotse. Unlike me, he's already twenty, turning twenty-one. May sarili na siyang sasakyan and of course, he's at legal age. Isang taon ang gap namin at simula mga bata pa kami ay magkakaibigan na talaga kami. Sa lahat ng naging kaibigan ko, sa kanya lang talaga ako nadidikit. Hmmm... Siguro isa akong glue, mabilis napapadikit sa taong saan ako masaya. Kahit na naiinis kung minsan, dahil nga malakas mambara ang tukmol, ay hindi pa rin ako nagawang nalalayo sa kanya. Siguro magtatampo, pero mag last lang ng ilang weeks.

"Nakapasa ako! Nakapasa ako! Tingnan mo, bilis!" Masaya kong sabi sa kanya, nagtatalon-talon rin habang tumatakbo. My hair bounced too. Excited na makita niya yung results. Habang siya ay naman ay may hawak pang hose ng tubig. Basa rin. Pansin ko nga rin yung short trunks niya ay basa. Siguro dahil sa paglilinis ng sasakyan. Ewan ko ba sa kanya, sinabi ko na sa kanya na huwag na siya ang maglinis at may mga car wash station naman sa labas para bayaran para maglinis ng kotse niya. Ayaw niya rin naman ipalinis kay Mang Isko. Ang nakaka-down lang ay ang cold niyang mukha. Parang namatayan palagi.

Malapad ang aking ngiti at parang kabute na hindi mapakali sa kinatatayuan habang hinihintay siyang lumapit. At nananadya talaga siya eh noh?! Ang bagal kung kumilos! Kung kailan ako excited, napaka-KJ niya naman. Hmp!

"Ano ba kase yan? At napakasaya mo?" ito na naman ang pagka moody niya, umaandar na naman. Kadalasan kase, itong ekspresyon niyang ito ang kinaiinisan ko talaga. Bakit? Malamang! Parang namatayan palagi eh! Malay ko ba kung papaano ko 'yan natatagalan at napagtitiisan.

"Look, nakapasa ako sa E.H.U! Anggaling ko hindi ba?!" sa E.H.U kase siya nagaaral, nag take ako ng exams last month at ngayon lang lumabas ang resulta. Kaya tuwang-tuwa talaga ako dahil tanggap na ako! Bueno, siya rin naman ang dahilan kung bakit ko gusto lumipat ng school eh, napaka boring ng college life ko sa Luna University without him. May friends naman ako, kaso siya talaga ang hanap ko. Dapat pala ay sumabay nalang ako sa kanya at hindi na nagpaiba-iba ng school. Yun tuloy, malungkot ang first to third years ko sa kolehiyo. Second sem ko pala napagdesisyonan na lumipat. Marami nga ang nalungkot sa biglaan kong paglipat, at kinumbinse akong mag-stay, mostly mga plastic friends ko sa University, tiyaka mga manliligaw ko. But in the end, Wala rin naman silang nagawa. I took the exam, and was able to pass it.

Pero hindi bale na, ngayon na nakapasa na ako, makakasama ko na ang mokong, at palagi ko siyang pagti-tripan. Magiging masaya na ang mga araw ko. Hindi na ako mabuburo. At hindi ko siya lulubayan talaga, I don't care if he doesn't want me around. Basta susulitin ko ang pagkakataong ito, para naman maka meet ako ng iba't-ibang students here in E.H.U. I heard kase na, may maraming pogi dito. Maka-hunting na rin hehe! Pwera nalang kung hindi siya mangengealam, eh pakealamero yan eh!

"Aysus! Para yan lang naman, akala ko kung ano na para magmukha kang bulate na hiniwaan ng katawan. Bakit ka pa kase lumipat, okay ka na naman dun sa school na pinasukan mo." Seryoso niyang sabi, at binalikan na ang hose na iniwanan niya sa gilid ng kulay asul niyang lamborghini auto car. Hindi man lang pinagtuonan ng pansin ang naging achievement ko. Ganito talaga siya ka-heartless.

Napasimangot ako, mali talaga na sinabi ko eh! Ang tukmol napaka chossyy! Ayaw lang naman niya talaga na maging school mate ako. Saklap para sakin na ako lang ang may gusto na maging school mate siya. Haist, nagsisisi tuloy ako. Pero kung ayaw niya sakin, "Edi huwag!" hindi ko namalayan na ang sinisigaw ng utak ko ay naibulalas ko na pala. Patay!

SINFUL AFFINITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon