02.

131 8 0
                                    

I watched my 5 year old daughter eat her breakfast. Natutuwa ako dahil maganang kumain ang anak ko at hindi mapili sa pagkain. Mabuti na lang at kinakain niya kung anong ihain. That's what Raijin taught her. Kahit anong pagkain ang nakain sa mesa, biyaya pa rin kaya dapat hindi binabalewala.

Ang malamig na hangin mula sa bintana ng kusina ay sapat na para hindi siya mainitan. Panaka naka ang pagsulyap ko sa kanya para punasan ang pawis niya.

Napabuntong hininga na lang ako at naaalala ang kuryente namin. Si Kim ang kawawa, eh. Hindi rin makatulog nang maayos sa gabi dahil sa init.

Dapat talaga makabitan na ng kuryente. Kakausapin ko si Raijin tungkol dito. Baka pwede kaming makikabit sa panibagong linya para naman hindi na ganito.

"Kanin pa, baby?" Tanong ko nang mapansing paubos na ang kanina niya pero may ulam pa. I smile when she looks up. Her cheeks are filled with her food, making her look like a hamster. An adorable hamster.

She nodded her head before smiling at me. Magana siyang kumain muli matapos kong lagyan ng kanin ang plato niya.

The sound of door opening surrounds the kitchen. Napangiti ako at nilingon ang pintuan. Naroon ang asawa kong kakapasok lang. May bitbit siyang plastic at agad niyang tinanggal ang cap na suot at hinawi ang buhok.

"Papa!" My eyes widened when Kim ran toward her father. Raijin's eyes widened when he saw our daughter. Pero, agad ding napalitan ng ngiti ang gulat niyang ekspresyon. Naupo siya at sinalubong ang anak na agad yumakap sa kaniya.

"Hello, anak kong maganda!" Masiglang bati niya at pinatakan ng halik si Kim sa pisngi. My daughter giggled, making me shook my head and smile.

"Come on, baby. Continue your food, Papa will go eat with us, okay? Papalit lang siyang damit," saad ko ska lumapit sa kanila. Jin stood up while carrying Kim in his right arm. Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Here, Darling. I bought what we need," sabi niya kaya mabilis kong inabot ang plastic na bitbit niya at naglakad pabalik sa kusina kasunod silang dalawa na nagkukulitan pa.

"Babe, change your clothes. Baka matuyuan ka ng pawis. Mainit pa naman dahil wala tayong kuryente," sabi ko at nilingon sila. Kim is now back on her seat and Jin walks towards me. Lumingon ako para kumuha ng bimpo pamunas sa pawis niya.

"Maraming tao sa palengke?" Tanong ko habang pinupunasan ang noo niya. He leaned down so I could reach him and wipe his sweat properly.

"Maraming tao..." he said with his eyes closed.

"Done, change your clothes. Kain na tayo," sabi ko bago pinatakan ng halik ang pisngi niya at bumalik sa upuan ko. Nilingon ko ang anak kong tapos na palang kumain.

"Done ka na?" I asked Kimberlich who nodded at me.

"Opo, Mama! Done!" Aalalayan ko pa lang siyang bumaba ng upuan nang bumalik na ang asawa ko at siya na mismo ang bumuhat kay Kim pababa.

"Wow, you eat a lot! Very good ang baby namin na 'yan!" Nakangiting sabi ni Jin na agad nagpahagikhik kay Kim.

"Nakatatlong sandok ng kanin 'yan," sambit ko. Jin's eyes widened and he looked at our daughter while giving her a thumbs up.

"Very good! You should always eat well and eat more food so, you'll be healthy. Okay?" Pinanood ko kung paano kausapin ni Jin si Kim.

His eyes are full of adoration and love for her. The way he looks at our daughter is magical. It seems like Kim is his biggest blessing. I smiled and silently grabbed my phone from my pocket. I opened my camera app and captured the beautiful moment.

"Mama, come here. You should include yourself on the photo too." Nanlaki ang mata ko nang magsalita si Jin nang hindi man lang ako tinitingnan. He smiled and reached out his hand before looking at me.

"Come on, darling. Let's take one more photo," he smiled and urge me to come near them. Napangiti ako at tumayo para maupo sa kabilang side ni Kim. Jin took my phone and I carried Kim on my lap before scooting closer. Jin's arms wraps my shoulder. Niyakap ko naman ang anak ko bago ngumiti sa camera.

Raijin counted before he pressed the capture button and once again, a beautiful memory was created.

Eksaktong ala sais nang paliguan ko si Kim. Mabilis lang naman siyang maligo at mabilis lang ding ayusan. Para rin mapreskuhan siya.

It's 7 in the morning when we brought Kim to pre-school. Sabay namin s'yang inihatid ng Papa n'ya. I smile when I remember how excited Kim is. Akala namin, mahihirapan kaming umalis at iwan s'ya sa school but, she said she's a big girl na raw kaya hindi na s'ya iiyak kapag iniwan sa school.

How brave and adorable our little princess is.

Nang makabalik, nagsimula na akong maghanda para sa araw na ito. I have an online shop where I sell some pastries. My husband is helping me with this and glad, our products are loved by the people. Ipinapadeliver namin iyon sa mga food riders dahil ang ibang customer ay galing pa sa kabilang siyudad o di kaya naman ay malayo sa amin.

We started with nothing. Noong una ay halos wala talagang bumili ng gawa namin pero di kalaunan, nagbunga iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. Raijin tried endorsing the product of ours sa social media and it gained thousand likes. Hindi ko tuloy alam kung gusto talaga nila 'yung binebenta namin o gusto lang nilang makipaglapit sa asawa ko.

Pero despite that, I'm happy. We are happy. Customers should be serve right. If they cross the line, doon lang ako magagalit.

"Darling, have you talked to Leisheen or my brother?" Raijin suddenly asked while he's baking the cupcakes. Napalingon naman ako at agad napakagat labi. Why is my husband so hot and handsome? Take note, he's just wearing a white plain shirt and apron but he looks edible.

Oh shit. Stop that, Erich. Your husband is being serious here!

I sighed. "I talked to Leisheen last week. She sent me photos of Vanessa and their newborn, Leisarus." Napangiti ako nang maalala ang pamangkin. Napaka-cute, kamukha ni Victorious si Vanessa at kamukha naman ni Leisheen si Leisarus.

"Really? Show me what my niece and nephew look like," excited na sambit niya. Mabilis kong kinuha ang phone ko sa bulsa at hinanap ang litratong sinend ni Leisheen at ipinakita ko 'yon sa kaniya.

"Ohh, what an adorable baby! Kamukhang kamukha ni Sheen at bro!" nakangiting sabi niya.

Sabay naming ginawa ang mga pastries na ibebenta. Nagningas pa kami sa labas para makagawa dahil nga walang kuryente at hindi namin magagamit ang oven. Inabot pa ng higit isang oras bago tuluyang napaapoy. All in all, maayos naman ang naging paggawa namin ng pastries. Sinuguro namin na tama ang limit ng apoy para hindi masunog.

Usually, ala una ng hapon kami nag-oopen or nagrerespond sa mga customer online. Napili naming oras 'yon dahil ala una ay naghahanda kami ng maibebenta. Kapag sumapit ang alas dos, maari nang magdeliver para sakto sa meryenda. Kapag pumatak ang alas syete ng gabi ay hindi na kami nagdedeliver dahil sa mga oras na 'yon ay pahinga na. Nagte-take note na lang kami ng mga order para maihanda kaagad kinabukasan.

This is our simple life. In our province, with my family. Just Raijin and I making our business and Kim enjoying her childhood.

But, who would have thought that it'll be ruined?

Where Eternity Begins (SOW #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon