13.

96 6 0
                                    

These past few days has been tough yet great. Tough because of the non-stop orders from customers. Halos ako ang gumagawa lahat kaya mahirap talaga. Isa pa, Raijin's busy these days dahil sa nagsisimula niyang restaurant. He showed me the photo of the interior and said that one of these days, we can visit the restaurant before the opening.

Despite the tough days, my day's still great because of Kim. She would always shower us with morning kisses and hugs. Kapag uuwi galing school ay palaging may kwento ukol sa pag-aaral niya. Her every stories about her doing great at school makes us really really proud of her. Ngayon pa lang, alam ko nang may magandang kinabukasan ang anak namin ni Jin.

Working alone has been my hobby but there are times that I couldn't take anymore. Dala na rin ng pressure at dami ng gawain, mabilis akong naiinis sa maliliit na bagay.

I just mentiond that my days are tough and great at the same time and me dealing with irritations is part of my tough days.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil napapansin kong mabilis akong mainis sa mga bagay. Kahit kaunting bagay pero mabuti at hindi ko nagbubutungan ang anak ko at asawa ko.

But, this time, it's different.

Tirik ang araw kaya naniningkit ang mata ko habang naghihintay ng masasakyang tricycle sa tapat ng palengkeng pinuntahan ko. May mga dumadaang tricycle pero puno lahat. Nagsisimula na naman akong mainis, dagdag pa ang init at bigat ng dalahin ko.

While my husband is busy with his work, my duaghter's at school, ako naman ay namili ng mga sangkap para sa maliit na business ko. Alas onse na ngayon at ngayon lang ako natapos sa pamamalengke at pamimili. Gutom na ako kaya kailangan nang umuwi para makapagluto ng tanghalian dahil baka umuwi si Raijin.

I, once again look around to look for a tricycle when my eyes spotted a familliar built of a man across the street. I immediately recognized him. Well, I'm the one who picked the suit he is wearing that's why I was able to recognize him immediately.

Nangunot ang noo ko dahil sa nakikita ko. Akala ko ba ay nasa restaurant siya? Bakit nariyan siya sa coffee shop... at may kasamang babae?

I can see him smiling at nodding at every word the woman in front of him is saying. Nanlaki din ang mata ko nang walang pakundangang hinampas ng babae ang braso ng asawa ko.

Oo, ng asawa ko.

"Huh, d'yan na pala ang trabaho niya?" Sarkastikong tanong ko sa sarili.

Habang pinapanood sila ay mas nadadagdagan ang inis ko. Kanina pa ako narito sa initan, naghihintay ng sasakyan pauwi dahil gutom na ako at pawis na tapos makikita ko lang siya d'yan sa coffee shop sa tapat at nakikipagtawanan sa babae?

My temper loosened when the girl suddenly leaned in and whisper to him. Mabilis akong tumawid, wala nang pakealam sa mga sasakyang nadaan. Nagmartsa ako palapit habang nakatuon ang mata sa kanila.

I opened the coffee shop's glass door and stomped towards them. His eyes imediately met mine and I could see how startled he is. Napatayo pa siya at mabilis na lumapit sa akin. Ang gulat ay mabilis napalitan ng ngiti.

"Darling, you are here? Anong ginagawa mo?" He asked while walking towards me but I pay him no attention. Nakatuon ang mata ko sa babaeng nanonod sa amin. Wala nang kangiti ngiti ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

What? Kapag sa asawa ko, wagas makangiti pero ako, tinatarayan?

"Darling, pawis ka na. Tara dito, punasan ko 'yang pawi–" I shook my head and face him. Napansin niya ang malamig na ekspresyon ko kaya napatitig siya sa akin.

"Ito na pala 'yung location ng restaurant mo?" Pabalang kong tanong. His brows furrowed before he shook his head.

"Hindi, we're just talking. She's Hanna Villareal, a business partner—"

"Wala akong pakealam kung business partner mo o ano, Raijin!" He was startled by the loudness of my voice.

"Erich..."

I gasped. "Erich, huh? Wow, kanina darling tapos ngayon, Erich na? Ang galing, Raijin!" I know, I'm already making a scene but I'm too annoyed to care. This woman needs to learn how to keep her hands to herself. Can't she see the ring on his finger? Wala ba siyang common sense?

"Excuse me, Miss but you are disturbing our talk. As you see, we are enjoying our time here but you have the audacity to come here and make a scene."

My mouth parted in disbelief while staring at the woman who stood up and walk towards us. Ang suot na sapatos na may takong ay tumutunog sa bawat hakbang niya pero wala akong pakealam. Putulin ko pa 'yan eh. At anong sabi niya? The audacity? Wow, she has the audacity, huh?

"Ms. Villareal," Jin warned.

"Excuse me rin, ha? Pero asawa ko itong kasama mo. Kung business partner kayo, dapat pure business lang, walang pahampas sa braso at pabulong! Ano, mga bingi ba kayo at may palapit pa para bumulong?!" Singhal ko pero inirapan lang ako ng babae at bumaling kay Raijin na tahimik na nakahawak sa braso ko.

"Mr. Anderson, you know my number. Just call me when you needed to talk about the proposal of yours. See you," this bitch really has the audacity.

Binalingan pa niya ako bago pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Her face scruched and before she could walk away, I heard her say.

"Disgusting."

I scoffed and glared at Jin who's just watching me. Umiling ako at tinalikuran siya. Uuwi na ako, bahala siyang makipag-usap diyan.

Mabilis akong nakahanap ng tricycle para makauwi na at hindi rin nagtagal ay nakauwi na ako. Mabilis akong nagbayad at pumasok na sa bahay. Mas binilisan ko pa ang kilos nang makita ang isang tricycle na kasunod at bumaba siya mula roon.

"Erich!" He called before I could go inside. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa loob. Agad kong inayos ang mga pinamili at hindi siya binigyan ng pansin.

"Erich..." He called breathelessly. Hindi ko pa rin siya pinagtuunan hanggang sa marinig ko ang marahas na pagbuntonghininga niya.

My blood immediately boiled and I lift up my head to face him.

"Ano?! Ikaw pa 'yung galit?!" Inis na tanong ko. Tinitigan niya ako at umiling siya bago naglakad palapit.

He sighed heavily. "Darling, why are you mad?"

Napapikit ako sa inis at sinubukang hawakan ng mahigpit ang upuan sa tabi ko dahil baka maihagis ko ito kay Raijin.

"Bakit ako galit? Ano bang ginawa mo, sa tingin mo? Bakit ako galit?" Taas kilay kong tanong. Tinitigan niya akong muli bago bumuntonghininga.

"Darling, what you did..." He trailed off and sighed once again. "She's a business partner, darling and we are just talking about the... about..." He suddenly hesitated making my frown deepened.

"What? Bakit ka natigilan? Hindi mo masabi?" Napairap ako bago napailing. "Isa pa! Business partner mo, ang sabi mo?! Bakit kailangang may pahampas sa braso, ha?! Bakit kailangang lumapit siya sa 'yo na halos halikan ka na?! Tapos, wala ka man lang ginagawa, Raijin! Hindi mo man lang naitulak man lang o kaya naman, umiwas ka! Hinayaan mo lang na lumapit ng gano'n! Paano kung hindi ko nakita 'yon? Maghahalikan kayo doon?!" I can see the irritation slowly building up in his eyes but he just closed his eyes and sighed before turning back at me.

"Let's both calm down first. Mag-aaway lang tayo kung pareho tayong galit," he stated before walking away but my reflexes was fast. Agad kong nahawakan ang braso niya.

"Bakit ka umiiwas?! Bakit ayaw mong ituloy 'yung sinasabi mo?!" Inis na sambit ko. Napatitig ako sa mukha niya at nakita kung gaano na siya ka-iritado.

Ano? Naiirita na siya sa 'kin?

"Ano, Raijin?!" Inip na tawag ko.

He faced me and removed my hand in his arms. "I'm really irritated right now, Erich. 'Wag muna ngayon."

Where Eternity Begins (SOW #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon