10.

100 6 0
                                    

Our princess won a lot of prizes kaya tuwang tuwa sila ng tatay niya habang pauwi kami matapos ang event. Aktibong aktibo silang dalawa sa pagsali at ako'y taga-cheer at tagakuha ng litrato at video sa kanila.

"Mama, here po!" Napalingon ako sa anak ko at nakita ang isang plastic ng marshmallows na kasama sa napanalunan niya kanina nang sumali sila ng tatay niya sa chubby bunny challenge na nilaro.

I smiled. "You're giving it to Mama?" Nakangiting tanong ko. Kim giggled and nodded before looking up at her father who've been watching us.

"Me and Papa won this po and I wanna share it with you, Mama," sabi niya kaya wala na rin akong nagawa kung hindi kuhanin ang pack ng marshmallows.

I pecked a kiss at her cheeks. "Thank you, baby."

She giggled. "Welcome po! Si Papa po, walang kiss? Nag-play rin po siya tapos nanalo rin po siya kaya dapat po may kiss rin si Papa."

I heard Jin's chuckles at nang lingunin ko ay nakangisi na ito sa akin at may pataas baba pa ng kilay, halatang nang-aasar.

"Napagod po si Papa sa games, Mama eh kaya kiss niyo po si Papa para mawala po pagod niya!" Napailing na lang ako at pinatakan ng halik si Jin sa gilid ng labi. His eyes went wide before he lifted Kim to his arms.

"Whoo! Recharged na si Papa, anak! Halika na!"

Nagpatuloy kami sa paglalakad pauwi ng bahay. On our way, nagpabili pa si Kim ng jollibee kaya dinaanan pa namin. Magkakahawak kamay kaming pumasok sa fast food. Agaw pansin kami dahil sa masasayang sigaw ni Kim habang palapit kami sa counter.

"Anak, dahan-dahan," sambit ko nang hilahin niya kami at bahagya na siyang tumatakbo. I heard Jin chuckled kaya nabaling sa kaniya ang tingin ko.

"Let her. She seems very happy. She's pretty when she is happy," nakangiting aniya habang ang mata ay nakatuon sa aming anak na nakatingala at malawak ang ngiti.

"Yeah, happiness suits her and we shouldn't let that smile of hers fade."

Nang makabili ng take out, umuwi na kami kaagad para makakain at makapagpahinga na rin. Mabilis na tumungo si Kim sa kwarto niya para magpalit ng damit, maging si Jin ay gano'n din. Ako ay dumiretso sa kusina para ayusin ang take out namin.

I prepared our plates and utensils while waiting for them. Mabuti at rice meals ang binili namin kaya makakakain kami kaagad. I open our fridge and grab the pitcher of juice before settling it on the table.

"Yey! Kakain na!" Napatingala ako at agad gumuhit ang ngiti sa labi ko nang makita ang anak kong nakapagbihis na. Nasa likuran niya ang amang bagong bihis rin. Agad nagtama ang paningin namin at kumindat pa ang loko.

"Darling, why don't you change your clothes first?" He went near me and grab my hand. "Come, change your clothes nang makakain na tayo," saad niya kaya wala na rin akong nagawa dahil inihatid pa niya ako sa kwarto namin.

I was about to take off my top when I notice him, still standing there.

Napataas ang kilay ko. "Oh, bakit nandiyan ka?"

A smirk form in his lips. "To watch a live show? Come on, change your clothes and I'll gladly watch you," nakangising sambit niya kaya mabilis kong hinablot ang unan sa kama at binato sa kaniya.

"Bumalik ka na nga doon! Samahan mo si Kim!" singhal ko kasunod ng pagtawa niya.

"Patingin lang eh."

"Tse!"

After I changed my clothes, dumiretso na ako pabalik sa kusina at naabutan ang mag-ama kong magkaharap doon at may kung anong nilalaro. Raijin and Kim are playing thumb war. Natawa ako nang makita kung gaano kalaki ang kamay ni Jin habang hawak ang kamay ni Kim.

Instead of going near them, I remain standing in the doorway, watching my two babies laughing and playing together. I don't have the heart to ruin their moment.

"If Papa wins, you will kiss mama when she's done changing, okay?" I heard Jin negotiated. Natunaw ang puso ko nang makita ang pagtango ng anak ko habang malawak ang ngiti.

"If I win po, you will kiss mama!" My daughter retorted.

Napailing ako nang makita ang mapaglarong ngisi ni Raijin.

"Gladly, princess."

They started playing their and I stood up properly, pretending that I didn't see nor heard anything they say.

"What are you two playing?" Tanong ko at pinatakan ng halik ang ulo ni Kim bago naupo sa kaniyang tabi.

"Thumb war. The winner will receive a very priceless gift," Jin answered. I tried to hide my smile and just nodded, watching them play.

Habang naglalaro ay isa isa kong nilagyan ng kanin at ulam ang bawat plato namin. Hinimay ko na rin ang manok para kay Kim nang marinig ko silang sumigaw kaya napalingon ako.

"Why?" takang tanong ko pero pareho silang nginisian lang ako. Naguguluhang tiningnan ko sila nang hilahin ni Kim ang braso ko kaya bahagya akong napatungo bago ko naramdaman ang halik sa pisngi ko.

"Mwa!"

My heart melted when I realized Kim just kissed my cheeks. Lumawak ang ngiti ko bago tumingala kay Raijin na tahimik na nanonood. Nasalubong niya ang tingin ko bago siya tumungo at humalik sa noo ko kaya sobra sobra ang pagkabog ng puso ko dahil sa kasiyahan.

God knows how much I thank Heavens for giving me this lovely family. Isa lang naman ang hiling ko at 'yon ay ang manatili kaming matatag. Manatiling matatag ang pamilya naim at manatiling nagmamahalan.

Sa panahon ngayon, maraming bata ang nagdudusa dahil sa broken family dahil na rin sa kanilang magulang o sadyang dahil sa sitwasyon. Ayaw kong maranasan 'yon ni Kim kaya hangga't kaya, lalaban ako para sa pamilya.

"I love you po, Mama and Papa kl! Thank you po sa pag-aalaga sa akin po! Thank you po kasi hindi ka po nagagalit kahit makulit na po ako. Love na love ko po kayo!" Kim's word melted my heart. Pati pagluha ay hindi ko na napigilan. Niyakap ko ang anak ko at pinugpog siya ng halik sa mukha niya.

"I love you, anak," bulong ko bago balingan ang asawa kong nakangiti na rin. Iniangat ko ang braso na agad niyang nakuha. Umusog siya ng bahagya at niyakap kaming dalawa. He planted soft kisses to my forehead and Kim's forehead.

"Oh God, I love you. I love you, I'm glad you two came to my life."

I'm glad too, my love. Maybe, more than glad.

Where Eternity Begins (SOW #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon