Chapter 27

30 14 0
                                    

ILANG oras nadin kaming nag-uusap, este one sided conversation dito kasama si mama. Hindi na ako makasingit kay mama dahil sa aura nya.

"...bakit napakapayat mo? Pinapakain ka naman nila Triya, diba? Iyong part time mo, ano na meron doon? Nandoon ka parin ba?..." Sa akalain kong patapos na, nadagdagan pa. I can see that idiot, smiling at my situation.

"Mom, I'm okay. Buhay pa naman ako at nakahanap pa ng love life." I just answered all of her questions para matapos na. Mom stared at me then suddenly sighed.

"Ang laki mo na, anak." Parang iiyak na ata sya kaya sinabi ko nalang dito na kumain na kami ng mga inorder namin. Baka lamigin dahil sa haba ng pinagsasabi nya.

At dito na pumasok si Richard sa usapan namin. Mom's pressuring him but he is still smiling. What a sadist.

"Mom."

"What is it?" Nakangiting tumingin sya sa'kin. Mukhang gumaan pakiramdam nito sa usapan nila ni Richard.

"M-May problema ba?" I drop the bomb. I know the reason why my boyfriend arrange this. Pero mamaya na kami mag-uusap, kami muna ni mama.

Moms pupil shake. She's hesitating. "Y-Yeah. It's your father, Mui." Hinawakan nya ang dalawa kong kamay. Mom's voice is shaky every time na magsalita sya.

"Our every day routine is fine until that day. Naglilinis ako ng bahay dahil may free time ako every time na uuwi ako ng bahay. Kasama naman doon ang kwarto namin. Tapos sa kasulok-sulokan, may naamoy ako pero naputol ang kuryosidad ko dahil nakauwi na ang papa mo. At no'ng sinubukan ko ulit hanapin 'yong amoy kinabukasan, wala na ito." I can feel that my mom is trembling. "It's weird, anak. Ang tatay mo ang pinamatapat na taong nakilala ko. Hindi sya nagsisinungaling sa nararamdamn, na akala ko hindi nito alam ang magtago ng sekreto."

I just lend my ears at my mom. "And? What happened after that?"

"Nawala ang papa mo. Akala ko may trabaho sya sa ibang lugar, hanggang sa tumagal 'yon ng buwan, doon na ako nagduda. Nakilala ko ang nakababata ko, nag-alala sya sa nangyari kaya nagkita kami ng personal. Naghanap ako kung may ebidensya kung ano yung naamoy ko doon pero kahit anong halungkat ko sa kwarto o bahay, wala akong nahanap , Mui. Pakiramdam ko may masamang mangyayari kapag hindi ko malaman ang tinatago ng papa mo."

"Naging weird ba ang kilos ni papa kada uwi nya?"

"O-Oo. One time before I found that smell, he is acting weird. Malalim ang iniisip na halos mahulog na ito sa hagdan. Tapos may binubulong sya pero hindi ko sya pinansin. Siguro stress na nakukuha nya sa trabaho, iniiwan ko sya mag-isa tuwing nangyayari 'yon. Bumalik din naman sa dati ng isang linggo, hanggang sa nakita at naamoy ko 'yon. He started being weird again. Mas naging malala sa unang beses na nangyari 'yon. Tapos bigla nalang sya nawala." Tumulo-tulo ang mga luha ni mama. Pinilit ko nalang sya mag-adjust at makinig sa sinabi nya.

Weird? The smell? Lumingon ako sa katabi ko na nakangiti parin sa lahat ng narinig. I feel like punching him for some reason. Naiirita at nanlalambot nalang ako minsan sa mukha nya.

But aside from that, naisip ko agad ang headless body na nadala nya sa bahay kaya naalala ko ang amoy na 'yon. I'm being weird dahil 'yon ang naalala ko sa mga sinasabi ni mama ngunit alam ko na hindi gano'n si papa.

He is kind and soft hearted big man. My dad taught me everything in the world. Lagi ko syang kasangga sa mga kasalanan ko na nagagawa kapag papagalitan na ako ni mama.

Dad can't harm someone and anyone. However, what is the scent that my mother notices? And what's my dad murmuring about? Anong nangyayari sa kanya?

Kumain kami ng dessert sa tahimik na paraan. Hindi ko maalis sa isipan ko kung ano na ang nangyari kay papa. Nasaan na sya ngayon? Kamusta na sya?

Hindi ako takot kay papa, lalo na ngayon sa sinabi ni mama. And I know my mom feels the same way as me. We are worried. Hindi kami 'yong tipong magdududa sa isang tao maliban nalang kung lumabas ito mismo sa bibig nila.

Kaya gano'n nalang ang kaclose ko dito sa katabi ko. Hindi sinungaling ang baliw na 'to. Richard isn't ready to share his secrets with me. Naa-appreciate ko naman dahil nagawa n'yang sasabihin sa'kin 'yon.

Although his behavior is strange, I don't doubt him. Except in my heart, which is mine, not his. Kahit ang weird nya sa 'collection' or headless body na 'yon, hindi ko sya magawang tanungin o pagdudahan dahil nasa genes nadin ito ng pamilya namin.

Ang pagiging mahaba ang pasensya. Hindi ang pagiging baliw din. One of the kind lang si Richard, unique sya. Kahit sa kanya nalang 'yan, wala pang aagaw sa kanya eh.

Ayos lang sa pamilya namin ang maghintay. Pero iba na ang usapan kung masagad na ang pasensya namin.

"Ayos kalang ba ma na umuwi muna sa bahay? Wala kang kasama doon." Ani ko kay mama. Umiling lang sya sa tanong ko.

"Kung umuwi sya ng wala ako doon, hindi ko alam ang gagawin ko. Basta ingatan mo ang sarili mo, Mui." She kiss my cheek then turn at Richard. "Alagaan mo anak ko ah. Pakainin mo narin para mabusog." Pilyo pa itong ngumiti na kinamula ko.

Tumawa lang ang siraulo.  I wonder whether he takes it personally. "Yes po. I would make her full na maisip n'yang hindi nya kaya na wala ako sa tabi nya."

"Nagbibiro lang naman ako hahahaha! You can buy a mighty glue at ng dumikit 'yang anak ko sa tabi mo." Tawa ni mama. She maybe thought na nagbibiro ang katabi kong nakangiti pero hindi 'yan, nako.

Niyakap kami ni mama bago umalis. Kumaway nalang ako sa kanya. Dahil sa lahat ng nangyari ngayong araw, gumaan ang pakiramdam ko kahit kaunti. Lalo na nakita ko si mama.

"Thank you for today." I peek a kiss, mukhang nagulat ito.

Hinalikan nya rin ako, syempre. Hindi 'yan magpapatalo. It's slow but I can see the affection on his eyes. Sapat na sa'kin na nasa tabi ko ang lalaking ito...

Sweet Obsession Where stories live. Discover now