19.

115 7 0
                                    

Tahimik ang hapag kaya pabalik balik ang tingin ko kay Ate at Kuya na pareho ring nakatingin sa akin. Hindi ko na ring magawang magtanong at nagdesisyong ituloy na lang ang pagkain ko.

Humigop ako sa sopas na iniluto ni Ate Daniella at agad napahinga nang malalim nang gumuhit ang init nito sa lalamunan hanggang a sikmura ko.

"Gusto mo bang initin ko 'yung pancit na hindi mo nakain kagabi?" Ate asked me and I felt my eyes twinkling. Mabilis akong napatango na ikinatawa niya. Tumayo si Ate at pinainit ang nasabing pancit habang ako ay tuloy sa pagkain ng sopas.

"Nakakatuwa na ang takaw mong kumain. Dati rati ay mapili ka sa pagkain pero nang mapangasawa mo si Raijin, halos lahat ng pagkain, kinakain mo na dahil mahilig magluto ang asawa mo," Kuya chuckled afterwards. I remain looking at my food.

"You remember when Raijin surprised you on your birthday noong college kayo? Malungkot ka kasi akala mo walang nakaalala ng birthday mo tapos hindi nagluto si Mama. But then, Jin came and surprised you kahit kakatapos lang ng exam niya. Hindi na siya umuwi sa kanila at dumiretso na lang sa bahay noon para surpresahin ka." My lips quivered in sadness, thinking about the happy memories.

"Raijin even begged us to let him court you. Hindi mo man alam noon, kinakausap niya kami para alamin kung anong mga gusto mo at kung anong ayaw mo. Sa lahat ng nagkagusto sa 'yo, si Raijin lang ang hinangaan ko." I took a deep breath and tried stopping the tears from falling but I failed.

"Ngayon, hindi ko alam kung nasaan siya at kung bakit wala siya sa tabi mo gayong nawawala ang anak niyo. Pareho nating alam na hindi lang ikaw ang nasasaktan, sis. Your husband is miserable too and I think, it's time for you to go after him. Find him and comfort him. Cry with him. Hindi ka matitiis noon."

I cried more thinking all the sacrifices and efforts Jin made. Sa mga taong nagsasama kami, halos si Jin ang nag-eeffort. Kahit pagod siya noon sa pagre-review, bibisita siya sa akin para tulungan din akong mag-aral. Noong graduation, imbis na mag-celebrate kasama ang kapatid at pamilya niya, sa akin siya pumunta. He always chose me. He's always running after me.

And I never noticed that not until today.

Madalang ang effort ko sa relasyon namin dahil si Raijin ang madalas mag-effort. Ngayon, nasasaktan at sinisisi ni Jin ang sarili niya, imbis na damayan ko, nagmumukmok ako dito. Imbis na sabay kaming iiyak, mas pinipili kong hayaan siya.

Bakit ako nandito? Dapat kasama ko ang asawa ko. Dapat sa akin siya umiiyak.

"Nasa restaurant si Jin. The restaurant he built for your business."

Unang beses kong makita ang restaurant na ipinagawa ni Jin. Nagplano kaming bumisita ng magkasama dito kasama si Kim. Pinlano namin na bago umuwi galing mall ay dadaan kami pero... hindi nagawa dahil may nangyari.

Huminga ako nang malalim at pinasadahan ng tingin ang resto. May kalakihan ito at hanggang second floor. May terrace pa at mga halaman.

The whole interior brings a relaxing atmosphere. Glasswall ang nakapaligid at double doors ang gamit na pinto.

I sighed and walk towards the door. Napaangat ako ng tingin nang tumunog ang bell na nasa itaas. Inilibot ko ang paningin sa buong restaurant at napangiti nang makitang marami nang kumakain.

I guess, the restaurant is already open to all. Hindi na nagpa-ribbon cutting. But nevertheless, I'm happy because I could see that people loves the restaurant. May nakikita pa akong bulletin board sa gilid kung saan may mga feedbacks ang mga customer.

Naglakad ako palapit doon at naupo sa upuang malapit. I read each feedback and smiled when I saw that almost all are compliments.

'The food is really great! Babalik-balikan!'

'Swerte ko, nakita ko itong bagong bukas na restau! Worth it! Sobrang sarap ng mga pagkain!'

'Hands down for the chef of this menus! Sobrang galing!'

The feedbacks and compliments went on and on.

I stood up and went to his office. I was shocked when the staff knows me and even let me in. I smiled and thanked them before sighing and knocking on the door.

I waited but no one opened the door. I tried once again and this time, I noticed that the door is open so, I took a deep breath and proceed to enter.

Pagbukas ay bumungad ang floor to ceiling glass wall na tanaw ang labas. I roamed my sight around and smile when I saw how comforting and relaxing his office is.

But, where is he?

Nakarinig ako ng kalabog kaya mabilis akong napalingon sa kanan at doon ko nakita ang hindi ko inaasahan.

My husband is sleeping on his swivel chair but... a woman is straddling him.

Nabato ako sa kinatatayuan ko at nanatiling nakatitig sa kanila.

My husband is peacefully sleeping while the woman... that fucking woman is touching hin from his neck to arms and chest.

"Putangina," bulong ko at agad nandilim ang paningin ko nang subukan niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ng asawa ko.

Wala sa sarili akong nagmartsa patungo sa kanila at walang habas na hinatak ang babae. Nanlaki pa ang mata ko nang makilala kung sino ang walang hiyang babae.

"Ms. Hana Villareal." I gritted my teeth in anger.

Umayos siya ng tayo at pinagpagan ang damit niya bago humarap sa akin.

"Oh, fancy seeing you here... Mrs. Anderson." Mas nag init ang ulo ko sa pagngiwi niya nang banggitin ang huling mga salita.

"Oh well, yes, it's me, Mrs. Anderson," I said, emphasizing my title. "So, anong ginagawa mo at nakadikit ka sa asawa ko?" I clenched my fist when she freaking smirked at me. The audacity of this bitch.

Sorry anak, nag-iinit ang dugo ko sa babaeng ito eh. Sorry dahil mukhang mapapamura ako sa galit.

"Hmm, what do you think? Oh, just so you know, your husband and I are hanging out these past few days. Hindi na umuuwi sa inyo, ano? Baka nagsawa na–" she didn't have the chance to continue her nonsense blabbering when my palm landed on her cheeks. Both sides of her cheeks, to be specific.

Her mouth parted while her both hands are on her both cheeks. This time, I'm the one who showed her my smirk. Serves you right.

"Erich?"

Mabilis akong lumingon sa asawa ko na kunot noong nakatingin sa amin. Gulong gulo pa ang buhok at papungas pungas pa.

"He slept well, you see? Wanna know why?" The bitch stated before going near me to whisper. "I told you, nagsawa na sa 'yo kaya dito namalagi." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad hinablot ang buhok niyang wala akong pakealam kung bagong rebond o ano. Basta, kakalbuhin ko itong babaeng ito!

"What the hell, Erich!" An arm wrapped around my waist, trying to separate me and this bitch but I paid no attention.

"Ouch! Oh my gosh, let go of my hair! Ouch– Raijin, help me!" Mas dumiin ang pagkakahawak ko sa kaniya nang marinig ko ag pangalan ng asawa ko.

"Stop! Erich, stop!" Naluha ako sa galit nang matagumpay na naihiwalay ni Jin ang kamay ko sa babaeng maharot.

She suddenly fell down the ground and started crying. Ang kaninang maayos na itsura ay nagulo na kaya halos mapangisi ako pero agad nawala ang ngisi ko nang makita ang paglapit ni Jin sa kaniya.

My heart throbs in pain seeing how he held her and help her up. Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa magtama amg paningin namin ni Raijin.

I was excited seeing him after days. I cooked his favorite food even thought, alam kong mas magaling siyang magluto. I still tried. I tried cooking for him. Unti unting gumalaw ang kamay ko patungong likuran para maitago ko ang iilang paso at hiwa sa kamay ko na natamo ko nang subukan kong iluto ang paborito niya tapos ito ang madadatnan ko?

"Erich..." Raijin called me and it added more pain.

Erich na lang ang tawag sa akin? First name basis na lang kami ngayon?

I sniffed and took a step backwards. Hindi ko na sila tiningnan at tuluyan nang tumalikod.

This time, I'm the one who left him. I'm the one who turned my back to him.

Where Eternity Begins (SOW #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon