Chapter 20

39 17 0
                                    

IN the name of mother Triya, I want to dig a fucking hole right now!

"My lady. Look at me." Kahit hindi ko sya nakikita, alam na alam kong nagpipigil syang tumawa!

"Y-You...you fucking jerk!" Agad akong tumayo at dumiretso sa kwarto nya. Nilock ko agad in case na pumasok sya...Well, papasok talaga sya, I can slowly grasp how that fuckers mind works.

At tama nga ako. Rinig ko ang pagkalikot nya sa doorknob. Hmph. Sige tumawa ka lang hangga't gusto mo. I can't blame him though. I fucking fainted for god sake!

Wala akong kaalam-alam kung anong dahilan! Kung bakit nangyari 'yon! Basta, kahihiyan agad ang nadama ko nang magising na ako!

Hindi talaga alam pero bigla nalang kasi nagblangko ang isipan ko at nandilim ang paninggin ko. Nagising nalang ako nang naramdaman kong hawak hawak nya ang kamay ko habang may nakakaasar na ngiti sa labi.

"My lady. Open the door."

Hinding-hindi ko talaga ito sasabihin sa mga bruha kundi ilang linggong asar ang mapapakain sa'kin ng mga 'yon!

Me? Fainted? The hell, it's super embarassing! Tapos sasabihin ko pa sa mga 'yon? I just passed out because that crazy person told me that he would eventually court me?!

"Please, my lady. I'm not laughing anymore."

Naiisip ko na naman ang nangyari kanina, umiinit na ulit ang ulo ko. Kanina, ako ang nagu-guilty pero nag-iba ata ang sitwasyon ngayon ah. Now the tables turn, you moron.

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto nya. Kahit ilang beses o pabalik pabalik akong pumunta dito, 'di ko pading maiwasang mataasan ng balahibo sa mga nakikita ko.

Parang sapat na ata sa mata at puso ko na kwarto nya lang ang puntahan ko. Hindi ko pa ata kayang libutin ang tinitirhan nya kahit nandito na ako.

May board pa nga na puno ng mga mukha ko na nakadikit. Shit, nakakasakit sa mata. I love my face seriously, pero hindi ko naman makakaya na makita ang pagmumukha ko kahit saan.

Sa kabilang pwesto ng kwarto may mga bagay ako na hindi ko alam at hindi ko nalalamang nandito pala.

"My lady, open the fucking door now. I'm warning you."

I glance at the cabinet. I feel more iffy in this cabinet, kesa sa mga nakikita ko sa kwarto. Hinawakan ko ang handle nito at...

Kasabay ang pagbukas ng pintuan.

"Fuck!" I can't help but to curse again!

"I warned you, didn't you, my lady?" I can feel his breath in my neck. Hindi agad ako maka-react nang pasanib nya ako hanggang sa hinagis ang katawan ko sa kama ng lalaking ito.

Matalim ko syang tinignan. "You're not a gentleman!" I shouted at him but he only slightly laughed. Richard, the crazy bastard...

Umiling-iling sya habang pinagmamasdan ako. "I'm still gentleman in this state, my lady." Gentleman my ass.

Tumalikod sya at sinara ang cabinet na naka-awang. Kung hindi nya lang ako binuhat, makikita ko sana ang laman ng cabinet na 'yon.

Richard look at me then weirdly smiled. Anong ngini-ngiti nya? Lagi syang ngumingiti, yet, there's something strange about his smile right now.

Or I just miss it? ...Oh ghod, anong meron sa'kin?! I miss his smile? His dark aura? Ilang oras ko lang syang 'di nakitang ngumiti dahil sa nangyari sa kusina pero sa gano'n katagal na oras sinasabi kong namiss ko agad ang ngiti nya?

"I don't know what you're thinking right now, my lady, but we will discuss something serious." He said.

Umupo ako sa kama habang nasa dulo sya. Buti nasa dulo sya kundi masasampal ko sya ng wala sa oras. Akala nya makakalimutan ko ang panga-asar nya sa pagmumukha ko kanina ah...pero,

"Ano 'yon?" Agad kong tanong. Hindi sa curious ako ah...kinukutuban lang ako sa ngiti nya ngayong oras na 'to.

Tumabingi ang ulo nya habang mariing nakatingin sa'kin. "My courting to you." Ohh, the courting...wait.

"..." I can't talk. I am so shocked by what he said that I am unable to speak.

His mouth is covered, but his shoulders are trembling. Richard turned to face me after wiping his eyes and says, "My lady, answer me." Takip-takip nya pa rin ang kamay nya sa kanyang bibig.

"D-Dont say..." Hindi ko masabi ang salitang courting dahil sa pamumula ng mukha ko. At kapag magsalita pa ako, makakagat ko talaga ang dila ko!

"Hm? What is it?"

Nage-enjoy ang lalaking ito sa sitwasyon ko ngayon pero hindi ko sya magawang mapatulan dahil sa dila kong makakagat ko ano mang oras. Blangko rin ang isip ko. Ahh!

Dinaan ko ang lahat sa mahinang pag-ubo. "T-The c-courting word...fuck." I cussed under my breath. Couldn't help it! His shitty irritating smile is visible on his face!

"However, I shall court you, my lady. It doesn't matter if you don't like it or hate it." Diniin nya sa mga sinabi nya.

Dati gustong-gusto kong magkaroon ng label, ahem, k-kami...kahit hindi ko itatanggi...sa panliligaw lang. Ngunit ngayong nandito na, pwede pa ba magback-out...?

I have a feeling that something strange is about to happen.

Sweet Obsession Where stories live. Discover now