They say, every person has a guardian angel. Hindi man literal na guardian angel pero, sila ang pwedeng matawag na gano'n dahil lagi silang nandiyan para sa iyo. Para kumpletuhin ang araw mo, punuin ng pagmamahal ang puso mo at higit sa lahat, mahalin ka.
The love story I want is just simple. Kami ng asawa ko, magsasama at sabay aabutin ang pangarap namin bilang mag-asawa. Hanggang sa magkapamilya, sisiguraduhin kong maaalagaan nang maayos ang anak ko. Maibibigay namin sa kaniya ang pagmamahal na walang katumbas dahil naniniwala ako na walang bata ang dapat makaramdam na walang nagmamahal sa kanila.
Kimberlich came into our life and became our greatest blessing. She's our sunshine, the color to our blank canvas, the joy of our life, the angel of our life. Maswerte ako dahil siya ang naging anak ko. Maswerteng maswerte.
Akala ko masaya na kami. 'Yung tipong magkakaroon pa rin ng problema bilang pamilya pero maaayos din at the end of the day. 'Yung tipong mag-aaway pero hindi pa rin makakatiis. Ganun ang inaasahan ko.
Pero ika nga, expect the unexpected.
Maraming nangyari. Mula sa biglaang pagkawala ni Kim hanggang sa pagkawala rin niya. Pati ng... anak ko.
"Erich, hija! Kumain ka na ba?" Nilingon ko si Aling Elma na nakatanaw sa akin mula sa isang kubo malapit sa kinatatayuan ko.
Ngumiti ako. "Opo, Aling Elma. Salamat po. Kayo rin po, kain na kayo!" Sagot ko. Ngumiti ang matanda at tumango bago dumiretso sa pamilya niya. Nakita ko pang nakatingin sa akin ang bunsong anak nila Aling Elma na si Helen. Ngumiti ito sa akin at gano'n din ako.
Muli kong binalik an tingin ko sa dagat na kaharap. Ang payapa. Habang tinititigan ko ang dagat, naisip ko ang pagkakatulad nito sa tao.
Sa labas, akala mo ay ayos lang. Akala mo ay puro ganda lang pero kapag sisisirin mo at aalamin ang kaloob-looban, makikita mo ang maraming misteryo. Ang natatagong lihim. Lahat 'yon, tinatakpan ng kagandahan sa labas pero kung aanalisahin, makikitang hindi lang puro ganda at saya.
Of course, what is life without pain?
Tumalikod ako at pumasok sa bahay. Naupo ako sa kawayang upuan at binuksan ang telebisyon at inabala na lang ang sarili ko sa panonood ng mga tv shows.
Alas tres ng hapon nang lumabas ako para kumain ng meryenda. Hindi ko na hinintay sina Aling Elma na dalhan pa ako. Ako na lang ang pumunta at hindi ako nabigo nang makita silang mas kubo at may nakalagay nang ensaymada sa mesa doon at pati mga kape.
"Oh, Erich! Halika at magmeryenda ka na! Ito oh, ensaymada at kape!" Ani Mang Tacio na asawa ni Aling Elma nang makita ako.
"Salamat po, Mang Tacio." Naupo ako sa bakanteng upuan katabi ni Helen na agad akong nginitian.
"Hello, Ate Erich! Ito po oh! Kain po kayo!" Inabot niya sa akin ang isang ensaymada at inilagay sa tapat ko ang tasa.
"Salamat, Helen. Bait mo talaga!" Natatawang sabi ko bago pabirong ginulo ang buhok niya.
"Siyempre po! Nga pala, nasaan po si Ryle?" Tanong niya sa akin kaya napataas ang kilay ko.
Oo nga, 'no? Nasaan kaya ang bulilit na 'yon?
"Si Ryle ba? Ay, nakita kong kasama nina Sonny kanina at naroon sa second floor ng bahay nila, naglalaro. Tawagin ko ba?"
"Ako na lang po, Aling Elma. Meryenda na rin po kayo," sabi ko bago tumayo at isinantabi ang tasa bago binitbit ang tinapay at lumabas ng kubo.
Nagtungo ako sa bahay nina Mang Sonny na ilang hakbang lang mula sa kubo. Naabutan ko doon ang asawa nito na nagtutupi ng mga damit habang nakaupo sa kawayan nilang upuan.
BINABASA MO ANG
Where Eternity Begins (SOW #4)
RomanceSeries Of Wheres #4 - They have been living together and loving each other for years. Raijin Anderson and Ericianna Calvez-Anderson thought it's already had a happy ending but, no. Moving to her province with her family, they both started their mar...