25.

154 9 0
                                    

I never knew that Raijin is here. Hindi ko in-expect na makikita ko siya ulit. Lumipas ang limang taon nang wala siya at ayos naman kami pero ngayong nakita ko siya, naiinis ako kasi bumabalik na naman.

Kailangan kong tatagan ang sarili ko. He probably moved on, right? Baka sila na rin nung business partner niya noon? Who knows? Baka nga may pamilya na sila.

Ate and Kuya's party went on at ngayon ay nagsasayawan na ang mga tao. Maging si Tito at Tita ay sumasayaw na. Naiwan tuloy kami ni Ryle dito.

After what happened earlier, I immediately took Ryle on our table. Iniwasan kong mapalapit ulit sa kaniya dahil ayokong mahulog na naman. Apektado pa rin naman ako kaya nakakatakot lumapit ulit.

Nagpaalam akong muli sa Mama at Papa ni Ate Dani. Sinabi ko na inaantok na si Ryle kaya pupunta muna kami sa kwarto ni Ate Dani. Soli immediately went to me and guided me towards the room.

Ibinaba ko ang anak ko na tulog na rin pala. Palusot ko lang na tulog siya pero hindi ko alam na tulog na pala talaga.

I slowly put him down and took his shoes and socks. Kumuha rin ako ng pamunas at pinunasan ang anak ko bago siya kumutan. I planted a soft kiss on his forehead.

"Ma'am, hindi na po ba kayo babalik sa party?" Soli asked me.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang tagpo kanina. He's there. He's just around and knowing he's just around made me feel nervous.

"Hindi na, ayos na ako dito. Hihintayin ko na lang na matapos 'yung party para makapagpaalam ako kay Kuya at Ate," sagot ko. Soli nodded and told me she would help outside.

Sumulyap ako sa orasan at nakitang mag-aalas otso na rin ng gabi. Mukhang malapit nang matapos ang party kaya maghihintay na lang ako dito. Kahit i-text ko ang Kuya ko, alam ko na hindi niya makikita.

I get my phone and lie down beside my son. Tahimik akong nanood ng random videos sa cellphone ko. I lowered the volume and silently laugh every time a funny video came.

It's almost 9:30 in the evening when the door opened and revealed Ate Dani. She looks shocked seeing us in her room.

Mabilis akong lumapit. "Ate! Sorry, we used your room! P-pasensiya na, lilinisin ko bago kami umuwi!"

"Ano ka ba, Ericianna! Para ka namang others! Pwedeng pwede kayong matulog dito! Isa pa, dito daw muna kayo tumuloy sabi ng kuya mo! Walang problema ang pagtulog niyo dito sa kwarto. Nako! Tatabihan ko pa kayo tapos yayakapin ko si Ryle!" She stated making me smile.

Mabilis nagbihis si Ate Daniella ng damit. Inabutan niya rin ako kaya nagbihis rin ako sa banyo sa ibaba. Wala nang katao-tao roon at nakita ko ang pag-akyat ni Kuya.

I fixed myself before going to the stairs but I stopped when I heard my name being called. Nang lingunin ko ay nakita ko ang lalaking pilit kong kinakalimutan.

I stated at him. I can't help but to notice how his physical feature changed. His body grown so much. I could see growing beards around his jaw. Ang buhok ay mas mahaba kaysa dati. He's already 38 like me but he still appears to be strong and dominant.

Kumalabog ng husto ang puso ko pero habang nakatitig sa kaniya, hindi ko rin maiwasan na maalala lahat mula sa nakaraan.

How he turned his back on me. How he kept on siding with that woman. How I saw him with her. Everything and it still hurts me to the core.

"You're here," he stated but I remained silent, secretly gripping the paper bag I'm holding. He tried taking a step forward but I took a step backwards, remembering how he abandoned me and how he easily left that night.

Where Eternity Begins (SOW #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon