Special Chapter: Diary

39 7 0
                                    

November 20, 20**

Hindi ko alam kung bakit ko naisipang gumawa ng diary. Sa pagkakaalam ko, dahil sabi ng mga teacher ko, dito mo isusulat ang pang-araw-araw mong pamumumuhay.

Wala namang importante sa'kin dahil laging nag-aaway sila Mommy at Daddy. Ang dati naming buhay ay nawala, hindi ko alam kung bakit. Bakit sila nag-aaway? Bakit hindi agad sila nagkakabati?

Diba gano'n 'yon? Sabi ni teacher, pagnag-away daw kailangan magbati agad at magpatawad...

Pero bakit hindi nila ginagawa 'yon? Hindi na rin ako pinapansin nila Mommy at Daddy. Wala na akong kasama, pero okay lang dahil nasa tabi ko pa sila.

November 26, 20**

Masakit. Hindi ko nalang ito pinapansin dahil alam kong mahal padin nila ako. Nagbago na sila Mommy at Daddy...hindi na sila ang Mommy at Daddy ko. Nasaan sila? Sino ang mga kasama ko?

Sa una, nag-aaway sila hanggang dumating na ito sa punto na tuwing makikita nila ako, dadaan man o tatawagin, sasaktan na nila agad ako. Si Mommy o si Daddy, sinaktan nila ako parehas.

Hindi naman ito ganito. Gaya ng mga tinuturo nila teacher sa school. Sino ang mali? Sino ang sinungaling? Hindi naman sila Mommy at Daddy, diba?

Mahal nila ako at alam kong importante ako sa kanila, kaya dinidisplina nila ako. Ito ang sinabi ni Mommy nang subukan ko syang tanungin, at sabay sinampal nya ako.

January 30, 20**

Malamig. Ngayon, kinulong nila ako sa aming ref. Hindi raw ako nasunod dahil kumain ako ng isang mainit na tinapay kanina. Nahuli ako ni Daddy, kaya kinulong nya ako dito sa ref.

Hindi ako nagpumilit, dahil gusto ko maging good boy para kila Mommy at Daddy, sinunod ko sya ng hindi umiiyak. Gusto ko kapag nakalabas na ako sa dito, tatawagin nila akong good boy pero hindi pala...

Nagugutom na ako. Masakit ang buo kong tyan. Umalis sila Mommy at Daddy, hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Alam kong hindi na ako makakain ng ilang araw dahil ang huling beses kong nabilang ay isang linggo na silang nakabalik.

At gutom na gutom ako.

Wala akong ginalaw sa mga pagkain sa bahay, kinukulong lang nila ako minsan sa cabinet o kwarto. At walang akong pagkain. Nami-miss ko na sila Mommy at Daddy...nasaan na kaya sila?

April 17, 20**

Naguguluhan ako. Bakit ito ginagawa nila Mommy at Daddy sa'kin?

Isang araw, nakita ko ang kapitbahay namin. Ang kalaro ko ay malawak na nakangiti habang napapagitnaan sya ng kanyang mga magulang. Napaisip ako...

Bakit sya lang? Bakit sya lang ang nakangiti? Gusto ko rin ngumiti, kasama sila Mommy at Daddy. Dati, ganyan din kami pero bigla silang nagbago. Nasasaktan ako, pero okay lang. Happy ako na nawawala ang galit nila sa tuwing pinapagalitan nila ako.

Natutulungan ko sila sa gantong paraan.

Narinig ko ang isang tunog sa aking utak. Hindi ko alam kung saan galing pero hindi ko na 'yon inisip pa, at tinignan lang ng mabuti ang aking nakita. Nasilayan ko ang kalaro ko, magisa syang naglalaro.

Sweet Obsession Where stories live. Discover now