I sighed as I place the rolling pin down. Muli kong isinantabi ang dough na palpak na naman. Napabuntong hininga ako dahil sa kalat na nasa kusina.
"Bakit hindi ko magawa nang ayos?" Naluluhang bulong ko.
Hindi ko na mabilang kung nakailang ulit na ako sa paghulma ng tinapay na ibebenta ko pero hindi ko magawa nang ayos. Hindi ko makuha ang tamang sukat ng bawat sangkap. Hindi ko magawang maiayos ang nakagawian.
Nawawalan na ako ng gana sa lahat. Tatlong araw na pero wala pa ring balita. Paulit ulit na akong dumudulog sa pulis pero wala pa raw silang update. Kuya Eli is helping but like what the police says, he can't find Kim.
Ayokong isipin ang negatibo. Kahit pa pinapamukha sa akin na hindi na makita ang anak ko, naniniwala pa rin akong buhay ang anak ko. Mahahanap ang anak ko.
Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. I took a deep breath and started typing.
Golden River's Courage Pastries posted a status.
Good day, our dear customers! This shop will be closed for a while. Reservations and orders wouldn't be entertained because of a personal and confidential reason. Thank you and have a good day.
Tumunog ang cellphone ko dahil sa notifications pero hindi ko na sinilip. Isinandal ko ang likod sa upuan at hinayaang tumulo ang luha ko.
I'm alone. No one is here with me. No one could see how I weep alone. The person who I expect to mourn with me is not here. He didn't went home. He's not here with me.
Why did he not come home? Why did he left? Why did he leave me alone?
Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Raijin. Sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi niya nagawang protektahan ang anak namin pero hindi ko naman siya sinisisi. Walang sumisisi sa kaniya kung hindi ang sarili niya.
He shouldn't be blaming himself because I know, Kim is still there. My daughter is alive.
"Stop crying, Erich," I whispered in myself and accidentally, my hand fell to my stomach. It felt like a punch hits me when I realize one thing.
I'm fucking pregnant!
Guilt spread to me when I realized how I spent my time crying every day, completely forgetting about the life inside my womb. Mabilis nang tumulo ang luha ko nang mapagtantong muntik ko nang ipahamak ang magiging anak ko. Napapabayaan ko na ang sarili ko na ikakapahamak pa ng bata sa tiyan ko.
"S-sorry, baby. M-mama is b-bad. Sorry," I cried while caressing my stomach. Ilang minuto pa bago ako kumalma at nagdesisyong ligpitin na ang kalat na nasa mesa pero hindi pa ako nakakagalaw, narinig ko na ang pamilyar na boses ng kapatid ko.
"Erich?" I even heard Ate Daniella's voice.
I stood up and greeted them. Ate Daniella smiled and went to hug me. She even kissed my temple making me close my eyes in comfort.
"Hi, sis. Dumalaw kami para kamustahin ka," Kuya Eli pats my shoulder. Bumitaw ako kay Ate Daniella at niyakap ang kuya ko. "Shhh, we're here. Kuya is here," he whisped while caressing my hair, making me sob more.
"I'm n-not okay, Kuya. I miss my d-daughter," mahinang bulong ko.
Ate Daniella held my arm and guided me toward the sofa. Naupo ako at parang nanghina nang makahanap ng mayayakap at maiiyakan.
"Inom ka muna, Erich." Inabot sa akin ni Ate ang isang baso ng tubig na agad kong ininuman. I mumbled a small thanks to her before drying my tears.
"I saw your post. Isasara mo muna ang online shop mo?" Kuya asked and I immediately nodded. Akala ko may sasabihin siya pero tumango na lang rin siya. "Mas better. Kailangan mong magpahinga muna. Where's your husband?" Nakagat ko ang labi ko nang banggitin niya si Raijin.
Hindi ko nagawang sumagot at naramdaman ko na pinapanood nila ako. Ate seems to sense that something is wrong.
"He's not here." It wasn't a question but a statement. A clear and firm statement from Kuya. Mukhang napansin na rin niya ang pag-aalangan kong sumagot at hindi na sila nagtanong pang muli.
"Kumain ka na ba?" I shook my head and clutch my stomach.
I'm too pre-occupied in crying that I almost forgot my baby inside.
"Ipaghahain muna kita, anong gusto mong kainin?" I glance at Ate and saw her looking at me with softness in her eyes. Napakagat labi naman ako at nag-isip ng gustong kainin.
"P-pancit na may s-sardines," bulong ko at napaluha nang maalala na 'yun ang gustong gusto na iluto ni Raijin para sa amin. Napabuntong hininga ako.
Nami-miss ko na ang asawa ko.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Ate sa ulo ko. "Buti na lang at marunong akong magluto noon. Sige, saglit lang at ipagluluto kita. Usap muna kayo ng Kuya mo." Naglakad na rin si Ate patungo sa kusina kaya naiwan kami ni Kuya. Sumandal ako sa sandalan at palihim na hinahaplos ang tiyan ko.
Paulit ulit akong humihingi ng tawad at gabay sa anak ko. Humihingi ako ng tawad dahil napapabayaan ko na siya at dahil hindi ko pa magawang sabihin ang tungkol sa kaniya sa Papa niya. Humihiling rin ako na sana mahanap na namim ang Ate niya, mahanap na si Kim.
"Gusto mo bang magpahinga sa kwarto niyo muna? Dadalhin na lang ni Daniella ang pagkain mo." Tumango ako at hinayaan si Kuya na alalayan ako patungo sa kwarto namin.
Binuksan niya ang pintuan at agad akong dumiretso sa kama namin ni Jin. Napabuntong hininga ako nang maramdaman ang malamig na kama. Hindi ko magawang matulog dito mula nang hindi umuwi si Jin. Ayokong matulog dito dahil buong magdamag akong umiiyak. Mula nang hindi siya umuwi, hindi na ako natutulog dito pero ngayon, napagtanto ko na sobrang miss na miss ko na ang asawa ko pati ang anak ko.
Nami-miss ko na ang bawat lambing nila. Ang mga halik at yakap sa umaga. Ang pagsalubong nila sa akin at ang pagkain namin ng sabay-sabay. Ang mga kwento ni Kim na nakakapagkumpleto ng araw ko. Lahat 'yon ay miss na miss ko na.
"K-kuya, wala pa bang... balita kay K-kim?" Halos hindi ko mabanggit ang pangalan ng anak ko dahil sa pagbabara ng lalamunan ko. Huminga ako nang malalim pero hindi pa rin maibsan ang sakit at bigat ng dibdib ko.
Kuya Eli sat down beside me and let me rest in his shoulder. "Wala pa. The police is trying their best. They searched the whole place but all they saw is the burned establishment. Halos walang matira. All the victim's bodies are also picked up at wala nang nakita pa roon." His low voice surrounds the room.
"They investigated the cause of explosion and they found out the gas leaking behind the playground. Gas leak ang sanhi ng explosion, Erich," My Kuya's voice seems unclear to me. Halos wala na akong gano'ng marinig sa kaniya dahil unti-unti nang pumipikit ang mata ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas pero hindi ko na naririnig ang boses ni Kuya. Tahimik ang paligid pero nanatili akong nakapikit.
A minute later, I felt myself being lift up and the softness of the matress reached my back. A comforter is covering me and a soft kiss on my forehead is what I've felt before I fell asleep.
"Good night, darling."
BINABASA MO ANG
Where Eternity Begins (SOW #4)
RomanceSeries Of Wheres #4 - They have been living together and loving each other for years. Raijin Anderson and Ericianna Calvez-Anderson thought it's already had a happy ending but, no. Moving to her province with her family, they both started their mar...