20.

172 8 0
                                    

Laking pasasalamat ko dahil wala nang tao nang makauwi ako. Ate and Kuya left and it made me relief. At least, malaya akong magwala o umiyak nang walang pinag-aalala.

I walk towards the kitchen and saw the mess gone. Ang kaninang nakalat na kusina ay malinis na at sa palagay ko, si Ate Daniella ang naglinis noon bago sila umalis.

I left the kitchen and went to the room. Not at our shared room but to my daughter's room.

Pagbukas pa lang ng pintuan, agad akong naluha nang maamoy ang bango ng kwarto. Dahil sa amoy ay naalala ko na naman ang anak ko. How she'll go to our room early in the morning to wake us up and hug us. How she'll sing some of her favorite songs while preparing for school. How she'll ask us to sleep with her.

Lahat 'yon, gusto kong maranasan ulit.

"Anak..." I weakly said while caressing my stomach, where my other child is. "M-mahahanap natin ang Ate mo, d-diba? M-mahahanap natin 'yun," I chuckled despite the tears.

"Hindi tayo iiwan ng Ate mo."

Night came at halos wala akong ganang tumayo at kumilos para makapagluto. Buong maghapon akong nag-stay sa room ni Kim at nakaidlip pa ako doon hanggang sa marinig ko ang pagbubukas ng pintuan sa labas.

Napangiti ako nang mapait. By the sound of footsteps, alam ko na agad.

Now, he went home, huh?

Bumukas ang pintuan ng kwarto ngunit nanatili akong nakaupo sa kama at sinalubong ang tingin niya. He stood there for a minute before entering the room and closing the door.

"Walang pagkain?" He asked.

Huminga ako nang malalim. "Wala akong ganang magluto," malamig na sagot ko. He pressed his lips and sighed before facing me.

"What you did earlier..." He started and as I stare at him, my mind started to fill with questions.

Ito pa rin ba ang Raijin na kilala ko?

Why does he seems like he isn't happy to see me?

Why did he chose to turn back instead of crying with me?

Why is he with her?

"Ano? Mali 'yung ginawa ko? 'Yon ang balak mong sabihin?" Tanong ko at tumayo bago inayos ang kumot at unan na ginamit ko.

"Hana told me that you attacked her the moment you entered the office. Anong ginagawa niya para gawin mo 'yon?"

Hindi makapaniwalang napatawa ako at humarap sa kaniya. My heart is breaking yet, I manage to flash him a smile.

"Ah, so now, siya na ang pinaniniwalaan mo? Eh, bakit hindi ka na lang umalis dito tapos pumunta ka sa kaniya? Tutal, mukhang sawa ka naman na sa akin eh," tugon ko at nakita ko ang pagpikit niya sa inis.

"I told you already! She's a business partner! Hindi ka ba makaintindi, ha?"

"Ikaw ang hindi makaintindi, Raijin!" Sigaw ko. Nagulat ako sa taas ng boses ko pero hindi ko na pinansin. Ngayon, nagsasabay sabay na ang emosyon ko. Galit, inis, tampo, sakit, selos... lahat na.

"Hindi mo maintindihan na business partner mo lang siya! Pero, bakit hinahayaan mo na gano'n?! May asawa ka ah! Bakit hinahayaan mong lapitan ka nang gano'n kalapit?!" Tumulo ang luha ko dahil sa halo-halong emosyon.

"Imbis na umuwi ka, mas pinili mong manatili doon! Imbis na umiyak ka sa akin, mas pinili mong kasama siya doon! B-bakit ganiyan ka?! Si Raijin ka pa ba? Ikaw pa rin ba 'yung asawa ko na nangakong hindi ako iiwan kahit anong mangyari? Kasi pakiramdam ko, wala na 'yon! Naiintindihan ko naman na nasasaktan ka! Nagluluksa ka! Pero, ako ba hindi?!" Sigaw ko bago mapaupo sa kama dahil sa panghihina ng binti ko.

Where Eternity Begins (SOW #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon