Chapter 10

236 31 0
                                        

ANOTHER day and another day na naman. Magiging tatlong linggo na akong nandito. Hindi ko nga alam kung nasaan at bakit ako nandito.

Literal na wala akong alam. Bahay nga siguro? Ewan, hindi ko naman pinapakialaman ang mga nasa paligid. Wala akong oras dahil inaalala ko ang sarili ko, ang mga naiwan ko sa labas

Gusto ko syang kulitin pero ang alam ko kapag magtanong ako, isang malaking delubyo ang darating. Women's instict, womens instict.

"Argh." Nagpaikot-ikot ako sa sofa, when I heard a chuckled. Agaran akong napa-upo.

"Calm down, my lady. I'm not gonna eat you." Sabi nya. Eat my shit, motherfucker. I noticed that how his eyes narrowed.

"My lady, alam ko kung ano ang iniisip mo kaya tigilan mo 'yan." Pumunta syang kusina para magluto ng kanyang pinamili.

Lumabas sya saglit pero agad ding bumalik. Wala akong pakialam kung paano nya 'yon nagawa! Kahit maghagis sya ng bomba, hindi ko sya papakiaalaman at tatanungin.

Pinagmasdan ko lang ang bawat kilos nya. Noong una nagulat ako nang sabihin nya sa'kin na magluluto sya. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya pero sinundan ko sya sa kusina.

And I'm regretting my decision this day. I fucking saw him wearing an apron! First time ko makakita ng lalaking nakasuot ng apron.

Syempre lakas ng appeal ng lalaking naka-apron 'no. Sino ba naman makakatanggi sa ganyan? Bukod sa puro babae kami sa bahay, wala pa akong nakakasama na lalaki. Sa tanang ng buhay ko.

His muscles bulge on the freaking apron! Pagkatapos nya talaga gamitin 'yan, itatago ko 'yan kung saan hindi nya makikita. Hindi sa naawa ako sa apron, na– ha? I'm jealous..? On the fucking apron?! Ahem, forget it.

Nahihilo na ako sa mga katangahang naiisip ko.

Dalawang araw nakalipas nang nakita ko syang nagsuot ng apron, simula no'n hindi ko na kayang tumingin sa kanya ng ilang minuto. Maswerte nga ng hindi nya napapansin 'yong kinikilos ko. However, lately, I'm aware that he's been observing my every move.

Yeah it's uncomfortable but...why do I stupidly loving it day by day?!

His eyes were simply glued on me. My soul is being swallowed by his gloomy, black eyes. For some reason, the mood and intensity are extraordinary.

The emotions are beyond my understanding. Every time he looks at me, beams with joy, whispers to me, and gives me a back hug and mostly when he's angry, his burning stares...

Ahhh, my body trembled imagining those things. I like...no, unconsciously loving it when he's angry. Pero alam ko na kapag sinagad ko na ang pasensya nya hindi na ako makakaback-out, kaya titigil muna ako sa ganto.

This is one of my dream, actually. This kind of men, shit.

"My lady! Where's the apron?" Rinig ko mula sa kanya. Ohhh, dumating na ang araw na 'to ah?

"Hindi ko alam! Bakit ako tinatanong mo kung ikaw ang nagluluto dyan?" Hindi na ako nakarinig mula sa kanya kaya bumalik ako sa panonood... pagi-imagine.

Speaking of, naalala ko kahapon na nabanggit na nya 'yong pangalan ko pero hindi ko pa sya natatawag sa pangalan nya.

Asshole, bastard, motherfucker, fucker, schemer, fool etc...hindi ko pala sya matawag ng matino kahit manlang isa. Argh, kasalanan din naman nya eh.

Hmm...I smell a plan hehe.

"Here you go." Paglapag nya ng mga niluto nya. Kahit di ko gustong aminin, first class ang gawa nya.

Agad akong kumuha ng adobo. Mas masarap pa ang kanyang gawa kesa kay Triya. Ngayong naisip ko ang mga babaeng 'yon, hindi ko pa pala sila natatawagan o nagte-text. Baka nag-aalala na ang mga 'yon.

Unti-unti akong nawalan ng gana na alam kong napansin nya agad. "Why? Is there a problem?" Tumayo sya at hinaplos ang aking pisngi.

Nakatitig lang ako sa adobo. "I'm worried." I answered. Isa narin doon kung kailan sya bibili ng apron, ahem.

"Worried? Your friends?" Tumango ako. May emosyong dumaan sa kanyang mata ng hindi ko napansin. Bumalik ang ngiti nya, "Dont worry, my lady. I already talked to them."

Agad akong napatayo na maling nagawa ko. Napatid ako sa paa ng lamesa dahil sa gulat. Nagulat din ang kaharap ko at agaran akong sinalo.

"Oh freaking juice!"

Kahit hindi pa ako nakakabawi sa gulat, I immediately hug him. My friends is the most important in my life. Kahit mga bruha 'yon at kinakahiya ko, nang hindi nila alam, sila pa rin ang importante sa'kin.

Kaya todo nalang ang saya ko nang malaman kong nakipagkita sya sa mga ito. Hindi ko sya kayang tanungin kong nagkaayos sila dahil hindi rin naman klaro ang relasyon namin ngayon pero kahit masabihan nya manlang sila, ayos na sa'kin 'yon.

Kung ano mang aksyon ang ginawa nya, hindi ko na sya tatanungin dito. Alam kong galit ang mga bruha sa kanya dahil sa nangyari ngunit nakipagkita parin sya sa mga ito. Dahil sa'kin, para sa'kin.

"Hey, calm down." Hinapit nya na naman ako sa beywang. His favorite position. "I already told them that you're safe and at my house. They are pretty furious. I'm thankful that I'm still alive. Lucky."

Tumaas ang sulok ng labi ko, mga bruha talaga. "Though I can't and will not, they insist on meeting you. They fought in the middle of the road whenever they would believe me or not. They even though in the middle of the road, clearly weren't sure whether to believe me. Pero syempre, naniwala sila, halatang labag pa sa loob." Dada nya habang natawa.

Nagawa ko nalang tumango habang nakatitig sa maaliwalas nyang mukha habang nagku-kwento. He did it for me...halos lahat ng ito.

Inhale. Exhale. Phew, kaya ko 'to. Maliit na bagay lang naman 'to, haa. Plano mo, aatrasan mo? No way!

"R-Richard.." I stuttered. It's unbelievable that I bit my tongue over a man's name, but I did it! "Napagdesisyu-" Hindi ko pa natapos ang isang pangungusap nang bitinin nya ako.

He used his lips to claim my lips and my mouth. My fucking mouth! This motherfucking asshole!

Sweet Obsession Where stories live. Discover now