Elaine's POV
Dumating ang parents ko ng mag weekend, hindi din ako pumasok sa school the rest of the week at nagkulong lang sa bahay. Wala na talaga akong pakealam kung liliit man ang grades ko, basta maiwasan ko lang ang mokong na'yun. I even cage myself at home at nag pagaling without his care.
Noong mga nakaraan din, kahit may klase ay naririnig ko siyang kumakatok sa bahay namin. But after a few minutes he'd give up and left. Doon ako bumababa para tingnan ang pintuan kung may ibinilin man siyang pagkain, and I was right! Nag-iwan nga siya, pero sa bawat mensahe niya ay puro, 'What's your problem? Can we talk about it?' 'Galit ka sakin? Nagtatampo ka pa rin ba?' 'Kailan ka ba pwede makausap? I badly want to spend time with you, you've been avoiding me for days already!'
Alam niyo 'yung nakakainis? 'Yung second choice ka nalang, kung baga, pag na'bored na siya kay Skye ay sakin siya pupunta? Tsk, that's a big no-no! Kaya kung maaari ay ayoko siyang makausap. Ginugulo lang niya ang isipan ko.
"Kamusta ang pag-aaral mo, anak?" Tanong ni Daddy habang nasa kalagitnaan kami ng breakfast. Himala talaga na umuwi pa sila, after almost a year of being away at home.
"Ayos lang naman po," Sabi ko at may diin na kinagat ang fried shrimp. Naiinis ako sa tuwing umuuwi sila na parang ayos lang talaga sakin? Like, may anak pa pala silang kailangan uwian? They've been busy since my childhood, at hindi man lang nakakatagal ng taon sa bahay dahil kailangan na naman nilang umalis. Siguro nung sanggol lang ako sila nakakatagal sa bahay na kasama ako.
"That's good! I also heard na lumipat ka ng school?" Tanong niya ulit sakin, mabibigat na mga balikat na hinarap ko ang pagkain.
"Opo, sa E.H.U" I don't feel like talking them for long. They may ask me about my whereabouts, pero para sakin kulang pa rin 'yun. All these years, hinahanap-hanap ko pa rin yung pag-aaruga nila. I want to spend time with them for long, kahit na mag twenty na ako at nasa kolehiyo na.
"That school is quite famous with their services, nice choice!" Anito at nagpatuloy na sa pagkain. Even dad, I could feel his distant from me. Hindi ko alam, pero nakakaramdam ako ng distansya sa aming dalawa.
"Di'ba nag-aaral din doon si Hanz?" Tanong ni Mom. Well, hindi na nakakagulat 'yun. They're quite a fan of my cousin tho. Matalino naman 'yun kaysa sakin. Nakakapang selos lang.
"Opo graduating na din." 'Yung boses ko, halos wala ng buhay. Hindi ko na rin nalalasahan ang pagkain.
"Wow! Makakapagtapos na rin pala ang anak ng kapatid mo mahal."
"Oo mahal, this year. Ang saya nga ni Alfred!" Imporma ni papa. He may be calm, pero mapapangalanan mo pa rin kung masaya siya o hindi. Makikita sa mata na nakangiti. Sana all nalang talaga ako, kase hindi naman ako matalino, hindi maipagmamalaki. Kay nga iniiwan eh!
"Eh, si Alfred? Bakit hindi pa umuuwi? It's been a year since the last time he left. Hindi ba niya namimiss ang anak niya?" Yeah, right. Hindi lang naman pala ako ang iniiwanan. Si Hanz din. Mas malala pa nga 'yun kaysa sakin dahil in conflict ang parents niya, at mukhang maghihiwalay.
I don't know with myself, pinagseselosan ko pa talaga yung pinsan ko na mas worst pa ang natatanggap.
"Yan ang hindi ko alam, mahal. Basta ako, I can't afford to not come home and forget about our only daughter left." Ngumiti si dad sakin at ganun rin ang ibinigay ko sa kanya pabalik. 'Yun nga lang matamlay.
"Why are you sad, anak? May problema ba?"
Doon ako tumigil sa pagkandos ng pagkain, na-realize ko, parang pinagalalaruan ko lang ang pagkain ko. "Aalis na din po ba kayo kaagad ni Dad, Mom?" Finally, natanong ko rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/299698543-288-k337302.jpg)
BINABASA MO ANG
SINFUL AFFINITY (completed)
RomansaThey said, love is a gift. What if, you fell in love to the person you aren't supposed to be in love because it's wrong to love them? Ano ang gagawin mo sa bagay na yan, kung hulog na hulog ka na sa taong mali kung ibigin? ******** Si Hanz at si...