HMPH. Ngayon, sumisilip na ang konsensya ko.
Naglalakad na kami papunta sa bar. Nasa likod pala ako napunta, na hindi ko alam kung paano.
Palapit na palapit na ang ingay. Pagpasok namin, maraming nagtinginan sa aming direksyon.
"Bro! Hahahahaha!"
"Nice blush-on!"
"Masyado makapal ang make-up mo, pre! Ahahahah!"
Typical na lalaki talaga. Isang gwapong lalaki. Sikat at kilala sya, ayon ang napansin ko. Ang dami nya namang kaibigan, halatang nanliliit tuloy ako
Dahil naman sa mga narinig, sinampal na ako ng konsensya. Hindi ko naman kasi alam na sikat pala sya, edi sana sa baba ko nalang sya ginantihan.
No, stop it, Mui! Stop imagining some violence.
Kahit madilim sa loob ng bar, kita ang mapulang pisngi ng katabi ko. Hindi ko makita ang mukha nya kaya hindi ko rin alam kung ano ang reaksyon nya ngayon.
Lumingon-lingon ako and lady luck is in my side, salamat talaga. Nakita ko ang isa sa mga babae na nagdala sa'kin sa gantong kapahamakan.
Nagdadalawang isip pa ako kung magpapa-alam ba ako sa kaharap ko o hindi. Well ang resulta...pumuslit agad ako bago pa may malaking mangyari.
Its a women instict.
"Mui! Girl!" Lakas ng radar. Agad nya akong inakbayan at hinila sa isang paikot na malaking table. Nandito nga silang lahat.
"Where the fuck did you go?! Alam mo bang kanina pa ako hanap ng hanap sayo?!" Hinapit agad ni Triya ang mga braso ko habang inaalog-alog. Halata namang tipsy.
"Hahahaha! Mui is a freaking mice!" Pag-toast ni Leaq, mulang-mula na ang mukha nya. Hindi ako natuwa sa sinabi nya.
"Arghh! Damn! I can't decide which of these cocktails is my most favorite!" Isa-isang ininom ni Hyacinth ang mga shot glass na nasa lamesa.
Halata rin na may tama na dahil lalagyan nya ulit ng laman 'yong shot glass tapos uulitin ang sinabi nya kanina, iinumin, tapos salin ulit, dialogue, inom.
Ako ang nahihilo sa ginagawa nya.
"Hmm. What's your name again? Valic? Valio? Oh..wait, that's the name of the man I met earlier in the bathroom. Oh well, I'm sorry? Hehehe." Paglalandi ni Lexy sa lalaking nakakandong sa kanya.
Kung magsos-sorry ka, lagyan mo naman ng kunting pagsisisi sa tono mo, hindi tonong nangangarap ulit ng round two.
Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko lagi tumabi sa kanila. Wala na pag-asa ang grupong 'to!
Umupo ako sa tabi ni Triya. Mas matino sya dahil tipsy lang kesa sa tatlong na nasa ibat ibang mundo.
"Nasaan kaba kanina? Ilang oras kitang hinanap dito. Alam mo ba ang dinanas ko?" Halata sa mukha nito ang pagdurusa.
Isa dahil makulit ang tatlo at sa daming naghahanap ng makakasama ng gabi daw, niyaya sya. Kaya nga nandito para mawalan ng problema o stress, dadag-dagan pa nga.
Ilang oras na ang nakalipas, nagsisimula na umikot ang mundo...paningin ko pala. Hindi ko alam kung nasaan na ang tatlo na tuluyan na nawalan ng mga katinuan. Habang si Triya ay bagsak na.
Tumayo ako na maling pagkakamali. Muntik na ako bumagsak pero nakuha ko agad ang balanse ko. Dahan-dahan akong naglakad at umiwas ng daan na masikip, lalo na ang dance floor.
Hindi ako makakatayo ng maayos kapag mapipi nila ako sa gitna, worst case, matutumba ako.
Narating ko nadin ang destinasyon ko. Ang comfort room. Naghilamos ako para mahimas-masan, pumasok nadin sa cubicle para sure.
Argh, ano ba 'tong ginagawa ko? Bakit nga ba ako nandito? Nakakulong nalang sana ako sa iisang kwarto eh! Nag-eenjoy ng me self ko at sa mga hobbies ko!
Haa, naisipan ko nalang lumabas. Pagkalabas ko palang, agad na may humila sa aking braso na kinagulat ko. Nakita ko nalang na nasa isang madilim na lugar ang pupuntahan.
Hindi lang isa kundi madami ang nandoon. Magbabarkada ata ang mga 'to. Mukhang ako ang target dahil ako ang hinila at iisang babae dito.
Tinulak ako sa pader ng humablot sakin. "Tsk." I clicked my tongue. Mas lalo lang ako nahilo sa lakas ng impact ko sa pader.
Mukhang mali ata ang mabiktima nila ngunit malas ko ngayon dahil sa ka-typsihan ko.
Humanda lang sa'kin ang mga babaeng 'yon. Iniwan ako na inosenteng madaling makakuha ng kamalasan.
![](https://img.wattpad.com/cover/302754556-288-k982328.jpg)
YOU ARE READING
Sweet Obsession
Romance[COMPLETED ✓] *** Hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa pagmamahal? Ang malagim na mga sekreto nga ba talaga ang sisira sa isang relasyon? A romance with a little twist. **** : The picture is not mine. CTTO. : April 27, 2022. May 6, 2022.