PT. 1

312 65 8
                                    

Elaine's POV

Today is the start-up of the new semester. Actually, second semester.  Isang linggo na din ang nagdaan simula nung na-insulto ako ni Hanz. Ang guwapong hybrid na 'yun talaga, kung hindi lang siya guwapo baka na tsugi ko na ang bunganga niya. Pasalamat siya at may pagka-marupok ako sa mga guwapo. Hep-hep! Crash out natin siya, kase kaibigan ko lang siya. Okay? No malice tayo dito.

Kasalukoyan kong sinusuklayan ang maiksi kong buhok. Ang kahabaan nito noon ay nauwi hanggang sa balikat. Pinaputolan ko kahapon bago ako umuwi, kase nga... I want to try a new trend! May nakita kase akong K-Drama MC na natipuan ko ang buhok. Kahit curly ang buhok ko at straight yung sa nakita ko ay pinaputolan ko pa rin. Abnormal talaga ang tao pag may gusto kaya nauwi ang hairstyle ko sa ganito. Imagine yung hanggang bewang ko na buhok at naging hanggang balikat nalang.

Pag uwi ko nga kagabi ay napagalitan ako ni daddy. Bakit ko raw pinaputolan yung buhok ko na ganito ka eksi. Shempre, asong ngiti lang ang isinagot ko. Wala na din naman silang magagawa eh! Naputol na. Sa haba ba naman ng buhok ko, tapos binigla na putolin hanggang shoulders. Malamang nagulat sila ni mommy. Nagulat nga ako na nakita sila sa bahay, akala ko kase next week pa ang uwi nila galing China.

When things are done, I stared at my myself through the reflection of the mirror. Napangiti ako nang makita ko ang sarili ko na, napakaganda at bagay na bagay ang suot kong uniporme sakin. Ang palda na kulay blue na may mix na black, brown at died yellow ay naka stripped ang disenyo. Habang sa pang itaas naman ay puting long sleeve polo na may pair stripped ribbon sa may gitna ng kuwelyo. Saka pinatungan ng light blue long sleeve blazer na may tig-iisang gold designed bottons sa magkabilang sides.

Kahit small hair ako ay, nagawa pa ring bumagay sakin ang porma ng uniporme. Natural! Sa alindog ko ba naman, isa kaya akong Hernandez at ang mga Hernandez ay may mga taglay na kakaibang ganda na kinahuhumalingan ng lahat. Kung hindi ba naman ako maganda, may manliligaw pa kaya sakin?

"Good morning po, Miss Elaine. Hinihintay ka na po ni Sir Hanz sa baba po." sabi ng katulong namin na nakasilip lang sa kunting siwang ng pintuan. Ngumiti muna ako sa salamin bago sumagot. "Pakisabi sa kanya Manang, he can go without me!"

"Okay po, Miss." kinuha ko yung bago kong bili na liptint at ini-apply iyon sa sa aking bibig. Kaya nga lang, hindi pa nga ako tapos mag scattered nung tinta ay bumalik na naman si Manang.

"Kung ayaw mo raw po ba-baba at patuloy na magmamatigas ay aakyatin ka niya rito sa kuwarto mo po at isako pababa, hanggang sa eskwela. Kaya kung ayaw mo masako, ay bumaba ka na at sumabay ka na raw sa kanya. Yun ang sabi niya Miss." medyo hinihingal pa nga si Manang nang sambitin niya ang mensahe na mula pa kay Hanz. Nag rolled-eyes lamang ako at tinapos ang gawain na hindi ko pa tapos. Kay umagang kay ganda, sinisira niya ang mood ko.

When everything's finally settled with me, kinuha ko ang bag ko at isinukbit sa aking balikat, tiyaka lumabas at bumaba na.

"What took you so long, Elaine? Malalate na tayo oh!" ika niya nang makita ako sa hagdanan. Pababa pa lang ako. Lumapit pa siya sa may dulo para salubongin ako. He's always like this, dati-rati pa man ay napaka-strikto niya sa oras. Back when I was in highschool, siya lage ang sumusundo sakin. Nagagalit nga sa kabagalan ko. Pinapauna ko naman, pero ayaw din umalis at hinintay pa din ako. Ang gulo niya rin eh no? Hindi ko nga siya gets minsan.

"Tsk, hindi ka naman siguro bobo para maintindihan ang pinapasabi ko kay manang sayo diba?" sarkastiko kong sabi at hinayaan siyang kuhanin ang bag ko mula sakin.

Ako naman imbes na dumiretso sa pintuan palabas ay nagtungo ako sa dining. Hindi pa ako nag-aagahan eh. "Saan ka ba pupunta? Huwag mong sabihin na hindi ka pa kumain ng almusal?" kahit nakatalikod ako sa kanya at siya naman ay nakabuntot sakin, ay nagtaas ako ng kilay at hindi siya pinansin.

SINFUL AFFINITY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon