I turned around and sighed, wiping the sweat on my face. Bahagya kong iminulat ang mata ko para silipin ang anak kong mahimbing na natutulog. Sunod kong tiningnan ang asawa ko na pawisan na rin at kunot ang noo habang nakapikit.
Napabuntonghininga ako at inangat ang kamay ko at pinaypayan sila. Pumikit ako para makatulog pero ang kamay ko ay tuloy ang pagpaypay. Nang mangalay ay sandali kong itinigil ang pagpaypay at maya maya'y itinuloy kong muli.
"Darling?" I heard Jin's sleepy voice. Bahagya akong nagmulat para silipin siya. Nakatagilid siya at nakaharap sa amin. Sa aming gitna ay ang anak na mahimbing ang tulog.
Mabuti at nakakatulog siya.
"Hmm, bakit?" Tanong ko habang patuloy ang pagpaypay.
"Nakatulog ka na ba? Give me that. Ako na ang magpapaypay, matulog ka na." Umiling ako at nagtuloy sa pagpaypay habang nakapikit. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Raijin at naramdaman ko na lang ang marahang hawak niya sa kamay ko at ang unti-unting pagkalas ng pamaypay mula sa hawak ko.
"Jin..." reklamo ko pero umiling lang siya at bumangon at sumandal sa pader bago kami balingan.
"Matulog ka na. I got enough sleep and you did not. 'Wag nang matigas ang ulo, matulog ka na. Papaypayan ko kayo," sabi niya.
Binalingan kong muli ang anak ko at nakita ang buhok niyang nakasabog sa unan. Sinakop ko 'yon para itali. Pinunasan ko ang likod niya na may pawis na rin pala. Bago ko bahagyang tinapik tapik ang binti niya para makatulog.
"I talked to Kuya Eli. Sabi ay baka daw next week pa ang balik ng kuryente." Napabuntonghininga ako ulit.
"Hindi pa rin nakakabayad sina Mang Lando?" Tanong ko habang nakapikit.
"Hindi pa, malaki ang bill nila. Umabot ng apat na libo. Kahit naman may pambayad tayo at bayaran natin, hindi pa rin daw makakabitan dahil wala pang pambayad ang kapitbahay. Ayon ang sabi ni Kuya Eli sa akin."
Kaninang umaga lang kami nawalan ng kuryente. Kinausap namin ni Raijin si Mang Larry na siyang kinakabitan namin ng linya ng kuryente dito sa bahay. Nasabi sa amin kung magkano ang bill namin at akala ko ay okay na pero nang sabihin niyang malaki ang bill ng kapitbahay naming sila Mang Lando, hindi rin kami nakapagbayad. Useless din kung magbabayad kami dahil hindi pa rin makakabitan.
"Sleep now, darling." Tiningala ko si Jin na nakasandal sa pader at nakapikit. Napahinga ako nang malalim bago siya inabot. Napamulat siya at napatingin sa akin.
"Mahiga ka, mangangalay ka n'yan," sabi ko. Wala siyang imik na humiga.
"Inaantok ka pa yata eh. Matulog ka na rin," sabi ko habang pinupunasan ang pawis niyang nasa noo niya.
I smile when I saw him staring at me. Kahit kandila lang ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto, nakikita ko pa rin kung gaano kagwapo ang asawa ko.
"Darling, why are you smiling? Hmm?" Tanong niya habang hawak ang kamay kong bumaba mula sa noo papunta sa pisngi niya. Pinanood ko ang paghalik niya dito kaya mas lumawak ang ngiti ko.
"Masaya lang ako," sagot ko na nagpakunot sa noo niya.
"What makes you happy?" Tanong niya at tumitig sa mga mata ko. Nagdaan man ang taon, hindi pa rin ako nagsasawa sa magandang mata niya. Palagi kong gustong titigan ang mata niya.
Ang mata niyang tumitingin sa akin na parang ako ang pinakamagandang babae para sa kaniya.
Sa mga mata pa lang niya, may assurance na ako kaagad. Ang paraan ng pagtitig niya ay walang katumbas. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano niya ako kamahal at ang anak namin.
BINABASA MO ANG
Where Eternity Begins (SOW #4)
RomansSeries Of Wheres #4 - They have been living together and loving each other for years. Raijin Anderson and Ericianna Calvez-Anderson thought it's already had a happy ending but, no. Moving to her province with her family, they both started their mar...