Another day and another work but this time, it feels different. Hindi ko alam kung paano kikilos sa harapan niya. My heart and mind couldn't still move on from what he said last night. Tumatak na sa isip ko kaya halos maiyak ako sa inis dahil paulit ulit iyong nasa utak ko.
Why can't he understand that he's caging himself? Our marriage failed and he should be there, going out and try loving someone else but, he didn't do it. Ang divorce papers na inakala ko ay naproseso na ay hindi pala niya pinakialam.
It means, Kuya Eli lied to me about the divorce.
I wonder how Kuya invited Jin. Alam niya na wala na kami ng lalaki kaya bakit hinahayaan pa rin niyang magkalapit kami?
But, I never ask my brother about that. I don't want to sound interested. I don't wanna sound like I care. I need to protect my heart and my son.
"Ma'am, tumawag po si Sir Jin, nai-deliver na raw po sa location 'yung order at pabalik na raw po sila."
"Maraming salamat," sabi ko bago binalingan muli ang report na ginagawa ko. Some reservations rin ay inaasikaso ko.
Nang dumating ang tanghali ay dumating na rin ang mga nag-deliver. Unang nasalubong ng mata ko si Jin na kakapasok lang din at may hawak na plastic. Lumapit siya sa akin at bahagyang ngumiti.
"I brought foods from... uh, the restaurant. Dinaanan ko rin 'yung bahay niyo at nandoon si Ma'am Daniella, sabi rin niya tapos nang kumain si Ryle," sabi niya. Napatayo ako at napatingin sa paligid at nakitang walang tao.
I glance at my staff. "Pwede na kayo mag-lunch, sige na." Tumango agad sila at dumiretso sa staff room kaya hinarap ko si Jin na nakatingin sa akin.
"Where do you wanna eat? Dito o sa opisina mo?" He asked with his eyes looking at me.
Napaiwas tingin ako. "Uh, sa opisina na lang. Salamat," sagot ko at naglakad na papunta sa kusina. I could hear his footsteps until we reached my office. Hindi ko rin madalas magamit ito dahil nga palagi akong nasa labas at natulong sa staff.
Dumiretso muna ako sa banyo para maghugas ng kamay. Huminga ako nang malalim bago lumabas. I stopped seeing Jin fixing the food. It's a take out from a restaurant and my heart pinched seeing how he separates raisins from the rice. He still remembers that I hate raisins.
Matapos niyang gawin 'yon ay inayos naman niya ang mga inumin bago siya naupo at sumandal sa sofa. He closed his eyes and sighed.
Napabuntong hininga rin ako at dumiretso sa upuan. Naupo ako at binalingan ang mga pagkain.
"Kain na tayo," sabi ko kaya napamulat siya at mabilis umayos ang upo. He nodded and gave me the spoon and fork so, I started eating.
Images of us eating toegther flashes my mind and it immediately brought tears to my eyes. Kahit taon na ang lumipas, masakit pa rin pala. Nalulungkot pa rin ako.
"Masarap ba?" Tanong niya kaya napatango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. "Dumaan ako sa restaurant... natin at naisip kong dalhan ka niya for lunch. I even gave meals to Ryle and Ma'am Daniella. I also checked the restaurant before going back here," litanya niya.
Tumingin ako sa kaniya. "What did you say? Restaurant... natin? What do you mean?" Tanong ko bago muling sumubo ng kanin.
I heard him took a deep breath. "You know how much we dreamt of having our own business to provide for our f-family... noon, diba?" I can feel him staring at me. "It's ours, Erich. Hindi lang para sa akin. P-para sa inyo 'yun ng anak... anak natin. I never consider that restaurant for myself because it's for us. It's ours, not just mine."
I stared at the food. Nawalan na rin ako ng gana kaya napabuntong hininga ako.
"But that restaurant is also where I saw you with her." I glanced at him. "You didn't know how... how excited I was to see you and talk to you. Kasi alam ko na mag-isa ka, na nalulungkot ka, na umiiyak ka na naman pero imbis na mapagaan natin ang loob ng isa't isa..." Napailing ako. "Mas bumigat lang, mas nasira lang," sabi ko bago naramdaman ang pagtulo ng luha ko na ahad kong pinunasan.
BINABASA MO ANG
Where Eternity Begins (SOW #4)
RomanceSeries Of Wheres #4 - They have been living together and loving each other for years. Raijin Anderson and Ericianna Calvez-Anderson thought it's already had a happy ending but, no. Moving to her province with her family, they both started their mar...