Chapter 5

98 32 0
                                    

DING.

"Girl, tignan mo 'yang phone mo kanina pa tumutunog." Pagtatype ng mabilis ni Leaq sa keyboard.

Araw ngayon ng research namin. Wala dapat kaming sasayanging oras. Pero may isang taong pilit na ginugulo ang–

DING.

"Mui! Landiin mo muna 'yan! Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tunog na 'yan." Sigaw ni Triya. Argh. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang message nito.

To: Lady Mui.
From: Noisy Richard.

Nakakain kana ba?

How's your day?

What a stressful day for me. What about you?

I gave up. I know you're already pissed haha.

It's a prank. This dialogue is famous this day.

Oh, this is fun.

Hey.

This is fun? It's a one sided convo shit! Maghanap nalang sya ng ibang taong maaasar kung one sided lang pala hanap nya.

I will reply na. Hindi sa natakot ako sa last message nya, naawa lang talaga ako.

To: Noisy Richard.
From: Lady Mui.

I'm busy|

Hm...nah, bakit ko naman sasabihin sa lalaking 'yon na busy ako?

To: Noisy Richard.
From: Lady Mui.

Shut up.

Nakita ko agad na nagseen sya. Hm? Wow ang bilis ah.

"Hoy, girl!" Nagulat ako sa sigaw ni Leaq. Nanlalaki ang mata nya pero may ngit sa labi nya, "Busy natin sa cellphone ah."

"Hayaan mo na. First time lang." Tawa ni Hyacinth. Inirapan ko nalang sila.

"Kapag nawalan ka ng load, hingan mo ahahahah." Tawa ni Trixy.

"Alam mo, bad influence ka." Sabi ko nalang sa kanya na kinatawa nalang nya. "Nasaan pala si Lexy?"

Nilibot namin ang paningin namin sa paligid. "Naggagala na naman siguro 'yon." Kibit-balikat ni Hyacinth. Bumalik nalang kami sa harap ng mga laptop namin. Hindi ko muna pinansin 'yong message ng lalaking 'yon.

Makalipas ang ilang oras, bumukas ang pintuan namin. Pumasok si Lexy na may mga dala.

"Hoy girl, saan galing yan?" Tanong ni Leaq.

"Galing sa isang daddy mo?" Natatawang tanong ni Hyacinth. Sinamaan sya ng tingin ni Lexy.

"Ayoko sabing banggitin mo ang daddy eh. Nasusuka ako." Nilapag nya ang mga dalang pagkain sa lamesa na nilinis ng tatlo. Basta pagkain ang bilis nila, walang kupas.

"Imposible naman na sayo 'to galing. Kahit pay day mo, hindi ka nga bumibili o nanglilibre." Sabat ni Triya habang binubuksan ang isang box ng pizza. Limang pizza, limang lasagna at tatlong coke ang dala ni lexy na tinatanggal sa mga plastik.

"Alam ko naman girl ugali ko." Irap nito. Umupo ito sa tabi ni Hyacinth na umuupak agad ng lasagna. "Nagulat nalang ako ng may tumigil na motor sa gilid ko tapos binigay 'yan. Tinanong ko kung kanino yan baka wrong address pero 'yong adress sa atin kaya wala na akong nagawa, tinanggap ko na 'yan" Kwento nito habang kumakagat ng pizza, nagtipa-tipa ito sa cellphone pagkaupo na pagkaupo.

"Sino bumili sa inyo?" Tanong ko. Isa-isa kaming nagtinginan sa isa't isa at umiling. Imposibleng may uulan nalang ng grasya samin.

Tumawa si Leaq. "Kung sino man 'yon, magpasalamat nalang tayo. Dahil dito nawala ng kaunti ang stress natin." Tumango-tango nalang kami at tumuon sa pagkain.

Maya-maya may nagdoorbell. Tumayo si Triya at pagbalik nya may dala-dala syang isang box ng cake. Ohh!

"Wow! Saan galing 'yan?!" Agad akong tumayo at kinuha ang cake. Mocha flavor! Favorite ko!

"Hoy, umamin na kayo kung sino may pera pa dito. Pautang." Sabi ni Hyacinth na kinailing ko. She will only buy an alcohol, no doubt.

Nilapag ko sa table ang cake. Bumalik si Triya galing sa kusina na may dalang platito, maliit na kutsilyo at mga tinidor. Hiniwa naman nya ito.

"Hmm, damn. Hindi ko alam kung kailan ako huling nakatikim ng cake." Paglalasap ko sa tamis ng cake.

Inayos ni Triya 'yong box para hindi mahulog dahil puno na ang maliit na table namin sa daming nakapatong dito.

"Oh. May sulat." Agad kami napatingin sa sticky note na kulay green. Binigay sa'kin ito ni Triya, na kinagulat ko.

"B-Bakit?" Umiwas nalang sya ng tingin at nagpatuloy kumain. Wala namang pakialam 'yong tatlo. Binasa ko 'yong sticky note,

Good luck!

Ps; Reply please.

Tinignan ko 'yong phone ko at message nito.

To: Lady Mui.
From: Noisy Richard.

I will give you, one week. I will be back, don't miss me.

"Asus. Kinekeleg na 'yan." Inirapan ko nalang sila sa pang-aasar nila. Pero syempre hindi ko naman maitatangi na hindi sila tama. Slight lang, tsk.

Sweet Obsession Where stories live. Discover now