Chapter 1

336 42 0
                                    

WHAT the heck is this place?

"Girl! Bakit nakatayo ka lang dyan?"

"Statue daw sya! Hahahahaha!"

"Lezzgo! I'm going to get freaking wasted!"

Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta sa madilim na area. I didn't even know na pupunta kami sa gantong lugar.

It's a fucking bar!

Hindi ko alam na nandito ako sa lugar na nababasa at napapanood ko lang. Mae- experience ko pa nga! Pero bakit naman ako sasama sa kanila na iisa ang mga problema? Syempre maliban sa'kin...

"Nasaan na si Mui?!"

"Girl! Where na you?!"

"Argh! Mui! I got a super dupper tasty wine!!"

"Want to come for a night~?"

Yup. Mas gusto ko lalong lumayo sa pwesto nila. Ayokong madamay kung ano ang mangyayari, parang napi-predict ko na eh. Agad akong tumalikod ng may hindi inaasahan akong nakabangga.

Shems. "I'm really really sorry!"

Agad akong tumakbo palayo. Alam ko na malakas ang radar ng mga 'yon at baka mahanap agad ako ng wala sa oras. Tinakbuhan ko na rin ang nakabangga ko, baka masampulan pa ako eh

Nang tumigil ako sa pagtakbo, napansin kong nasa madilim na lugar ako. Literal na madilim dahil wala akong makita, wala pang tao.

I want to scream right now.

"Ahh! Bakit ba ako sumama sa mga 'yon?! Sabi nila mage-enjoy ako pero kabaliktaran ang nangyari! They're the one who's happy while I'm the one who's suffering!" Naghabol ako ng hininga. "My bag is nowhere to be found and naligaw pa ako! Curse them!" Naggrarant ako ng may nakita akong bote, sinipa ko ito...ng malakas

"Aww..."

...What the. May natamaan ako?!

Dali-dali akong pumunta kung saan ko narinig 'yong boses na 'yon. Nang malapit na ako, may naamoy akong pamilyar.

Sniff. Sniff. "..." Palihim naman akong suminghot kaya alam kong 'di ako mapapansin. Busy din kasi ito sa pagkamot sa ulo na natamaan

Ewan ko kung paano ko natamaan ang ulo nya. I will be a successful soccer player in the future...argh. Nadamay na ang brain cell ko sa badtripan ko

"Damn. I was surprised to see a bottle flying." Di ko alam pero nalalasahan ko ang sarcam sa pananalita nya.

Hmm...typical hunk, hotie, in short, boyfriend type. Ang sasabin ng mga babaeng 'yon kapag nandito sila at makita nila ang kaharap ko

And this is destiny, what wrong with this destiny, its a coincidence na makita ulit 'yong nakabangga ko kanina.

I remembered his perfume. Well, type ko 'yong pabango nya kaya ganon...ahem.

"..ss..miss..Miss?!"

"Yes?!" Masisisi ko 'yong mga babaeng 'yon mamaya. Sa kakasama ko sa kanila, puro pahamak nadadala sakin. Sa akin lang.

Kita sa mukha ng lalaki ang ginhawa. Nakita nya siguro na nakuha ko na ang atensyon nya.

Sumingit agad ako. "I'm really really sorry. Nainis lang ako dahil naligaw ako. Hindi ko 'rin akalain na may tao sa lugar na 'to." Pinilit kong ngumiti para maalis ang hiya.

Kahit sinubukan kong alisin sa ala-ala ko ang sarcam nya kanina, kasalanan ko naman talaga.

He just stared at me. 4..5...6...7....20 minutes pasts, nakatitig parin sya sakin. Naiilang na ako pero alam kong ganto ang itsura ko kanina ng matulala ako. Pagbibigyan natin.

Hmm, of course, except the face. Average beauty lang ang akin, kasama ang maliit na eyebags dahil sa mga projects.

Ang sa kanya naman, kutis na nakakojic. Halatang mayaman kahit simple 'yong pananamit pero nakakakuha ng atensyon dahil sa aura nya.

I sighed deep in my heart. We have so many difference and it is definitely big...

"..."

"Huh?" May binulong sya ng 'di ko narinig. Mukhang bumalik na ang diwa nya.

"Your name. As an apology." Sabi nito. Pangalan ko? Apology?

Malapit na mabigtas ang pasensya ko pero pinagkakapit ko dahil sa konsensya ko.

"Haa. Mui," Tinignan ko sya. "Ngayon alam mo na, lead me the way." And boy, he freaking smiled! Ano meron at ngumiti it-

"Say the magic word?"

I finally heard it. My patience, snapped.

Goodbye patience and my conscience. Just let me borrow a little courage...

Sweet Obsession Where stories live. Discover now