27.

172 7 0
                                    

Napangiti ako nang makita ang bagong bukas na bakery shop ko. Tatlong araw matapos maibigay ito nila Ate sa akin, dumalaw ako para tingnan ang interior ng shop. Sakto at malapit ito sa plaza kaya maraming tao ang maaring makakita.

Kuya and Ate helped me in preparing the shop. May mga staff na rin na narito at lahat sila ay naipakilala na sa akin. Nagulat rin ako nang makita si Soli na dito na rin nagtatrabaho. She said, Ate Daniella requested for her so, she agreed. It's a good thing rin since may kilala na ako agad.

I look up and smile seeing the bakery shop's name.

Golden River's Courage Bakery Shop.

My once virtual business is now here. I named it the same. Walang nagbago. Sa Golden River's Courage ako nagsimula, sa Golden River's Courage din ako magpapatuloy at matatapos.

Golden River's Courage is the only name I thought of back then. Why? It's connected to my daughter and son's name. Noon pa man, naisipan kong ipangalan sa kanila ang shop dahil sila ang inspirasyon ko.

I didn't even knew that Ryle means courage or valiant. It surprised me when I found out. I guess, that name is really destined for Ryle. Also, Rio means river in spanish language which is surprising. In some terms, Kim means gold and I thought about it. That's why I came up with the name.

It holds a special place in my heart.

"Ma'am Erich, magandang umaga po!" Masiglang bati sa akin ni Soli na kakapasok lang sa bakery. Mabilis siyang dumiretso sa counter at nginitian ako. "Ang aga niyo po ah," puna niya.

"I'm excited. Today is the soft opening. Sana marami ang dumalo," I nervously said. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nakitang ayos na ito. Even the glass walls and doors are clean. Nasalubong ko ang tingin ng ilang empleyado kaya ngumiti ako at nagpasalamat sa kanila.

Ngayon pa lang, malaki na ang naitulong nila. I'm looking forward working with them.

"Marami po 'yan, Ma'am! Balita ko po ay binuksan niyo ulit 'yung page niyo kaya paniguradong dadagsain 'yan!"

What she said eased my nervousness. Nagpasalamat ako at naupo muna sa upuan doon habang siya ay abala sa paglilinis sa counter.

"Ay siya nga po pala, Ma'am! May padala po pala sa inyo si Raijin," sabi niya kaya mabilis kumunot ang noo ko. Nakita kong tumungo siya sa bag niya at may inilabas mula doon at inabot sa akin.

Napasimangot ako. "Ano 'yan?" Tanong ko.

"Almusal daw po. Hindi raw kayo nag-almusal bago umalis kaya pinadala niya. Saka, 'wag daw po kayong mag-alala, siya ang magbabantay kay Ryle buong araw." Napapikit ako at bumuntong hininga.

"Uh, ikaw na lang kumain niyan. Nakakain na rin ako pagdating ko dito kaya sige na, kainin mo na," sabi ko bago tumayo at inabala na ang sarili ko.

At exactly 8:00 AM, we opened the shop and I was overwhelmed seeing how many people went and smiles at me. Naging mabilis din ang lahat at napagtanto ko na lang na nakangiti ako habang pinapanood sila.

I realized, me and Raijin already built our dream businesses yet, we never attended each other's opening. Napailing ako sa naisip.

"Hello, Miss! Kilala kita! Ikaw 'yung nag-oonline selling ng cupcakes and pastries noon! Jusko, gustong-gusto po ng mga anak ko 'yung mga bine-bake niyo! Nanghinayang nga po kami nang magsara kayo pero nang makita naming nag-activate po ulit kayo ng page, napasugod kami dito!" Ani ng isang babae sa akin. Malaki ang ngiti niya kaya napangiti rin ako. Sa tabi niya ang isang babae na ngumiti rin sa akin.

"Wala pong pinagbago ang products niyo po! Masarap pa rin!"

My heart softens everytime they'll come to me and compliment me. It overwhelms me seeing them enjoy what I made and seeing them greeting and praising my staff made my heart explode in joy. Afterall, the staffs deserves to be praised too.

Where Eternity Begins (SOW #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon